EPILOGUE

1544 Words
Lumabas ako ng bahay naramdaman ko agad ang init ng araw sa aking balat. Haist!! Bakit ba kasi ang init ng pilipinas. Bumalik na lang ako sa loob ng bahay para kumuha ng payong. "Oh. Akala ko naka alis kana." Si mama habang nag luluto ng kakanin para sa fiesta mamaya. "Ang init sa labas ma. Kaya mag dala nalang ako ng payong." Saad ko. "Mabuti pa nga." "Sige mama. Alis na ako ha. Final na talaga to aalis na ako." Seryoso kung sabi sa kanya. Tumawa naman siya ta tumango. Pag labas ko ulit ng bahay ay nakita ko na si Tita Eve na nag didilig ng mga bulaklak niya. Napa ngiti ako kasi naka hiligan na niya talaga yung mga halaman. Grabe talaga yung influence ng maganda kung ina sa kanya. "Good morning Tita Eve." Binaling niya sa akin ang paningin niya at ngumiti. "Good morning din Indie. Saan ka pupunta niyan?" Napansin niya siguro yung suot ko. Pupunta ako ngayon ng Ipil. May bibilhin akong gamit. "Punta ako ng Ipil Tita." "Aba ang dami nating pera ngayon ah." Biro niya pa sa akin. Tumawa naman ako "Wag kang mag alala Tita bibilhan kita ng donut. Alam kung favorite mo yun." Lumaki ang ngiti niya at sumigaw. "Thank you. Kaya boto na boto ako sayo para kay Psalm eh." Nawala agad ang ngiti sa labi ko. Malungkot akong ngumiti kay Tita Eve "Paano ba'yan Tita yung pambato mo iniwan na tayo." I sighed. "Oo nga eh. Pero alam kung masaya na siya. Lalo na't natupad yung panagarap mo." Ngumiti siya sa akin tinuon uli ang tingin sa mga halaman niya. "Sige po. Alis na ako." Kumaway ako sa kanya at pumasok nasa tricycle. It's been five years and now I must say that I totally move on. I know that where ever he is right now I know that he is happy. Masaya na din ako ngayon napag tapos ko ang kurso kung accountancy. Sa manila na ako nag tatatrabaho ngayon. Nag on leave lang ako ng one week dahil miss ko na si mama. Sinabi ko na sa kanya na sa manila nalang kami titira tutal meron naman na akong maliit na condo doon pero ayaw niyang sumama sa akin kasi daw ayaw niya daw iwanan yung bahay. Gusto ko lang naman na makasama siya kasi baka anong mangyari sa kanya nandyan agad ako para matulungan siya. Si Mama talaga. Maraming nangyari sa lumipas na limang taon. Hindi muna ako umuwi sa probinsya namin. Nag paalam na ako kay mama na uuwi lang ako pagkatapos ng libing ni Psalm, pumayag naman siya at nung nalaman niya na wala na si Psalm ay napa iyak din siya. Two days had past at hindi ko parin tanggap ang nangyari. Kahit na nag paalam talaga siya sa akin hindi ko parin tanggap na wala na siya. Paano yung graduation namin. Wala kaming picture dalawa na naka suot ng tuga. Iyak parin ako ng iyak. Nag pasalamat si Tita sa akin sa pag tulong sa kanila sa burol ni Psalm. Nandito na kami ngayon sa lugar kung saan gusto ni Psalm na ilibing. Marami pumunta na pamilya nila. Naka upo ako at nilibot ko ang aking paningin sa dagat ng mga tao. Nandito din ang dati niyang classmates, kaibigan at yung dati niyang mga guro. Lahat sila nag iyakan. Mabuti nalang ay tumigil sa pagluha ang mga mata ko. Siguro ay napapagod narin siya sa pag luha kasi pati siya alam na hindi na talaga babalik si Psalm kahit gaano pa ka dami yung luha ko. Isa-isa pumunta ang pamilya ni Psalm sa harapan upang sabihin nila ang lahat nilang gustung sabihin. Nung si Tita na ang pumunta sa harapan ay lahat tumahimik sa pag hagulhol at singhot nalang ang aking naririnig. Kinuha niya ang microphone, tumikhim siya at sinimulan na niya ang pag sasalita. Nung una ay relax pa siyang nag salita pero nung sinabi niya na kung gaano ka bait si Psalm bilang anak nila ay doon na siya humagulhol na pati si Tito Lucas ay napa iyak narin. Kung masakit sa akin ang pagkawala niya mas masakit iyon kina Tita at Tito. Nag iisa lang siyang anak nila kaya mas lalong hindi matanggap ni Tita Jonah na wala na talaga si Psalm. Gaya kay Mama nung namatay si Papa at Kuya palagi itong umiiyak, ganoon din si Tita. Sa apat na araw na pananatili dito sa kanila ay araw-araw kung nakikita si Tita na umiyak wala ng magawa si Tito Lucas sa asawa kaya mas lalo niya itong inaalagaan. Pagkatapos ni Tita mag salita sa harapan ay nag pasya na akong tumayo at pumunta sa harap. Naglalakad ako patungo sa harap