Nakarating na ako sa school at tama nga ang hinala ko. Marami ng studyante na nag lalakad sa kanya-kanyang classroom nila.
" Paano nayan? Hindi ko kilala kung sinong lalaki yon. Kung tinanong ko lang sana pangalan niya." Usap ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang classroom ko. Nag may tumawag sa akin.
" Indie! Indie! Bilisan mo naman ang pag lalakad!" Sigaw ni Yansyn sa akin, kasi nasa fourth floor ang room namin.
Tiningala ko lang siya at kumaway na may ngiti sa labi ko.
Habang nag paakyat na ako hindi talaga ma alis sa isip ko kung paano ko ito isusuli sa kanya na walang nakaka alam. Kasi panigurado kung malaman to ng mga barkada ko. Naku! Mamatay ako sa pangungutya nila.
" Indie! Bilisan mo na dyan! Cleaners pa naman tayo." Si Yansyn na isa sa mga barkada ko.
Inilagay ko mo na ang bag ko sa upuan ko at pag katapos ay tumulong na ako sa pag lilinis ng classroom namin. Anim kaming mag babarkada. Si Yansyn, si Allyssa, si Icel, si Meca, at si Mikhaelle. At syempre dahil mag babarkada kami.. mag kasama kami sa cleaners. At minsan yung mga group activities ay mag kakasama parin kami, gagawin namin ang lahat para mag kasama lang kami sa iisang groupo..
" Hoy. May chika ako sa inyo." Si Icel na may hawak pang walis tambo. Galing siya corridor nag wawalis .
"Ano yon?" Excited na tugon ni yansyn.
Sino naman ang kaya itong pinag tsi-tismisan nila. Ito talaga si Icel palaging may balitang dala.
" May gwapong transfer sa Stem, at tsaka matalino daw." Kinikilig pa na pag kwento ni Icel.
" Talaga? Puntahan kaya natin?" Si Si Meca naman parang binudburan ng asin sa sobrang kilig.
" Hoy! Tumigil nga kayo dyan! Kayo talaga pag gwapo na ang pag uusapan active na active kayo noh?." Pang sasapaw ko sa kanilang usapan.
" Ito namang si Indie parang hindi fan ng mga gwapong lalaki." Tawang tawa sabi ni yansyn at inirapan ko na lang sila at nag patuloy sa ginawa ko.
Marami ng nakisali sa kanilang tsismisan at nag hiyawan pa ang mga loko. Sino naman kaya ang bagong transfer student na ito? Curious tuloy ako. Hahahaha.
Ka katapos lang ng first subject namin at sobrang ingay na naman ng room. Pano ba kasi eh! Hindi pa natapos ang tsismisan nila tungkol sa bagong student na nasa Stem at nangunguna naman si Icel sa pag tsitsismiss.
At ako naman nandito lang sa upuan ko nag iisip kung paano ko isusuli ang jacket sa lalaking yon. Sana man lang dumaan siya dito. Kasi yong room nila is sa nasa pinaka dulo. Basta makita ko lang ulit ang mukha niya. Simula kasi kanina hindi ko pa sya nakikita sa campus.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang nag sigawan ang mga classmate ko at yong mga studyante sa labas ng mga rooms nila. Kaya lumabas din ako at yon naman pala kasi..
" Uyy si Indie lumabas para masilayan ang bagong student." Panunukso ni Yansyn sa akin, inirapan ko lang sya at tumawa lang ito.
Siya talaga yon. Ang sikat niya naman pala. Paano ko na isusuli yong jacket niya? Nahihiya na tuloy akong isuli ko pa sa kanya yon.. huhuhuhu.
Tinapik ako ni Allyssa at may binulong sa akin. " Kanino yong jacket na nasa bag mo?" Patay na.. lagot!. Ano ang sasabihin ko?...
"Ano kasi..." Hindi ako paka pag salita. Hinila ko na lang siya papuntang comfort room. "Hoy! Saan kayo pupunta!" Si Icel na tinatawag pangaln namin.
Pumasok kami sa c.r at ni lock ang pinto. " Allyssa... May sasabihin sana ako sayo?" Todo nato. Bahala na. Bumuntong hininga mo na ako bago nag salita
"Kasi... Ang jacket na yon is... Kay.." tiningan ko sya at nakataas ang isa niyang kilay at nag hihintay kung kailan ko sasabihin sa kanya.
