CHAPTER 11

1297 Words
Bumaba na kami mula sa bus na sinakyan namin at agad kami nilapitan ng mga tricycle driver. "Maam saan ka po? Sa akin ka na po sasakay." Saad ni manong na naka ngiti sa akin. Naramdaman ko ang pag ka hawak ni Psalm sa kamay ko kaya nilingon ko siya. "Maam. Sir. Sa Akin na po kayo sasakay may discount po sa pamasahe." Sabay ngiti naman ng isang driver na lumapit din sa amin. Yung iba naman ay nag nag alok din sa amin pero si Psalm nalang ang sumagot sa kanila at tinuro yung naunang lumapit na tricycle driver sa amin. "Kami po dalawa ang sasakay manong." Saad niya kay manong, ngumiti ito malaki at tumango. "Saan kayo punta Sir?" Tanong ni manong sa amin. "Sa twenty k manong" si Psalm na ang sumagot kasi busy ako kaka ayos ng suot ko. Tiningnan naman kami ni manong at tumango ito. "Sige Sir." Pumasok kami sa tricycle, ako ang nauna pumasok at sumunod naman si Psalm. Pag ka upo namin ay pina andar na ni manong ang kanyang tricycle at pinaharurot iyon. "Taga-saan kayo maam?" Tanong manong. Mabuti nalang nag tanong siya. Diko kinaya ang katahimikan naming dalawa ni Psalm. " Siay po kami kuya." Sagot ko naman. Nilingon ko si Psalm at naabutan ko siyang tulala na para bang may iniisip. Kaya siniko ko siya, nilingon niya naman ako na naka kunot ang nuo. Ano bang problema nito? "Why?" Anong why? What dapat yun! Ano bang nangyari sa lalaking ito. Okay lang ba sa kanya na pumunta kami dito o baka naman na momoblema to dahil wala siya talagang pera tas ako ang pagagastusin niya. Okay lang man din sa akin. May pera naman ako, tumutulong naman ako kay mama sa groceries store namin na maliit lang. "Ano bang problema mo? Kanina ka pa diyan tulala ah." Ngiti lang ang ginawad niya sa akin. "Boyfriend mo si sir maam?" Biglang tanong ni kuya sa Akin. Nilingon ko naman siya at sinagot nadin. "Hindi po manong. Mag kaibigan lang po kami." Sabay ngiti ko sa kanya. "Talaga maam? Naku bagay pa naman kayo ni sir maam." Tumawa si manong sa sinabi niya at ako naman ay ngumiti lang. "Bagay talaga kami manong. Pag ka graduate namin bilang isang senior high student liligawan ko to." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Psalm. Bwesit talagang lalaking to nakakahiya. "Tumigil ka nga diyan." Tinampal ko ko ang braso niya at tumawa lang siya sa ginawa ko sa kanya. Tumawa lang din si manong. "Nandito na po tayo maam, sir." Saad ni manong sa amin. Agad namang lumabas si Psalm at sumunod naman ako. Nag bayad siya kaya manong pagka tapos ay lumapit siya sa akin kinuha ang aking kamay at pinag siklop niya iyon. "Salamat sa pag hatid manong." Saad ko kay manong. "Sige ho maam." Tumango siya at tumango din ako. Mas hinigpitan pa ni Psalm ang pag hawak sa kamay ko, nilingon ko siya at naabutan ko siyang naka tingin sa akin na busangot ang mukha. Ano na naman bang nangyari sa lalake na ito? Bakit ganito ang mukha nito. "What? Bat ganyan mukha mo?" Sabay tawa ng mahina. Mas lalo bumusangot ang mukha niya sa inasta ko. "Halika na nga." Hinila ko na siya kasi wala atang plano na umalis sa pwesto na kintatayuan naming dalawa. "Ayusin mo nga yang damit mo. Kita na tiyan mo." Umirap ako. Ito na naman tayo. Syempre makikita ang tiyan ko sa suot ko nato. Bakit ba napaka conservative ng lalake nato. Binitawan ko ang kamay niya at inayos nalang ang damit ko. Tinulungan niya naman ako sa pag aayos, inajust niya pa ang iyon. Hay naku! Ang OA niya ha. Pagka tapos ng pag aayos niya sa damit ko ay tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa. He tilted his head na pag tanto na hindi na niya maayos pa ang damit ko. I'm so lucky to have him as a boy bestfriend. Siguro kung mag kakahiwalay man kami tatanggapin ko na lang na hindi talaga kami para sa isa't isa. I am only his girl bestfriend and I know someday he will find his true love. "Okay na? Tara na?" I said in very sarcastic way. Iwan ko ba to sa lalaking to. Noong Una naman na nag susuot ako nito hindi naman siya gaanong naging conservative. Moody talaga!. "Punta muna tayo sa jewelry shop may bibilhin ako." Saad niya. Nilingon ko naman siya at nakataas na ang kilay niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya at kinuha nalang ang kamay niya at pinag siklop iyon. Maraming tao ang naka tingin sa amin. Aba! Sino ba naman ang hindi titingin eh ang gwapo kaya ng kasama ko. Meron ding mga lalaki ang pumansin sa akin, hindi rin ako napapatalo no. Maganda kaya ako. Nginitian ko sila at kumaway pa. "What are you doing?" Medyo may diing saad niya. I rolled my eyes at him. Syempre papansinin ko sila eh kakilala ko sila eh. Ito talagang lalaki nato. "Pinapansin syempre." Walang ganang saad ko sa kanya, nakita ko Pa kung paano niya tinaas ang isang kilay niya at agad bumusangot ang mukha. Why do I find him gorgeous in his awra like this? Letse! Ang gwapo mo talagang lalaki ka. Kung hindi lang ako binasted nito naku! may pamilya na kami ngayon. Joke lang. Ano ba ang pinag sasabi mo diyan Indie! Ang landi mo talaga. "Let's go." Yun lang ang sinabi niya bago kami pumasok sa isang jewelry shop dito sa twenty k. Pag pasok namin ay agad bumalandara sa amin ang mg nag gagandahang kwentas, relo, bracelets at maraming iba't-ibang jewelries. Wow ha. Ang ganda lang. Bakit kami dito pumunta? Akala ko sa moon-moon kami pupunta. Hmp!! Lalaking to talaga. May pag bibigyan siguro siya ng alahas ay, tapos ako hindi man lang niya bibigyan. Sino kaya yon? Galing sa naka simangot kung mukha bigla ko nalang na isip yung post niya sa f*******:. Aba ang galing din ng lalaki na to. Yung girlfriend niya bibigyan niya tapos ako hindi. "Anong nangyari sa mukha mo?" Nag tanong kapa! Eh dahil din naman to sayo. "Wala." Naka simangot parin ako kaya tumawa siya. "Don't worry pupunta tayo ng moon-moon. May bibilhin lang talaga ako dito." "Bibigay mo naman sa girlfriend mo yan. Tas ako hindi mo bibigyan." Mas lalo lumaki ang ngisi niya. Umirap ako at nag punta nalang sa kabila para tingnan ang mga ng gagandahang alahas. Habang tumitingin sa mg jewelries may lalaki na tumabi sa akin. Nilingon ko kung sino iyon. Nanlaki ang mata ko ng napag tanto na si Mark iyon. "Mark! " masigla kung bati sa kanya at agad ko naman siyang niyakap. Humalakhak siya sa ginawa ko. "Grabeh ka ha, wag mo nga akong yakapin ng ganyan. Ang boobs dumikit sa sa dibdib ko. Wag mo akong pag selosin." Humalakhak sa sinabi niya. Mark is my classmate in junior high school. Actually dalawa sila ni Jaime na naging classmate ko. Ang ganda kaya sa feeling na meron kang kaibigang bakla. "Kumusta ka na? Si Jaime nag kikita pa kayo?" Sabay-sabay yung tanong ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang pagka miss sa kanila. "Ito okay na okay. Si Jaime naman busy daw sa pag-aaral." I really miss them. Hindi ko napigilan na yakapin ko siya ulit, sobrang miss ko lang siya. Narinig ko agad ang isang tikhim sa likod ko,hindi pa ako naka bitiw ay may hinila na niya ang kamay ko para maka bitiw ako sa yakap na galing kay Mark. Nakita ko agad ang mukha niyang parang sasabog sa galit at....selos?. Hayy naku Psalm kung hindi mo lang ako binasted talagang maniniwala ako na nag seselos ka talaga. NOTE: Hi fruities. Sana magustuhan niyo ang chapter nato...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD