Dali-dali akong lumabas ng kusina at narinig ko pa ang tawa ni Psalm, umakyat ako at pumunta sa kwarto ko. Pagka sara ko ng pintuan ay agad naman akong naka hinga ng dahil sa kahihiyan. Akala ko friday ngayon bakit naging saturday agad, akala ko bukas pa ang Saturday. Ehhhh!!!!! Sabay sabunot ko sa sariling buhok, nag tungo ako sa salamin at pinag masdan ang making sarili. Naka ligo na ako, naka suot na ako ng uniform, akala ko may pasok ngayon haist!!! Bat kasi ang tanga mo Indie!!! Nag bihis nalang ako ng pang-bahay at pag katapos ay bumaba ulit nag tungo sa kusina kung saan nandoon padin si Psalm at mama na nag kekwentuhan.
Nasa b****a ako ng kusina ng narinig ko ang mga sinasabi ni mama kay Psalm about sa kay papa at kuya. I have a older brother he died kasama si papa, car accident nasa three years old pa ako noon hindi ko masyado na alaala ang lahat kasi bata pa ako ng nangyari ang accident na kung saan namatay si papa at kuya. Araw-araw kung nakita si mama noon na umiiyak sa tuwing wala siyang sinabi sa akin noong three years old pa ako pero nung naging ten years old na ako dun niya sinabi lahat sa akin. Palagi ko kasi siyang tinatanong na kung saan si papa at kuya, bakit wala sila tas bigla nalang siyang iiyak at ako naman napaka iyakin din noon umiyak din ako. She tell me all on what happened to my papa and kuya.
Kahit wala na si papa at kuya at alam kung hindi pa niya tanggap ang pag kawala nila ay hindi niya pinapakita sa akin na hindi pa siya naka move on. Hanggang ngayon naririnig ko gabi-gabi ang iyak niya, gusto ko siyang daluhan at yakapin ng mahigpit kasi alam ko kung gaano iyon kasakit sa kanya na mawalan ng asawa at anak. Kung ako ang nasa position ni mama ay siguro hindi ko din talaga kakayanin na mawalan ng taong minahal, alam kung unti-unti na niyang tinanggap ang pag kawala ni papa at kuya pero alam ko na nangungulila padin siya.
"Oh. Anong ginagawa mo diyan Indie? " hindi ko namalayan na naka titig na pala ako sa kanila.
"Wala mama, may iniisip lang ako."
"About ba'yan sa school mo?"
"No mama. hindi to about sa school" Sabay ngiti ko sa kanya. Umupo na ako sa upuan at nag simula ng kumain ulit.
Nag angat ako ng tingin kaya Psalm. Naabutan ko siyang naka titig sa akin, sersoyo ang mukha niya na para bang menimemorzed yung buong mukha ko. What's wrong wih this guy? Inirapan ko na lang siya. Bakit nakatitig na naman tung isa nato?
Nag didilig ako ng halaman ng maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Nag volunteer siya na siya na daw mag hugas ng pinggan kaya naman pinag bigyan ni mama. Nitong nag daang mga araw ay ang tahimik niya, hindi siya masyadong nag sasalita at ako naman ay binaliwala lang iyon. Minsan naabutan ko siyang naka titig lang sa akin.
"Malulunod na'yong bulaklak niyan." Sabay tawa niya.
Tiningnan ko naman ang bulaklak na diniligan ko at napag tanto na puno na nag tubig yung paso. Agad naman ko naman inilipat ang hose sa kabilang paso namay bulaklak din.
Iwan ko ba kaya mama mahilig talaga siya sa mga bulaklak tas ako naman ang nag aalaga ng mga ito.
"Ang lalim ng iniisip natin ah. "
"Malalim nga."
"Mind telling me what's on your mind? Hmm? " Nilingon ko siya.
Ang swerte siguro ng mapapangasawa nito. Simula nung naging malapit kami sa isat-isa hindi ko nabalitaan na meron itong niligawan, halos lahat ng atensyon niya ay nasa akin.
"I just wonder... Sino kaya ang mapapangasawa mo no?" Ngumunot ang noo niya at biglang tumawa na napag tanto ang tanong ko.
"Seriously? Yan ang iniisip mo Indie?" Sabay tawa parin niya. Naka simangot na ako dahil hindi parin siya tumigil sa katatawa.
"Anong problema naman don?" Naka simangot kung saad, nilipat ko ulit ang hose sa kabila at nag patuloy sa pag didilig.
"Hay naku sayo babae ka. Kung ano-ano nalang iniisip mo."
"Totoo naman atsaka hindi ka kaya nag kaka girlfriend simula nung dumating ka dito at nagka close tayo."
"For god sake Indie, we're just seventeen. Bat ba iniisip mo yan?" Tawa parin siya ng tawa. Hindi ko alam kung ko bayun natanong sa kanya. Na hihiya na tuloy ako.
"Iwan ko sayong lalaki ka!" Inirapan ko siya at nag patuloy nalang sa pag didilig ng halaman.
"May gagawin kaba ngayong araw?" Nilingon ko siya at umiling.
"Punta tayo Ipil?" Ngumiti siya akin.
"Ano naman gagawin natin dun at ang layo kaya."
"Hindi naman malayo yun mga 30 minutes lang kaya pag bus ang sakyan mo." Ngumiti siya sa akin na may halong pag mamayabang.
"May Plano panaman ako na ilibre kita sa moon-moon at pumunta sa budget wise." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Talaga?? As in??" Tumango siya at tumawa sa reaction ko. Halos dalawang buwan na kasi akong hindi naka punta ng Ipil at hindi nakakain sa moon-moon cafe.
"Wait ka lang diyan. Mag bibihis lang ako." Dali-dali kung binigay sa kanya ang hose at kumaripas ng takbo papunta sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang tawa niya..
Humarap ako sa salamin at tiningnang mabuti ang kabuuan ko. Naka suot ako ng high waist jeans at pinarisan ko iyon ng off shoulder halter top. Kinuha ko ang bag ko at nilagay doon ang cellphone ko at wallet nadin.
Bumaba na ako at nakita ko si mama at Psalm na nag uusap.
"Sige po tita. Uuwi din po kami agad."
"Sige. Basta mag ingat kayo." Naka ngiti pa siya kay Psalm.
Binalingan agad ako ng tingin ni Psalm. Ngnitian ko siya at siya naman ay seryoso lang naka tingin sa akin.
"Bakit kita ang tiyan mo sa suot nayan?" Nawala agad ang ngiti ko at binalingan si mama na naka ngisi sa akin.
"Alis na ako. Marami pa akong gagawin sa tindahan." Tumango kami ni Psalm kay mama. Nilingon naman ni mama si Psalm.
"Ingatan mo anak ko Psalm." Ngumiti si Psalm at tumango.
"Opo tita." Tumango si mama at nilingon din ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nak simangot ako sa kanya kasi alam ko na kung bakit niya ako tiningnan ng ganyan. Hindi siya sanay na makita akong nag susut ng medyo sexy na damit.
"Tama si Psalm. Bakit kita tiyan mo sa damit nayan?"
"Mama naman. Pati ba naman ikaw?" Tumawa lang siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Sige na, alis na ako. Ingat kayo dalawa."
Lumabas na si mama sa bahay at kami nalang nandito, pareho kaming naka tayo. Akala ko ba aalis na kami? Bakit naka titig parin to sa akin?.
"Ahm..... Hindi pa tayo aalis?" sabay hawak ko sa bag ko na naka sabit sa balikat ko. Pinasadaha niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Argh!! Pareha lang sila ng reaction ni mama.
"Bakit kita ang tiyan mo sa suot na yan?" Iritado niyang tanong, umirap naman ako sa kanya.
"Eh sa ganito ang gusto kung suotin at comfortable naman ako e." Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ako. Aba! May gana pa siyang mang irap.
"Ano ba ang susuutin ko? Turtle neck tas mataas na palda?? Ha!" Iritado kung saad sa kanya. Ano ba ang problema sa suot ko nato. Okay naman ah.
"Tss! Halika ka nga." Medyo iritado niyang sabi sa akin. Umirap ako at sumunod nalang sa kanya.
NOTE: Hi fruities. Thank you for reading this chapter. And again sorry talaga sa grammatical typos cellphone lang talaga gamit ko.