Bumitiw na ako sa pagkayakap sa kanya at doon na niya sinabi sa akin lahat. Hiling niya pala na pupunta daw siya sa isang probinsya. Nung nagkita kami sa waiting shed ay hindi pala yung una naming kita, tas palagi niya daw akong pinag masdan sa bahay namin. Tch. Stalker.
Matapos ang pag uusap namin ay pinag pahinga ko muna siya. Inayos ko ang unan niya at sakto naman pumasok na si Tita Jonah at si Tito Lucas at lumapit sila sa akin.
"Ayos na kayo?" Tanong ni Tita at tumango naman ako.
"Oo Tita. Pinag pahinga ko lang siya kasi palaging umiiyak." Sabay tawa ko.
Tumawa rin siya "Na miss ka lang siguro niyan." Ngumiti ako sa kanya. Nilingon ko naman si Tito Lucas nakita ko siyang naka ngiti narin.
"Mag pahinga ka muna, pinagod ka na ng anak ko." Tumango ako at ngumiti.
"Sige po. Pero dito lang ako Tita. Kayo na muna ang mag pahinga ni Tito niyan mukhang wala pa kayong pahinga dalawa. " Ngumiti ako ng malumanay sa kanila. Hinawakan na naman ni Tita ang kamay ko at nag pasalamat sa akin.
"Thank you Indie." Ngumiti siya habang sinasabi iyon.
Tumango din ako "Okay lang po Tita. Don't worry aalagaan ko si Psalm habang wala kaayo dito." Saad ko.
"Salamat talaga Indie. Sige. Uuwi muna kami ng Tito Lucas mo. " Tumango ako sa kanila.
"Babalik din kami ha." Si Tito Lucas sa malumanay na boses.
Lumabas na sila. Bumuntong hininga ako at binalingan si Psalm na natutulog. Tinitigan ko ang mukha niya. Malungkot akong ngumiti ng napag tanto na umiba ang itsura niya. Maputla na siya, medyo pumayat narin. Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. Bakit ganon? Sa lahat ng tao sa mundo bakit siya pa? Ang bata niya pa. Alam kung marami pa siyang pangarap pero paano matutupad iyon kung may taning na pala ang buhay niya. Pinigilan ko talaga ang mapahikbi baka magising siya.
Naramdaman ko ng may humaplos sa ulo ko. Kaya dahan-dahan kung minulat ang aking mata. Hindi ko namalayan kanina na nakatulog na pala ako. Ngumiti ako sa kanya pag katapos ay umupo ng maayos.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya bago ako sinagot "Okay lang naman, medyo nanghihina lang yung katawan ko." Ngumuti parin ako sa kanya para maibsan yung lungkot ng boses niya. Alam kung nag hihirap na siya, kinakaya niya lang dahil sa family niya at sa akin.
I read many kinds of books about his situation right now and I can't help it but to cry kasi sobrang hirap pala. Siguro kung nandito ako nung una, maririnig ko siguro yung iyak niya sa sobrang sakit. Kaya siguro di niya sinabi sa akin kasi masasaktan talaga ako and he's right... Sobrang sakit talaga.
"Kumusta pala graduation photo shoot niyo?" Tanong niya.
"Masaya at na eexcite narin." Masaya kung saad sa kanya. Sana nadoon siya sa photo shoot.
"Do you have a photo of you wearing those?" Masigla akong tumango sa kanya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at pinakita sa kanya ang mga larawan na kinuha ko. Maigi niya naman iyong tiningnan isa-isa. Mabuti nalang dinamihan ko yung pag kuha ng larawan sa sarili ko at mabuti nalang din pinipilit ako nila Yansyn na kunan ako ng picture. Ngumiti siya habang tinitingnan iyon. Zinoom niya yung mga kuha kong larawan at ngumiti. Nakakahiya kaya! Bakit ganyan ba siya tumingin ng mga pictures ko.
"W-wala na." Mahina kung saad sa kanya. Binabalikan niya kasi yung picture na nakita na niya at zinoom ulit. Ano ba'yan. Nakakahiya na.
Binilingan niya ako "Congratulations. I'm so proud of you." Niyakap ko siya at tumango. I'm so proud of you too.... So proud..
Hindi ko namalayan na gabi na pala. Dumating narin sina Tita at Tito may dala silang pag kain. Pagkatapos naming kumain ay nag pasya ng matulog it already eight in the evening at si Psalm ay gusto pang mag usap kami. Sabi ko sa kanya na pwede naman kaming mag usap na nakahiga. Plano ko sana sa sofa nalang matulog di kasi ako sanay na may katabi na matulog lalo na't boyfriend ko siya pinilit niya akong tabi na daw kami matulog. Sina Tita naman ay umuwi at doon na sila natulog. Kami lang dalawa ni Psalm dito ngayon sa room niya, napakatahimik ng hospital. Siguro tulog na yung mga patient pati yung guardian nila.
Nakahiga na kami pinatong niya ang ulo ko sa braso niya.
"Bukas another chemo na naman." Salita niya na may halong lungkot. Alam kung masakit iyon. Naluluha na naman ako. Bakit ba palagi nalang akong umiiyak.
Tahimik lang akong pinakikingan siya. Marami siyang sinabi sa akin na napatawa ako at napangiti. God gusto ko pa siyang mabuhay ng matagal, gusto kung matupad niya pa yung pangarap niya. Please help him to fight for himself. Alam kung nawawalan na siya ng pag-asa na madugtungan pa ang buhay niya. Pero naniniwala ako sa miracle. Sabi lang yun ng doctor na may taning na siya. Ayaw kung paniwalaan yung sinabi na may taning na ang buhay niya. Alam kung malakas siya.
"Psalm masaya kaba?" Tanong ko sa kanya na umiiyak na.
Tumango siya "Oo, sobra." Ngumiti ako kahit na tumutulo na yung luha ko. Pinahid niya yung luha ko at malungkot na ngumiti.
"Ayaw ko pang mamatay Indie. Ayaw na ayaw ko pa." Mas lalo akong napa hagulhol sa sinabi niya.
"H-hindi ka naman mamamatay e." Humikbi ako at di na napigilan ang luha ko.
"Argh!!!! Sobrang sakit na makita kang uumiyak dahil sa akin. I want to spend my life with you alam kung ikaw na ang babae para sa akin. Baby I'm so in love with you at diko matanggap na mawawala ako ng maaga." Tumulo na yung luha sa mga mata niya.
"Hindi ka mawawala. Hindi ka mamatay. Malakas ka diba? Please fight atleast for yourself Psalm."
"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya na makikita yung mga mahal ko na nag dusa dahil sa akin. Oo. Ayaw ko pang mamatay pero ang makita ka at yung magulang ko na umiiyak palagi dahil sa sitwasyon ko yun ang diko makakaya." Indie I know na hindi mahaba yung pinag samahan natin, pero sa sampung buwan na iyon naranasan kung maging masaya, nawala yung pag alala ko sa buhay ko. Indie I love you so much."
"Mahal din kita Psalm." Ang sakit. Gusto kung sumigaw sa sobrang sakit.
"Be happy. Choose to be happy always. Remember that I will always love you."
Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko na to. Aalis na siya. Namamaalam na siya. Ayaw ko. Ayaw ko talaga.
"Thank you for the love.... Indie Gomez... My girl. My woman. I will always... Miss you Baby." Hindi na ako nag salita dahil yung luha ko ay patuloy na sa pag-agos. Hindi ako maka hinga. Psalm please.. Tama na ayaw ko ng marinig ang sinabi mo.
He sighed "Good night my w-wife." Napa hagulhol na ako. Psalm!!!!!! Ayaw ko pa Psalm... Patuloy parin ako sa pag iyak. Hindi ko na naramdaman yung pag hinga niya. Kaya bumangon na ako. Tiningnan ko siya naka pikit nayong mata niya.
"P-psalm. Please gumising ka." Niyugyug ko pa siya pero hindi na talaga siya gumising. Dali-dali akong bumaba sa bed at lumabas ng room upang tumawag ng doctor.
Doon na mas lalong bumagsak ang mga luha ko."Time of death 8:45pm." Sabi ng doctor. Nilingon niya kami at bumuntong hininga.
"I'm sorry. He gave up." Saad ng doctor sa amin.
Hamagulhol na si Tita at Tito. Psalm bakit ka ganyan!!! Nilapitan nila Tita si Psalm na naka higa sa kama at hinagkan nila.
"Anaaakk paano na kami ng Papa mo. Gumising kana please." Niyugyug niya ang katawan ni Psalm inawat siya naman ni Tito.
"Hon tama nayan. Wala na siya. Tama na please." Pag mamakaawa niya sa asawa niya. Hindi parin tumigil si Tita sa pag yugyug ng katawan ni Psalm.
Pinunasan ko yung luha ko pero patuloy parin iyon sa pag agos. Hangang napa hikbi ulit ako.
Good bye Psalm. I will never forget you. Mahal na mahal kita...
NOTE: Epilogue is waving. Thank you so much for reading Psalm and Indie story.