CHAPTER 14

1368 Words
Sa Tasty treats kami pumunta ni Tita Jonah. Pumasok kami at umupo na agad naman kaming nilapitan ng crew nila at tinanong kung ano ang gusto namin. Umiling ako sa crew. "Sige na. Order kana." Sabi ni Tita sa akin. Naka ngiti siya at tumango ako na medyo na hihiya narin sa kanya. "Sige po." Binalingan ko ang crew at sinabi ang gusto ko. Umorder lang ako ng isang hawaiian Burger tas shake nadin. "Yan lang ang orderin mo Indie?" Takang tanong ni Tita Jonah sa akin. Nahihiyang tumango ako sa kanya. "Yan lang po. Busog din naman po ako." Saad ko sa kanya. "Nachos, siomai, cheese burger at fries samahan mo na din ng shake. Please." Saad niya sa crew at nilasta naman niya naman iyon at nag pasalamat bago umalis. Ma uubos ni Tita yan? Napatanong ako sa isipan ko. Ikaw talaga Indie ah! Ang awkward lang, maririnig mo talaga yung mga crickets na nag iingay sa sobrang tahimik naming dalawa. Hindi ko na pagilan ang pag tanong sa kanya kaya nag salita na ako. "Ahmm... Tita ano po yung sasabihin niyo sa akin?" Sabay ngiti na hilaw sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sobra yung kaba ko ngayon araw nato. Hindi niya sinagot ang tanong ko siya naman itong nag tanong sa akin. "Kumusta ka? Naging mabait ba si Psalm sayo?" Tanong niya balik sa akin na medyo yung boses niya ay gumaralgal na para bang pinigilan niya lang ang pag iyak. Hindi ko pagilan na kabahan ulit. Bakit ganito? Bakit parang may gusto siyang sabihin sa akin?. "Okay lang naman po ako. Si Psalm naman po ay mabait po siya sa akin tas palagi niya lang po akong tinutukso." Sagot ko sa kanya na tumatawa pa. Tumango siya at ngumiti sa akin. "Mabuti naman at maayos ang pakikitungo ni Psalm sayo. Masaya ako kasi nakilala ka niya." Doon na tumulo ang luha niya. Nataranta agad ako kaya tumayo ako sa kinuupuan ko at agad siyang dinaluhan. "Tita bakit ka po umiiyak? May nangyari po ba kaya Psalm?" Natigilan siya sa tanong ko. "Okay lang ako Indie." Pinunasan niya ang kanyang luha sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Ako naman ay bumalik ako sa upuan ko at umupo ng maayos. Bumuntong hininga ako at nag salita na " Tita ano po ang nangyari kay Psalm?" Tumingin siya sa akin, malungkot na ngumiti at bumuntung hininga. "Indie..... Nandito ako para sana malaman mo ang tungkol kay Psalm." "Bakit po? Ano po ang nangyari kay Psalm?" Taranta kung tanong sa kanya. Nag simula ulit akong kabahan. "My son is sick...." At tumulo na ang luha sa mga mata niya. Akala ko meron pa siyang sasabihin sa akin pero puro hagulhol nalang ang lumabas sa kanya. What? Sick? Si Psalm may sakit? "Ah.... Ti-ta ano po ang sakit ni Psalm?" Malumanay ko paring tanong sa kanya kahit na gusto ko ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit nilihim to ni Psalm sa akin, bakit hindi niya magawang sabihin sa akin na may sakit pala siya. "He has brain cancer at may taning na ang buhay niya Indie" sabay hagulhol ulit. Pinag titinginan na kami ng mga tao na nandito sa loob ng snack house. Pero binaliwala ko iyon. "Bakit po hindi niya sinabi sa akin ito." At don na tumulo ang luha ko. Hindi ko narin mapigilan ang humagulhol. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Tita Jonah nung nakaraang araw sinabi niya sa akin din na gusto niya daw akong isama sa Maynila. Hindi ako nag dadalawang isip at omo-o na agad ako. Sinabi na pala ni Tita kay Mama ang nangyari kaya Psalm pati si Mama ay napa iyak. Sobrang sakit ng puso ko buong gabi akong umiyak. Kaya pala hindi na niya ako ni replyan kasi naka tube na pala siya sa hospital, kaya pala may mga weird siyang sinabi sa akin, yung mga galaw niya ay nag papahiwatig na pala ng pamamaalam. Psalm! Alam mo galit na galit ako sayo! Bakit hindi mo sinabi sa akin ha! Tumulo na ang luha sa aking mata. Pinigilan kung hindi maka hikbi kasi katabi ko si Tita Jonah ngayon sa bus. Pupunta kami ng Maynila ngayon. Lagot ka talaga sa aking lalaki ka! Nakarating kami sa hospital na kung saan kinonfine si Psalm. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, di ko kaya na makita siyang nahihirapan. Sa lahat ng tao bakit siya pa?. Nasa gilid lang ako ni Tita Jonah at tahimik na nag mamasid sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang stress. Pinigilan ko ang pag tulo ng luha ko kasi ayaw ko ng umiyak, ayaw kung makita ako niya ako na umiiyak. Tumigil kami sa isang room, bumuntung hininga ako at tiningnan si Tita. Nilingon niya muna ako at ngumiti pagkatapos ay hinawakan niya ang door knob pagka tapos ay binuksan na niya ang pinto. Bumilis ang t***k ng puso at parang hindi maka hinga. Naunang pumasok si Tita at nasa likod niya ako. Narinig ko agad ang boses niya. "Mama. Saan ka galing?" Tanong niya agad sa mama niya. Dahan-dahan akong nag pakita sa kanya. Nakita kung natigigilan siya, ngumiti ako at unti-unti tumulo ang luha sa making mata. "Psalm?" Tawag ko sa kanya. Naka titig lang siya sa akin. Naka upo siya sa hospital bed, naka suot ng hospital gown may suot rin siyang bonet. Hindi ko na napigilan ang humikbi ng malakas. Kitang-kita sa mga mata niya ang saya na nandito ako, kaya hindi ko na napigilan na dumugin siya ng yakap. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon humagulhol ng iyak. Kita mo talaga sa kanya ang epekto ng pag chemotherapy niya. Ibang-iba na siya sa Psalm na nakilala ko. Pumayat siya at ang putla ng labi niya. "Psalm, bakit hindi mo sinabi sa akin ang sakit mo? Girlfriend mo ako diba?" Humihikbi parin ako habang tinanong siya. Naramdaman kung lumapit si Tita sa amin. "Iwan ko muna kayo ha. Mag usap muna kayo." Tumango ako ng hindi siya tinitingnan. "Sa labas muna tayo Dad." Saad niya sa kanyang asawa. Narinig ko ang pag sara ng pinto kaya mas lalo akong umiyak. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko sa pag iyak, hinaplos niya naman ang likod ko at pinatahan. Narinig ko ang singhot niya bago siya nag salita " I'm sorry baby." Yun ang unang lumabas na salita sa kanya. I miss him. Sa 4 na araw na hindi kami nag kita hindi ko alam na ganito na pala siya. Palagi kung sinasabi na kung bakit hindi niya sinabi sa akin to. Kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya at lumayo ng kaunti. Hindi ko alam na pumatong na talaga ako sa hospital bed. Nakakahiya ka Indie! Ang landi mo talaga kahit kailan. Tumawa siya sa inasta ko. Kaya napa tingin ako sa kanya. How I miss his laugh. Napangiti narin ako sa kanya. Umalis ako sa bed at hinila ang isang plastic chair at doon umupo. Pagka upo ko ay kinuha naman niya ang kamay ko at pinagsiklop niya iyon. Sana gumaling na siya, miss ko na yung Psalm na clingy, yung Psalm na moody, yung Psalm na bully. I miss him so much.. Natahimik kaming dalawa, hindi rin siya nag salita panay hawak niya sa kamay ko. Bumuntong hininga ako tsaka nag salita na. Malumanay ko siyang tinawag "Psalm, bakit hindi mo sinabi sa akin to? " tanong ko sa kanya. Nandoon pari ang atensyon niya sa kamay naming pinag siklop niya. Nilingon na niya ako at ngumiti. "Alam galit ka sa akin. Pero diko talaga kaya na sabihin sayo ang totoo kasi gusto ko muna mag pagaling ako. Dibali ng hindi ako maka sali sa graduation day natin atleast gagaling ako at doon ako babawi sayo. Diko alam na pinuntahan ka pala ni mama doon." Sabay ngiti niya. "Pinuntahan niya ako sa araw ng graduation photo shoot natin. Nag kausap din kami." "Ano naman ang sinabi niya sayo?" "Na may sakit ka nga raw at.... At..." Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. Yumuko ako at umiyak, pinunasan naman niya ang aking mga luha gamit ang kamay niya. "Shhh. Stop crying please." Mas lalo akong napahikbi sa sobrang gaan ng pag kasabi niya yun..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD