Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama. Nag iisip ako kung paano ko ito isuli sa kanya ang pisteng jacket na ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tungkol sa nang yari kahapon ay hindi niya ako nakilala. Paano ba naman niya ako makilala eh naka yuko ako kahapon at dumaan na lang siya.. haist buhay!!
Mabilis akong umahon sa pag higa ng may naisip na akong paraan.
" E chat ko nalang kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko.
Kaya kinuha ko ang cellphone ka study table at sinerch ang pangalan niya.
"Ayyy.. hindi kami friends." malamya kong sabi sa sarili ko.
Kaya dali-dali ko itong inadd at pag katapos ay nag scroll na lang ako sa newsfeed ko ng may nag pop up na notification na inaceppt niya na daw ako. Nag dadalawang isip pa ako na e message siya kasi ayoko talaga na ako yong unang mag chat, nakakahiya kaya yon...
Kaya nag log out na lang ako at pinatay ang data ko. Nilagay ko na ang cellphone ko sa study table ng biglang tumonog ito..
Hmmm? Sino naman kaya ito?.
Kaya binuksan ko ang message at binasa ko..
Unknown number:
Hi!
Aba! Bat parang galit to. Sino ba to? Ni replyan ko na lang siya.
To: Unknown number
Hoy! Sino ka? Nag hi kapa kung galit ka lang naman!!!!!
Nang na send ko na iyon agad naman siyang nag reply.
Unknown number:
Ayy. Sorry miss, wrong send.
binasa ko lang yong message niya at hindi ko na ni replyan. Ibinaba ko ulit ang cellphone ko at lumabas ng kwarto..
Habang bumaba ako narinig ko ang tawa ni mama. Sino naman kaya ang ka tsismisan nito? Kaya pala! Meron kaming bisita.
" Good morning po." Bati ko kay tita Eve.
" Good morning din Indie." Tugon niya sa akin ng may ngiti sa labi.
" Tita Eve ano na naman ang e tsi-tsismis mo kay mama tita." Tanong ko sa kanya.
" Meron kasi akong pamangkin galing maynila. Bagay kayo non." Panunukso niya pa sa akin. At si mama naman ay naka ngisi. Ano naman kayang plano ng dalawang ito.
Bagay? Eh hindi ko pa nga na kikita pamangkin niya bagay agad? Sa bagay maganda naman ako. Hahahaha.
" Itong si tita eh hindi ko pa nga na kikilala pamangkin mo po. Pakilala mo mona sa akin." Biro ko pa sa kanya.
" Wag kang mag alala. Ipakilala ko siya sayo."
" Basta ha. Siguradohin mo lang na gwapo yang pamangkin mo tita Eve." Biro ko ulit sa kanya.
" Gwapo talaga. Sige na. Kumain ka mo na ng agahan at may pag uusapan pa kami ng mama mo." Pananaboy niya sa akin at bumaling naman sia kay mama at nag pa tuloy sa pag sasalita.
Umalis ako sa harapan nila at pumuntang kusina upang kumain. At habang kumakain ako narinig kung may ka usap silang lalaki. Familiar sa akin ang boses ng lalaki pero isiniwalang bahala ko na lang at nag pa tuloy sa pag kain.
Hinugasan ko mo na ang pinag kainan ko at pag katapos ay lumabas na ako ng kusina.
"Ma. Punta mo na ako kila Ally-."
Na putol ang pag sasalita ko ng na pag tanto kung sino ang nasa sala namin kasam si mama at tita Eve.
Halaaa!!!! Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito??. tanong ko sa sarili. Naka titig lang siya sa akin at ako nalang ang lumihis sa kanyang mga titig.
"Indie. Halika rito ipa kilala kita sa pamangkin ko."
Pamangkin?? Pamangkin niya tong lalaking ito.. naputol ang pag iisip ko ng biglang tinawag ni mama ang pangaln ko..
" Indie! Hoy! Halika rito bilis!"
Si mama talaga. Nakakahiya. Lumapit ako sa kanila at umupo sa kabilang sofa.
" Indie. Si Psalm pamangkin ni tita Eve mo. At Psalm ito naman si Indie nag iisa kung anak " pag pakilala ni mama sa kanya.
" Ang ganda naman pala ng anak nyo tita." Sabi ni Psalm at agad naman akong pinag pulahan ng mukha kaya yumuko na lang ako.
" Uyyy. Si Indie nag blublush." Panunukso pa ni tita Eve at nag tawanan sila tatlo.
" Oh. Diba Indie. Sabi ko sayo eh gwapo ang pamangkin ko." Dagdag pang sabi ni tita Eve na may ngiti sa labi at may paunuksong expression ang mukha..
Wala na akong masabi kasi naman eh... Siya pala ang palaging kinukwento niya kay mama. Umangat ako ng tingin at nag tagpo ang tingin naming dalawa. Ngumiti siya sa akin at nag iwas na lang ako ng tingin.
" Mama. P-punta mo na ako kila Allyssa ma. Meron kasi kaming gagawin." Sabi ko kay mama, at palusot narin para ma ka alis ako rito..
Tumigil sila sa pag sasalitang tatlo at tumingin talaga sila sa akin..
"Ahmm... Ma. Sige na alis na ako." Dali dali akong tumayo at tinakbo ang pintuan upang maka alis na.
" Indie. Umuwi ka ng maaga ha."
Tugong sigaw ni mama at nilingon ko siya. nasa kalsada na ako at tumango na lang at sumakay na sa tricycle pero bago paman umandar ang tricycle ay sumigaw na si Psalm na sasakay daw din siya.
" Manong sa sa gym ako sa Poblacion." Sabi ni Psalm sa driver at agad pumasok at tumabi sa akin.
Sobrang kaba ang naramdaman ko, kasi naman eh.. may crush kaya ako sa mokong nato, hindi ko lang pina pahalata.. Lord help me po na hindi ako himatayin sa kaba ngayon. Please po. please po. Hindi na lang ako umimik at hindi rin ako gumalaw...
" Okay ka lang? Bakit... Parang hindi ka ata himinginga? Miss?." Tanong niya pa sa akin.
Bumuntong hininga na lang ako at umusog na lang ng kunti para hindi kami mag ka dikit...
" Oa naman nito. Wala naman akong germs eh. Hindi naman ako mabaho ah." Sabay singhot niya sa sarili niya.
" Ah.. h-hindi kasi ako sanay na may katabing lalaki." Saad ko sa kanya.
" Bakit naman? Allergic sa mga lalaki? Atsaka hindi naman kita babastusin." Sabi niya pa na mas lalong pumula ang pisngi ko. Bwisittt na man kasi ehh..
" Naku. Hindi naman ganon. Ano kasi.. ahmm. Kasi.." bawi ko at nag salita ulit siya.
" Diba ikaw yong babae sa waiting shed? Yong pina hiram ko ng jacket ko?" Tanong niya pa at agad naman akong tumango.
" Oo ako yon. Pasenya ka na hindi ko pa nasa uli sayo kasi hindi ko alam pangaln mo tapos sa school naman na hihiya akong lumapit sayo." Saad ko sa kanya at nginitian siya.
" Bakit ka naman nahihiyang lumapit sa akin sa school? Diba palagi naman tayong nag kikita sa school?" Tanong niya pa.
" Basta. Nahihiya ako atsaka sa mga classmate mo na rin."
" Okay lang yan. Oh. Asan na pala jacket ko." Tanong niya sa akin na may malaking ngisi sa labi.
" Pasenya na. Na iwan ko sa bahay eh."
May sasabihin pa sana ako sa kanya ng nag salita ang driver na nandito na sa Gym. Kaya lumabas na siya at nag bayad sa tricycle. Umandar ulit ang tricycle at nilingon ko siya na nasa b****a pa rin ng tricycle. Ngumiti siya sa akin at kinawayan ako.
Bago pa man kami maka layo narinig ko pa ang tuksuhan ng kanyang mga kaibigan sa kanya..
Note: hello?? sana po nagustuhan niyo ang update na ito. Salamat sa pag babasa ng story ko. At kung meron man kayong gustong i correct sa mga grammar ko o sa pamaraan ng pag sulat ko sana po matulungan nyo ako kung paano. kaya free po kayong i message ako..
At sa watty account ko na rin, pwede po kayong mag message sa akin..?? thank you...???