" Parang familiar kasi ang jacket na yon.."
" Wag mo mona sabihin sa mga barkada natin to ha?. Yong jacket kasi is sa...bagong studyante ng Stem." Yumuko at hindi na nag salita pa.
"W-what!! As in? Sa kanya? Paano napanta sayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
" Ka gabi kasi diba na una na kayong umuwi tapos ako nasa faculty.. pag uwi ko kasi ka gabi, sumilong mo na ako sa waiting shed kasi pumapatak na ang ulan at hindi ko na malayan na nan doon na pala sya. Matagal kasi kaming nag pa silong doon dahil sa sobrang lakas ng ulan. Tapos nilalamig ako at yon na. Binigay nya ang jacket niya sa kin." Mahabang kwento ko sa kanya.
Hay naku! Sana hindi niya sasabihin sa mga barkada namin.
"Kaya pala. Alam mo na ba pangalan niya?"
"Hindi eh." umiiling ako sa kanya.
" Okay. Sige..hindi ko mo na sasabihin sa kanila." Tugon niya at lumabas na kami ng c.r.
Pumasok na kami sa room at mabuti na lang ay wala pa ang aming teacher kaya ang ginawa namin ay nag lalaro nalang ng truth or dare. Pero hindi parin maalis sa isip ko kung paano ko isusuli sa kanya yong jacket na yon..
Nilingon ko si Icel at tinanong ko kung ano ang pangalan ng bagong student sa Stem.
"Cel. Ano pala ang pangalan ng bagong student sa Stem?"
"Hoy. Ikaw ha! Bakit gusto mo sya noh?" Ngiting panunukso niya sa akin. Hayyy. Ano ba naman ang ma aasahan ko sa babeng ito. Inirapan ko na lang siya. At nag pa tuloy sa ginagawa ko.
" Ito naman hindi mabiro. Sige na nga, Psalm Joseph pangalan niya dayyy." Sabi niya at agad ko naman iyong tinatak sa isip ko. "Psalm Joseph, Psalm Joseph," pa ulit ulit kong sabi sa isip ko.
" Hoy. Anong menememorize mo dyan." Siko sa akin ng katabi kong bakla na si Mark..
" H-Huh? May sinasabi ba ako?" Pag maang maangan ko. " Sige na nga. Ipag patuloy na natin to." Pag iiba ko sa usapan.
Muntik na ako non_a. Pag katapos namin mag laro ay dumating naman ang aming pangatlong subject teacher. Kaya nag sitayuan na kami at bumalik sa aming kanya kanyang upuan.
Maagang natapos ang aming klase kasi may meeting daw lahat ng mga guro..
"Alas tres pa pala." Sabi ko kay Allyssa at liningon siya.
" Oh. Nasan sina Yansyn?" Tanong ko kay Allyssa na nag susuklay ng kanyang buhok.
" Ano pa nga ba. Eh di pinuntahan yung Stem na student."
" Ang mga babaeng yon talaga." Yon lang ang nasabi at lumabas na kami ng classroom namin para hanapin sila.
Naglalakad kami sa hallway nag biglang tumigil si Allyssa na may pag alala sa kanyang mukha.
" Oh. Bakit?" Tanong ko agad sa kanya.
"Oh my gosh.. yong phone ko naiwan ko sa upuan." Saad at agad ko namang ibinigay sa kanya ang susi ng room..
" Bilisan mo, at hihintayin na lang kita dito." Sabi ko sa kanya at kumaripas nasa ng takbo papuntang room namin..
Nandito kami ako ngayon sa second floor ng building. Nasa hagdanan ako nag hihintay sa kanya.
" Bat ang tagal niya." Reklamo ko sa sarili. Ng may biglang nag salita sa likuran ko....
" Excuse me miss.. nakaharang ka sa hagdan."
Oh my ghad!!! Gusto ko syang linungin. Alam ko kaninong boses na ito. Alalang ala ko pa....
"Miss??" Pukaw niya ulit sa akin.....
Note: hello sa inyo?? sana magustuhan nyo ang chapter na ito..
At kung may opinion man kayo sa story ko or gusto niyo akong e correct sa mga grammar ko, i will willing to accept po. Just message me...
Sorry sa wrong grammar at typos.