Nakarating ako kila Allyssa. Bumaba agad ako sa tricycle at mag bayad sana.
" Ineng, wag na. Binayaran na ng lalaki ang pamasahe mo." Nalito ako sa sinabi ni kuyang driver.
" Po? Eh hindi nga kami close non kuya. Bakit naman siya ang nag bayad sa pamasahe ko?" Tanong ko kay kuya.
" Hindi ko rin alam Ineng. Sige na Ineng mamasada pa ako." Paalam ni kuya sa akin at umalis na agad siya.
Huh? Bakit siya ang nag bayad? Ibinaliwala ko na lang at nag simula na akong mag lakad pa punta sa bahay nina Allyssa.
" Tao po? Tao po." Lumabas yong step mother niya at nginitian ako.
" Si Allyssa ba hanap mo?"
" Opo. Nandito po siya?" Tanong ko sa step mother ni Allyssa.
" Oo beh. Nasa taas siya. Pasok ka. Puntahan mo lang sa taas." Sabi niya pa at pumasok na ako.
" Sige po, salamat po" tumango lang siya at ngumiti sa akin ngumiti rin ako sa kanya at umakyat na sa itaas.
Nadatnan ko si Allyssa na nag lilinis ng kanyang kwarto.
" Sana all nag lilinis." Tukso ko sa kanya at tumawa lang siya.
" Mag lilinis tayo at baka masa bihan pa tayo ng pabaya at tamad kasi sariling kwarto natin hindi ma linisan." Umirap siya at ngumiwi at ako naman tumatawa lang.
"Mag linis ka kasi." Sabi ko pa sa kanya.
Hindi talaga mag kasundo si Allyssa at ang kanyang step mother simula una palang. Nag patuloy lang siya sa pag lilinis at ako naman ay sinimulan ko ng mag sulat sa notebook. "Napakahaba naman nito" sabi ng isip ko.
Habang nag susulat ako tumigil sa pag susulat si Allyssa at tinanong niya ako.
" Kumusta na pala yong jacket ni Psalm? Na sauli mo na?"
" Hindi pa nga eh. Nahihiya na nga ako baka kung ano na ang sasabihin ng lalaking yon."
" Gusto mo ako na lang ang mag sa uli sa kanya." Saad pa ni Allyssa
" Talaga. Sure ka na ikaw na lang? Nahihiya na kasi akong isauli yon." Saad ko pa sa kanya at muling bumalik sa pag susulat.
" Oo. Ako na lang. Atsaka bat ka mahihiya eh hindi mo naman siya gusto. Diba?" Tumungin ako sa kanya at tumawa siya ng malakas.
" Seryoso ka? As in? Crush mo siya Indie?" Tanong niya na tumatawa parin.
" Ehhh...wag ka ngang tumawa dyan." Naka simangot kung saad sa kanya.
" Hay naku! Indie ha. Ito lang masasabi ko sayo, hanggang sa pag hanga ka na lang." Sabi niya pa sa akin.
Kumunot naman ang nuo sa kanya.
" Bakit naman? Gentleman na man siya. Kaya ko nga siya nagustuhan eh."
"Kaya nga eh. Gentleman siya pero ang tanong. Sayo lang ba siya naging gentle man?"
Nalungkot ako sa sinabi ni Allyssa. Oo nga naman. Na pag tanto ko na mabait talaga sa lahat si Psalm.
" Oh. Natahimik ka ata dyan? Na realize mo na noh." Saad niya na tumtawa pa rin.
Tumango ako sa kanya at pekeng umiyak daw. Siya naman ay puro tawa lang.
" Ano yong sabi mo na hindi ka mag kaka gusto ng taga maynila kasi nga kadalasan sa kanila f*ck boy."
" Eh! Kahit nga taga rito naman sa atin f*ck boy parin atsaka feeling gwapo pa." Singhal ko sa kaniya at tumatawa pa rin siya. Bwesit talaga babeng ito tumatawa lang.
" Hmp!! Bahala ka diyan! Basta crush ko siya."
" Sana all may crush na." Humalakhak parin siya. " Pang ilang crush mo na to Indie? Siguro kung mag kaka boyfriend palit agad noh?" Biro na tanong niya pa
Ang dami ko kasing gusto sa school namin. Yong SSG president namin na si Dave, si Alec na taga GAS medyo cold kasi yong dating niya sa akin at marami pa hindi ko lang matandaan.
'Medyo malandi ako hahahahaha slight lang'
Pag katapos namin mag sulat ay bumaba na kami at pumuntang tindahan.
" Tao po?"si Allyssa
" Ano po sa inyo?" Tanong ng tindera
At habang namimili si Allyssa ng mga chichirya tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon "sino naman kaya to" kaya binuksan ko na lang at binasa ang message.
From:
09*********
Hi?
Aba. Sino naman kaya to! Nag reply agad ako.
To:
09*********
Sino to?
Tumonog ulit cellphone ko.
From:
09*********
Ako to miss. Si Psalm
"Oh my ghaddd." Tili ko. Kaya agad naman tumingin si Allyssa sa akin.
" Bilisan mo na dyan. Sasabihin ko lang sayo pag bumalik na tayo sa bahay niyo." Sabi ko sa kanya at dali dali naman niyang kinuha ang sukli.
" Nag text sa akin si Psalm." Ngiti kong sabi sa kanya at nanlaki naman ang kanyang mata.
" W-what!!!! Sure ka? Baka prank lang yan." Pag dududa niya pa.
Tumunog ulit cellphone ko at binuksan ko naman iyon at ni replyan siya. Si Allyssa naman ay naka titig lang sa akin at hihintay akong matapos.
" Anong sabi niya?" Tanong pa niya.
" Yung jacket niya daw kukunin na niya." Saad ko sa kanya.
" Hahahahahaha seryoso? Gago, laugh trip na this." At nag pa tuloy lang siya sa kanyang pag tawa.
Kaya pala nag text siya, yong jacket niya pala. Tangina naman oh. Akala ko kung ano ang kanyang tinext yon lang pala. Huminto naman sa pag tatawa si Allyssa.
" Oh. Tapos ka na? Nag enjoy ka noh?" Biro ko sa kanya at umirap na lang sa hangin.
" Tangina. Akala ko kung ano, kaya ka pala tinext kasi yung jacket hindi po ma nasa uli sa kanya." Sabay tawa niya pa. " Ang sakit naman yan bess." Tukso niya pa sa akin at nag pa tuloy ulit sa pag tawa.
Ni replyan ko si Psalm na mamaya ko na lang isauli yong jacket niya. Eh alam naman to ng gagong ito na mamaya ko na lang isuli nag text pa talaga.
" Tumigil ka na nga sa pag tawa dyan. " Sabay tapon sa kanya ng notebook at ang gaga tawa parin ng tawa.
Pagka tapos ng pang yayaring iyon, nag patuloy na lang kami sa aming ginagawa upang matapos na iyon.
" Sige. Bye." Paalam ko kay Allyssa at sumakay na ako ng tricycle.
Ala una na ng hapon ako naka uwi sa bahay. Nasa labas pa lang ako rinig ko na ang tawa ni mama na para bang ngayon lang naka rinig ng joke sa tanang buhay niya. Kaya pumasok na lang ako.
Pag pasok ko ay nadatnan ko si mama at si Psalm. Si Psalm!!!?? Nandito??? sa bahay??? at ka usap pa talaga si mama.
Tumikhim ako para mapansin nila at lumingon naman sila sa gawi ko. Ngumiti naman si Psalm nang makita ako.
" Hi. Magandang hapon."
At ako naman ay naka titig lang sa kanya. Kaya tinawag ako ni mama
" Hoy! Indie!" Pukaw sa akin ni mama at agad naman akong natauhan.
My ghad! Nakakahiya. Ano ba to. "Hoy Indie mag tigil ka." Sabi ko sa isip ko. Bumaling ako sa kanya na medyo nahihiya pa.
" Ahmm... Pasenya na. Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at siya naman ngayon ang naka titig sa akin. Kaya tumikhim ako ulit.
" Pasenya ka na. ahm... kukunin ko lang sana jacket ko." Saad niya at agad naman akong tumango at ngumiti sa kanya.
" Ahh. Sige. Kukunin ko lang sa taas." Tumango naman siya at ngumiti din sa akin.
Umakyat ako sa taas, binuksan ko ang pinto ng kwato ko at inilapag ang cellphone ko sa study table. Pag katapos ay pumunta ako sa closet ko at binuksan iyon. At agad ko naman nakita ang jacket niya na naka hanger kinuha ko iyon at tinupi ng maayos. Pag katapos ay lumabas na..
Note: Enjoy po kayo sa pag babasa. Sabihan niyo na lang po ako pag na boringan po kayo sa chapter na ito. Feel free to message me po. Thank you??