Dumaan ang maraming buwan mas naging close pa kami ni Psalm, palagi siyang pumunta sa bahay tuwing gabi upang tulungan niya ako sa subject kung puro solving. I feel comfortable with I'm with him, I feel peace and always happy.
"Indie." Malumanay na pag tawag niya sa akin.
"Hmm?" Sagot ko habang nag babasa ng libro.
Nandito pa kami ngayon sa library dahil meron akong long quiz bukas at apat na subject ay mag lolong quiz kami.
Simula non naging mas close pa kami sa isa't isa ay palagi na lang siya sumusunod sa akin. Kung saan man ako pupunta nandoon din siya. Iwan ko ba tong sa lalaking to parang walang problema sa pag aaral niya.
"What??" Tanong ko ulit sa kanya. Habang nag babasa parin ng libro.
Kinuha niya ang isa kung kamay at nilaro laro iyon. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Do you have a plan kung saan ka mag aaral ng college?" Ibinaba ko ang librong hawak ko at tumingin sa kanya, umayos ako sa pag upo at siya naman ay patuloy sa pag laro ng kamay ko.
"I think sa manila ako mag college, pero kasi pag aalis ako walang kasama si mama." Tumango lamang siya.
"Ikaw? May plano ka na??" Tiningnan niya ako and he pouted his lips at umiling sa akin.
" Why? Siguro sa manila ka mag aaral noh? Ang ganda ng mga paaralan doon." Saad ko sa kanya, kinuha ko ulit ang libro na binasa ko at nag patuloy.
"Parang gusto ko ng mag college dito. Ayaw ko na sa manila." Nilingon ko siya at naka tingin lang siya sa akin.
"Hayy naku. Ano naman ang makukuha mo dito na course eh kaunti lang yung course na nandito eh." Umiling lamang siya at nag salita na.
"Basta kung nasaan ka dapat nan doon din ako." He pouted his lips and acted cute.
"Tumigil ka nga lalaki atasaka hindi naman sigurado na dito ako mag aaral ng college. Sa manila ang gusto ko." Sabi ko sa kanya.
Malapit na pala kaming grumaduate dalawang buwan na lang tapos na kami sa senior highschool. Another path to take naman.
Hanggang ngayon hindi ko parin na pag desisyunan kung saan mag aral ng college. Ayaw kung iwan si mama dito.
Pangarap ko talaga na maka pag aral sa manila kasi pag sa mga syudad ka nag aaral maraming opportunity ang makukuha mo.
Patuloy parin siya sa pag lalaro ng kamay.
"Eh.. ikaw? Saan ka mag aaral ng college?"
"Basta kung saan ka nandoon din dapat ako. Pag sa manila ka mag aaral e.di. doon din ako." He pouted his lips at tumungin sa akin. Ngumiwi nalang ako sa kanya at nag patuloy sa ginagawa.
Hinatid niya ako pauwi, at dahil close sila ni mama ay madali lang sa kanya ang ihatid ako sa bahay.
"Salamat sa pag hatid. Sige na uwi ka na, gabi na."
"Ikaw talaga miss parang ayaw mo akong makasama ng matagal e.. samantalang ako gusto kita makasama." Umirap ako sa sinabi niya.
Ayakong mag kasama kami ng matagal baka pumutok na yung puso ko sa sobrang kaba pag nandyan siya.
"Iwan ko sayo lalaki ka!! Sige na! Uwi ka na. Salamat." Pumasok ako sa gate namin na gawa sa kahoy. Kumaway ako sa kanya at kumaway din siya with my flying kiss pa. Umirap ako sa kanya at tumalikod na. Narinig ko pa ang tawa niya at sumigaw siya.
"Bukas sabay tayo ulit papuntang school ha!!" Hinarap ko siya ulit at nag salita din.
" Sabay naman tayo palagi ah. Ang lapit nga lang ng bahay mo." Saad ko sa kanya. Ngumiti lamang siya at nag patuloy sa pag lalakad pa uwi.
Is this really the feeling of being in love or this is just a infatuation. Palagi na kaming mag kasama. Pati sa pag kain. Sa pag study sa libray. Sabay din kaming umuuwi. Yung mga barkada ko naman ay okay na okay pa sa kanila na mag kasama kami palagi, di bale na dawng hindi ko sila makasama buong araw basta pag si Psalm na dapat siya talaga. Iwan ko ba sa mga babaeng yun! Ipag tulakan pa ako..
Kinabukasan ay maaga akong gumising para hindi talaga ako ma late, first period pa naman yung isang subject namin na mag long quiz.
Lumabas na ako ng bahay at nag antay ng tricycle.
Tumingin ako sa itaas at medyo madilim ang kalangitan. Uulan na naman siguro.
I really like rains kasi pag umuulan mas na fe-feel ko yung peace na gusto ko, yung tagaktak lang na ulan ang maririnig mo, at may kunting pag sipol ng hangin. I know that there are some people hate rains kasi naka aabala sa trabaho nila, minsan din yung iba na feel din nila yung lungkot. But for my state I like rains.
Tumigil lang ako sa pag iisip ng may biglang nag salita sa harapan ko.
"Ang lalim naman ng iniisip ng babeng gusto ko. Ako siguro yang nasa isip mo noh?" I gave him a questioned look and then I rolled my eyes.
"Iwan ko sayong lalaki ka!" Tiningnan ko yung nasa likuran niya. Aba nakahanap na pala siya ng tricycle.
" Ehh.. aminin mo na kasi ako yung ini isip mo." Panunukso niya pa sa akin.
"Isa! Pag dika tumigil dyan hindi kita isasabay sa pag sakay ng tricycle."
" Aba miss ako kaya ang una nakakita ng tricycle na yan. Pasalamat ka nga na pina sabay kita."
"So.. ganoon.. eh di ikaw na lang sumakay!!" Akmang lalabas na ako sa tricycle pero hinarangan niya ako.
"Wag naman ganyan miss. Pikon ka talaga." tumawa pa siya at pumasok na sa tricycle.
Nag lalakad na kami papuntang class room namin, naka busangot parin ang mukha ko. Pinag titinginan tuloy kami ng mga studyante. Pano ba naman eh ang lakas ng tawa niya na para bang may kumiliti sa kanya.
"Tumigil ka na nga!! Pag ako talaga na pikon sayo Dela rama...lagot ka talaga sa aking lalaki ka!!" Tinuturo-turo ko pa siya. Mas lalo tuloy kami pinag titinginan ng mga studyante. Arghh!!! Ang lalaki tong talaga.
"Miss naman. Matatakot naba ako nyan?" Sabay tawa niya pa ng malakas.
Binilisan ko na lang ang pag lalakad ko ng makarating na sa room ko. Pisteng lalaking yun kanina pa siya sa tricycle tinutukso ako tungkol sa crush ko daw siya kaya daw matagal kung sinuli yung jacket niya para ma gayuma ko daw siya at mag kakagusto siya sa akin.
"Indie. Wait for me Miss." Sigaw niya pa, may kausap kasi siyang babae kaya mas lalong binilisan ko ang pag lalakad para narin diko madinig yung pinag uusapan nila.
"Miss naman." Tunog pag tatampo niya ng maabutan niya ako.
" Pumunta ka na nga sa classroom mo Dela rama!" Humakbang na kami sa hagdanan. Inakbayan niya agad ako at hinawi ko iyon.
"Bakit highblood si Miss ko?" Namay halong panunuyang tinig.
" Iwan ko talaga sayong lalaki ka. Hmp!!" Tumawa lang siya at nag patuloy na kami sa pag lalakd hanggang nakarating kami sa room ko.
" Dito na ako. Salamat." Paalam ko sa kanya at akmang papasok na ay hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya.
"What?" Umirap ako sa kanya.
Naka titig lang siya sa akin at mapaklang tumawa.
"W-wala. Masaya lang ako." Ngumiti siya sa akin at tumango.
Ano namang nangyari sa lalaking ito. Ang weird niya ah.
"You're weird." Saad ko sa kanya. At tumawa lang siya.
"Sige. Sabay tayo puntang canteen mamaya." Sabi niya pa at tumalikod na.
Minsan diko maintindihan ang lalaking ito. Minsan weird yung pinag sasalita tungkol sa mga taong namatay, kung hindi naman. pag mag kasama kami bigla bigla na lang siyang mag sasalita ng "salamat at nakilala kita" ang weird talaga niya.
Note: Hi guys, thank you for reading my works. I love you?
Ps. Pasenya na sa mga errors.