Itong araw nato ang pinaka hihintay ng lahat ng Grade 12 senior high student. The graduation photo shoot. All of us are excited of our photo shoot today, marami sa mga classmate ko ang hindi na maka pag hintay na suotin ang tuga namin. Ako din naman hindi na ako makapag hintay na masuot ang tuga at maka pag photo shoot. Sa wakas matatapos na ako sa papaging high school student, I will take another step to reach my dream and I know makakaya ko lahat kahit ano pang pag subok nayan.
I start to put my make up on, I started by putting a foundation on my face I spread it and as I look at the mirror infront of me I cannot contain my happiness this day. Kumusta na kaya si Psalm? Sabi niya kasi sa akin nung nakaraang araw na uuwi daw muna siya ng maynila kasi yung papa niya nagka sakit tas siya ang hinahanap. Ang sabi niya uuwi daw siya kahapon pero hanggang ngayon hindi parin siya naka uwi. Tch! Hindi ko talaga alam kung bakit kinakabahan ako sa tuwing iniisip ko siya, five days na siya sa maynila at kinakabahan talaga ako pag siya ang iniisip ko. Parang may mangyayaring masama sa kaniya. Haist!! Ano ba yang iniisip mo Indie?! Uuwi siya, sasali siya sa photo shoot, at maka sali siya sa graduation ceremony pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Pagka tapos kung mag lagay ng make up ay binalingan ko yung mga barkada ko na hindi pa tapos sa pag lalagay ng make up nila.
"Students be ready in five minutes. Kayo na ang susunod sa shoot." Pag aanonsyo ni Mrs. Grace, adviser namin.
Pag karinig nila ay dali-dali naman silang nag fifinal touch sa kanilang mukha at sa tuga na sinusuot nila. Hindi parin mawala sa isip ko si Psalm. Bumuntong hininga nalang ako at sinuot ang tuga ko na naka patong sa lamesa ko.
"Ang lungkot natin ngayon ah." Panunuksong tinig ni Yansyn sa akin.
"Wala pa kasi si Psalm." Si Icel naman na inaayos pa niya ang tuga ko.
Malungkot akong ngumiti sa kanila at umiling nalang.
"Wag ka ngang mag lungkot-lungkotan diyan. Baka late lang. Alam mo naman diba na ang layo ng Maynila." Saad pa ni Allyssa sa akin. Oo nga naman. Ang layo ng Maynila baka late lang siya.
Mula sa fourth floor bumaba kami hanggang second floor para doon pag photo shoot. Masaya ako kasi kasama ko ang mga barkada kong gagraduate, yung mga classmate ko din ay walang nabagsak kaya sama-sama kami at walang maiiwan. Sinabi na kahapon ni Mrs. Grace na lahat kaming ABM na grade 12 student ay makakuha lahat kami ng awards. Sobrang saya namin kahapon nag sisigawan pa kami pagka tapos inanounced ni Mrs. Grace ang lahat. Sino bang hindi makakuha ng awards e lahat kami nag tutulungan, lahat kami may isang goal lang ang maka graduate, maka kuha ng kahit isang award lang kada isa sa amin, at mapakita namin sa parents namin na nagawa namin ang tungkulin bilang isang studyante, bilang isang anak at mag aaral sa Siay National High School.
At syempre nasa amin ang valedictorian at walang iba kundi ako lang naman. Sa sobrang saya ko kahapon napaiyak nalang ako sa harap ng mga classmates ko. Hindi ko akalain na maging valedictorian ako. Umuwi ako sa bahay kahapon at sinabi kay mama na ako ang valedictorian sa aming school, sobrang saya niya kaya sinabi niya sa akin na sa Maynila niya daw ako papaaralin ng college. Syempre pangarap kong maka pag-aral sa Maynila kaya mas lalo pa akong sumaya.
"Okay. Sit on that chair Aguinaldo." Si Mrs. Grace na pina uupo si Vincent sa upuan na kulay puti tas high chair siya.
"Paki ayos ang tuga mo gang." Ang photographer na man ngayon at pinapwesto si Vincent ng maayos.
Hindi ko maiswasan ang mapangiti sa mga nakikita kung studyante na naka suot pa ng tuga at nag picture-picture sa gilid at may dalang mga puting band paper at sinulatan nila iyon na para bang yung nasa f*******: na makikita mo tas pinoprofile nila. Ang ganda namin tignan siguro pag graduation day na talaga. Kulay blue ang aming tuga tas yung sash naman na naka sabit sa aming balikat ay kulay yellow tas may naka sulat na pangalan ng school namin. Sobrang ganda tingnan lang hindi ko akalain na matatapos namin itong school year nato na masaya.
"Next is Miss Guinanao." Tawag ni Mrs. Grace kay Yansyn na abala sa pag picture ng sarili. Hindi ko mapigilan na matawa sa kanya. Selfie girl talaga siya walang pinag bago..
Naka upo na si Yansyn sa high chair at pumwesto na ng maayos. Syempre kaming mga barkada niya ay tinutukso siya.
"Big smile naman di'yan." Saad ko sa kanya at tumawa dahil sa ginawa niyang smile kuno na parang fake smile.
"Wohoo!! Go Yansyn! Hindi naka patong yung paa mo ibaba ng upuan. Ang pandak mo kasi." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Icel.
Naka simangot naman si Yansyn dahil sa sinabi ni Icel. Hindi ko parin mapigilan ang tumawa kaya nag sumbong na siya kaya Mrs. Grace.
" Mrs. Grace si Indie oh." Parang bata siyang nag susumbong kaya Mrs. Grace na adviser namin. Tumawa lang si Mrs. Grace at sinabihan siyang pumwesto na ng maayos.
Natapos ang graduation photo shoot namin at masasabi kung ang saya talaga. Pag katapos ng photo shoot namin ay nag patuloy parin kami sa pag kuha ng picture sa aming sarili para may remembrance narin. Natapos nadin ang lahat ng grade 12 ay hindi parin dumating si Psalm. Akala ko makaka-abot siya, pero hanggang ngayon ay wala parin siya. Diko mapigilan ang magalit at mainis sa kanya. Gusto ko pa naman na meron kaming picture dalawa habang naka suot ng tuga namin.
Naka balik na kami sa classroom namin at nag bihis nadin. Umupo ako sa desk ko at isa-isang tinangal ang aking sinuot na tuga. Malungkot parin ako hanggang ngayon kasi hindi talaga siya dumating. Marami na akong text sa kanya mula kaninang umaga hanggang ngayon pero wala parin siyang reply kahit na is a man lang. Kumuha ako ng cotton at nilagyan iyon ng make up remover pagkatapos ay tinangal na ang aking make up, hindi kasi ako sanay na patagalin pa ang make up sa mukha ko kasi pag pinatagal ko pa ay kinabukasan ay tutubuan agad ako ng pimples. Habang ginawa ko iyon ay lumapit sa akin si Lucy.
"Indie. May nag hahanap sayo sa labas." Sabi niya sa akin. Nilingon ko ang mga barkada ko na hindi parin tapos sa pag kuha ng picture sa isat-isa. Mga gaga talaga. Hindi man lang na pagod sa tatlong oras na photo shoot kanina. Nilapitan ko na sila at nag paalam na lumabas muna kasi may nag hahanap sa akin.
"Baka si Psalm nayan Indie." Si Icel. Sabay tawa niya at kurot sa tagiliran ko. Tumawa lang din ako at lumabas na ng room.
Pagka labas ko ay nanlaki agad ang mata ko at kinabahan. Sino ba naman ang hindi kabahan eh nasa harapan mo ang Ina ng boyfriend mo.
Lumapit ako kay Tita Jonah at nag mano nadin sa kanya.
"Hello Tita Jonah. Kumusta po kayo?" Pambungad ko sa kanya. Nag kita na kami ni Tita Jonah noon pero sa video call lang iyon at masasabi ko na napaka bait niya hindi lang sa kain pati narin kay Psalm. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nangunot naman ang noo ko na napag tanto ang ginawa niya sa akin.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya sa akin agad naman akong tumango sa kanya at ngumiti.
"Pwede po. Saan po tayo mag uusap?"
"Hindi sana dito. Ahm.. Meron ba ditong snack house?" Tumango naman ako.
"Opo meron po."
"Punta tayo doon." Saad niya sa akin. Tumango ulit ako at nag pa alam muna sa kanya para makuha ang gamit ko sa loob ng room.
"Alis muna ako ha. Ingat kayo sa pag uwi." Pag papaalam ko sa mga barkada ko na ngayo'y nag bihis at nag aayos na.
"Sige. Ingat kadin. Kami na ang mag dadala ng ibang gamit mo." Saad din ni allyssa sa akin. Lumabas na ako ng classroom.
"Tara na po Tita?" Ngumiti siya sa akin at tumango.
NOTE: two chapters nalang at epilogue na. Thank you sa pag babasa sa kay Psalm at Indie.