nakikita ko agad ang mja tao na nag bulung-bulungan at yung iba pa ay nalito. Alam kung di nila ako kilala. Kinuha ko ang microphone. I sighed and then cleared my throat. Humarap ako sa mga tao at lahat ng mga mata nila ay nasa akin. Hindi ko naramdaman ang kaba. Kaya nag patuloy nalang ako. "Hi everyone. I know all of you are wondering kung sino ako. Ahm... I'm Indie and I'm the girlfriend of Psalm." Proud kung sinabi iyon sa kanilang lahat. Nakita ko agad sa mga mata nila ang pagka mangha. Pinagpatuloy ko ang mag sasalita sa harap. Lahat ng gusto kung sabihin kay Psalm ay doon ko sinabi. Hindi ko na napigilan ang umiyak at mapahikbi. Narinig ko din ang iyak nila. This is the last day. This will be your last Psalm. I don't know if I will love someone else after you. Pagkatapos kung mag salita ay bumalik na ako sa upuan ko at don umiyak ng umiyak. Lahat ng tao doon ay humagulhol na. Habang ang pari ay nag sasalita hindi na napigilan ni Tito Lucas si Tita dahil pumunta na ito sa harapan at hinagkan ang kabaong ni Psalm. Lahat kami ay mas lalong umiyak. "Anaaaakk!!! Anaaaakkk!!! Gumising kana diyan. Please maawa ka kay Mama at Papa mo." Niyug-yug niya pa ang kabaong kaya napilitan si Tito na humingi ng tulong sa iba para mapigilan si Tita sa ginagawa. Umiyak parin siya "Wag!! Please wag niyo akong ilayo sa anako ko. L-lucas." Pag mamakaawa niya kay Tito. Si Tito naman ay mas lalo pang napaiyak. Hindi niya siguro alam kung ano ang gagawin niya sa asawa niya. Tumayo ako sa upuan at pumunta kay Tita. "T-tita..... Please tama na po.... I-ililibing na siya Tita. W-wala na si Psalm." Hinagkan ko siya at kaming dalawa ang may pinaka malakasa na hagulhol doon. Unti-unti ay binababa ang kabaong ni Psalm. Nag wawala na si Tita kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Psalm aalis kana talaga. Iiwan mo na talaga kami. Bumalik sa isipan ko ang lahat. Lahat ng ginawa namin bilang mag kaibigan. Ang pangungulit niya sa akin. Ang pagiging sweet niya sa akin. Ang pambabasted niya sa akin. Bumalik lahat ng alaala niya sa aking isipan. I never stop questioning Him. Kung bakit sa lahat ng tao sa mundo bakit si Psalm pa. Marami namang masasamang tao diyan pero bakit si Psalm pa. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Bakit maaga siyang kinuha sa amin. Umiyak ako ng umiyak pati si Tito Lucas na hindi ko narinig ang hagulhol niya mula nong namatay si Psalm ay ngayon napaluhod siya at doon na siya umiyak at humagulhol. Hinding hindi ko parin malimutan iyon. Sa tuwing na alala ko ang pangyayaring iyon sa buhay ko tumutulo agad ang luha ko. Matagal kong tinanggap ang pagka matay niya. Ayaw kung tanggapin noon. Lumipas pa ang ilang buwan kung hindi ko pa nabasa yung sulat niya sa akin siguro hanggang ngayon ay hindi ko matanggap parin. Bumaba na ako sa tricycle at nag bayad bago umalis. Pupunta ako ngayon sa jewelry shop kung saan kami pumunta noon ni Psalm. May inorder kasi akong couple bracelet at ngayon ang dating. Pwede naman siyang i deliver pero mas maganda talaga na ako nalang ang pupunta sa mismong shop. Naisipan kung umorder ng couple bracelet dahil na isip ko na hindi ko pala nabigyan ng regalo si Psalm noon kaya nung nakita ko ang couple bracelet na nasa online shop nila ay nag order agad ako. Ibibigay ko to sa kanya pag maka dalaw ulit ako sa puntod niya. I'm so lucky that I meet him. Sa mga nag daang taon hindi nawala yung pagmamahal ko sa kanya mas lalo pa itong nadagdagan. He deserved my love kaya mas lalo kung na realized na ang pagmamahal ko sa kanya noon ay hindi isang teen love kundi yun yung pagmamahal na masasabi kung ang ganda ng pagmamahal na ito. Psalm my love for you is unconditional at dadalhin ko iyon hanggang sa mawala din ako sa mundong ito. Just wait in there. Napangiti ako habang nakatanaw sa langit at hinawakan ang kwintas na binigay niya sa akin. Psalm Joseph Dela rama. The man that I will only love for the rest of my life. Thank you for the love and time. Tinuyo ko ang luha na tumulo sa aking mata at nag patuloy sa pag lalakad. "THE END" NOTE: THANK YOU FOR READING MY FIRST WORK. SALAMAT DIN SA PAG SUBAY-BAY KINA PSALM AT INDIE?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD