CHAPTER 9

1350 Words
Mabuti nalang at naka pasa ako sa quiz ko ngayon, alam ko naman na maka pasa ako kasi nag study na ako ka gabi tinakot ko lang ang lalaking yun kasi natatawa ako pag may kasalanan siyang na gawa sa akin. Nag liligpit ako ng mga gamit ko para maka uwi na agad ng may biglang sumulpot sa harapan ko. Si Yansyn lang pala. "What?" Inosente kung tanong sa kanya, ngumisi siya kaya mas lalo akong nalito. Ha? Ano naman ang nangyari sa babaeng ito? "Why didn't you tell us that you and Psalm are official na? " nalito ako sa sinabi niya. Anong official? I don't even get it. "Anong pinag sasabi mo diyan? Anong official?" "Asus. Nag maang maangan pa." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan naman kaya niya nakuha ang tsismis na yan. Umirap ako at nag patuloy sa pag liligpit ng mga gamit ko. "Hindi ka talaga aamin? " Pangungusisa niya pa ulit sa akin. "Ano naman ang aaminin ko?" Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng uniform niya at nakita ko siyang may tinatype at pagkatapos ay pinakita niya sa Akin ang isang post doon. Ang nag post ay si Psalm at ang naka lagay ay. Psalm Dela rama posted a status Sa wakas she said YES! ❤ Mas lalo akong nalito sa nakita ko, basta ang alam ko hindi ako yan. Binasted nga niya ako noon. Hmp. "Hindi ako ang tinutukoy ng post na yan" walang ganang saad ko kay Yansyn at nag lakad palabas ng room. Sakto naman pagka labas ko nandoon na si Psalm nakatayo at naka lagay ang is a niyang kamay sa bulsa ng kanyang pants naka talikod siya sa Akin. Tumungo ako sa kanya ng dahan-dahan para di niya ako maramdaman. Pinag masdan ko muna ang likod niya, siya lang ang lalaking pinahintulutan kung maging malapit sa akin. Hindi ako nag si-sisi na nakilala ko siya at na in love sa kanya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nilingon niya ako agad naman akong ngumiti, ngumiti rin siya pabalik sa Akin. "Tara na? " tumango siya at hinawakan ang kamay ko. May narinig agad akong tilian napatampal na lang ako sa aking noo ng na realize na marami palang studyante na nanonood sa amin. My ghad Indie! Ang landi mo talaga. "So what's the result of your quiz" tanong niya. "Pasado naman." "So 50/50 ang nakuha mo?" Bat ang daming tanong ng lalaking ito. Timing pa talaga na marami ang nanonood sa amin. "Halika na nga!!" Sabay hablot ko sa kamay niya at minabilis ang pag lalakad. "Bakit pala sila naka tingin sa at in?? Ano meron?" Abah!! Nag tanong pa! Eh kasalanan niya naman may Pa post-post pang nalalaman. Inirapan ko siya at hindi na sinagot ang mga tanong niya. Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang naka labas kami ng gate, hindi ko namalayan na hawak-hawak ko parin ang kamay niya kahit nasa labas na kami. Agad ko naman iyong binitawan at nilingon siya at naka ngisi na ang gago. Inirapan ko siya. Hindi ko alam kung pang ilang irap na iyon sa araw na ito. "Galit ka na naman sa akin." Mahinahon niyang sabi habang nag lalakad kami sa gilid ng kalsada. Wala pa kasi kaming nakitang tricycle. Asan naba yung mga tricycle na yun! "Doon muna tayo sa waiting shed nayon" turo ko sa waiting shed na kung saan doon kami unang nag kita. Naalala ko pa noon ang lakas ng ulan atsaka wala pa akong dalang payong nun tas ang lamig pa. I did not expect that we will be close friends because of that incident, mabuti nadin may jacket siya at pinahiram niya sa Akin yun. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging gentleman niya, akala ko noon pag taga maynila ay f**k boy na agad pero hindi naman pala lahat. "Excited ka naba sa graduation natin?" Tanong niya sa Akin at agad ko naman siyang sinagot. "Oo syempre. Sa wakas tapos na yung pagiging senior natin pero nakaka miss din yung mga memories na nagawa natin afrom junior student to senior high student. " sabay ngiti ko ng maalala ang maraming mga masasayang nangyari from my junior to senior high student. Syempre hindi lang puro saya yun meron din mga panahon na may iyakan, pikonan, away at mga problema dahil sa mga sunod-sunod na requirements na pina paggawa ng mga teachers. I am really happy that I choose a right track which is ABM sobrang saya ko na nakilala ko yung mga classmate ko, yung mga barkada ko. I really miss this. "Siguro masaya yung junior days mo no??" Tumango ako sa tanong niya at nilingon na may ngiti sa mga labi at naka tingala sa langit. Tumingala din ako at namangha ako sa nakita ko ang daming stars ngayon, ang linaw ng kalangitan yung tipong bituin lang ang nakikita mo at isang napaka liwanag na buwan. "I'm so happy that I meet you." Nilingon ko siya at nakita kung naka tingin na pala siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niya. Bat feeling ko aalis siya. Winaksi ko nalang sa isip ko ang mga katagang iyon. "Ako din, kahit na binasted mo ako noon masaya parin ako kasi ng dahil sa pang basted mo sa akin mas naging close tayo" saad ko namay halong tawa, tumawa din siya at umiling-iling pa. " I hope that you will be happy sa daan tatahakin mo." Galing sa mga matamis kung ngiti ay napa litan ito ng lungkot. Bakit nag sasalita naman siya ng mga ganyan? Palagi ko na tung napapansin sa kanya. "Bakit ka ganyan mag salita? Ano na namang joke ito Psalm?. " medyo pagalit kung sabi kaya nakita ko sa kanya ang pag sisisi kung bakit sinabi niya pa iyon. Bigla siyang tumawa at kinurot ang pisngi ko. " Ang epic ng mukha mo" tawa parin siya ng tawa kaya sinapak ko na. "Bakit parang aalis kana ah!! Saan ka ba pupunta!!!??" Natigilan siya sa mga tanong ko at agad naman siyang nag seryoso. "Hindi naman ako aalis ah, yang utak mo talaga kung ano-ano inisip." Alangan naman hindi ako mag iisip ng ganyan eh kung ano-ano din pinag sasabi niya... "I'm serious. Sana maging masaya ka at nandito lang ako palagi to support you always." Nanubig na ang mga mata ko. Lumapit siya sa akin. Ang akala ko ay he will hug me but I'm wrong. He kissed me..... In the forehead. I feel comfortable the way he kissed me, I feel peace. I'm so lucky to have this kind of guy. Wala man kaming status dalawa kung ano ba talaga kami sa isat-isa sobrang saya ko parin dahil naging kaibigan ko siya. Pag katapos ng pangyayaring iyon ay hindi ako naka tulog ng maayos kagabi kaya nagising ako ng late. I don't to that guy na maraming wierd na sinasabi. Pag katapos kung naligo at nag bihis ng uniform ay bumaba na ako, habang pababa ako ay may narinig akong tawanan. Sino naman kaya ang ka kwentuhan ni mama? Pag dating ko sa sala ay walang tao doon kaya dumiretso nalang ako sa kusina laking gulat ko kung sino ang kasama ni mama si Psalm lang naman na naka upo sa hapag kainan at kumakain na. Aba! Nauna pa siyang kumain kaysa sa akin na ako ang anak dito. Umupo ako ng padabog kaya nilingon nila akong dalawa, nitaasan ko ng kilay si Psalm. What?? "Good morning. " bati niya sa Akin ng natatawa. Anong nakakatawa?? "Ahmm..... I think you should change??" Saad niya na natatawa parin. "Ano bang nakakatawa Psalm! Wag mo ngang sirain araw ko. Bilisan mo na Lang diyang kumain at malalate na tayo." Hindi na siguro niya na pigilan kaya tumawa siya ng napakalakas, pati si mama ay natatawa narin. Ano bang problema nila?? "It's Saturday today." Dahil sasalitang iyon naramdaman ko agad ang pagka hiya.. NOTE: Hi sa mga fruities ko❤ thank you for reading my work. I love you all. Sorry talaga sa typos cellphone lang kasi gamit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD