PINAHID ni Karl ang mga luha niyang dumaloy sa magkabilang pisngi niya. Pagkatapos ay tinungga ang laman na alak ng baso niya. Tumawa siya ng pagak nang muling bumalik sa isipan niya si Chaia, saka muli siyang impit na napaiyak.
“Ang laki mong tanga, Karl. Napakatanga mo.” Pagkatisgo pa niya sa sarili.
Bago pa nito ipakilala ang sarili bilang Ikay. Nakilala na niya ito. Paano nga ba niya makakalimutan ang kwintas na binigay niya sa isang magandang dalaga na nakabihag agad sa kanyang puso? Hanggang sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga pangako niya dito simula noon. Nang una silang magkita nito, bago pa niya malaman na ito si Ikay. She already made his heart beat faster, by just merely staring at her lovely eyes. Pagkatapos niyon, hindi na siya pinatahimik nito. Gustong gusto na niyang nakikita ito. That’s why he hated her day off. Dahil hindi niya ito nakikita. Hanggang sa malaman niya ang katotohanan, nang masugutan ito ay ginamot niya ito at malaglag ang kwintas nito.
Ngunit imbes na aminin dito ang totoo na siya si Pogs. Tinago niya iyon. Kahit na alam niyang nakakahalata na ito. Nagpatay-malisya lang siya, pilit niyang tinago dito ang kwintas na binigay naman nito. Pero sa bawat sandaling nagdaan na kapiling niya ito, palagi na lang siyang natutuksong magpakilala. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at sabihin na bumalik na siya. Gusto niyang ibalik ang dati. Ngunit paano? Kung sa paglipas ng panahon na nawalay sila sa isa’t isa ay pinawi nang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya ang paniniwala niya sa pag-ibig.
Marami nang babae ang lumuha ng dahil sa kanya, nagalit at kinamuhian siya ng husto. And Chaia will not be one of them. Ayaw niyang masaktan at lumuha ito ng dahil sa kanya. He’s not capable of loving. He deprive himself in believing in love. He don’t even believe in Marriage. Magiging miserable lang ang buhay ni Chaia sa kanya. And then he met, Macy. Secretary ito nang isang mayamang negosyante. Agad itong nagpakita ng interes sa kanya, and he grab the opportunity to divert his attention to Macy. Para nang sa ganoon ay tuluyan na siyang makaiwas kay Chaia. Ngunit sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Macy, palaging si Chaia ang tumatakbo sa isip niya. Ang presensiya nito ang sa tuwina ay
hinahanap niya. Ang tunog ng tawa nito, ang mga iyak nito. Sa mga simpleng bagay na nagpapasaya dito. Gusto niyang sa lahat ng panahon na iyon ay siya ang nasa tabi nito. At nang mag-outing sila, at nakita na naman niya itong umiiyak. Hindi na niya natiis at tuluyan nang pinukaw nito ang puso niya. Pinuntahan niya ito, kinausap at inalo. Pagkatapos, he kissed her. For the first time, he let someone get inside his cold heart. Hanggang sa tuluyan nang sumuko ang puso niya, at aminin sa sarili na mahal niya si Chaia.
Ngunit sa kabila ng naging rebelasyon ng tunay niyang damdamin para dito. Nagdesisyon pa rin siyang layuan ito at pigilan ang pagmamahal niya para dito. Ang mga gaya niyang hindi naniniwala sa pag-ibig ay hindi dapat nakakaramdam ng pagmamahal. Hindi dapat minamahal. Chaia is too genuine for him. She doesn’t fit for him. Mabuting tao ito. At ayaw niyang siya ang maging dahilan ng muling pagluha nito. Pero mukhang tunay nga na walang lihim na hindi nabubunyag. Hanggang sa makita nito ang kwintas na binigay nito sa kanya na suot niya, na siyang nagpakumpirma sa hinala nito. At diretso nitong sinabi sa kanya ang tunay na damdamin nito.
At sa araw na rin iyon, nalaman niya ang katotohanan na si Macy ang Ate ni Chaia na kinukwento nitong nagpapahirap dito. Naputol ang pag-iisip niya nang tapikin siya sa balikat ng pinsan niya. Lumingon siya dito.
“Dude, are you okay?” tanong ni Miguel.
Gamit ang sariling daliri, pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya.
“Yeah, I’m okay.” Sagot niya.
“Obviously, not.” sabad naman ni Daryl.
Hindi siya nakakibo. Makakapag-deny siya sa ibang tao, ngunit hindi sa mga ito.
“How is she?” sa halip ay tanong niya.
“Chaia is fine.” Sagot ni Marvin.
“And Macy?” tanong ulit niya.
“Dinala na siya sa presinto. Chaia will be fine, you have nothing to worry about.”sagot naman ni Jester.
Napabuntong-hininga siya. Matapos ang komprontasyon. Nag-walk out si Chaia, ngunit tila sadyang malaki ang galit at selos ni Macy kay Chaia, kaya tinangka nitong sadyang sagasaan ang huli. Pasalamat na lang siya at naging alerto siya. Nang ipaharurot nito ang sinasakyan nitong kotse patungo kay Chaia, mabilis siyang tumatakbo ay nilundag niya ito upang mailigtas sa panganib. And he did, naiwas niya sa tiyak na kamatayan si Chaia. Ngunit sa pagbagsak nilang dalawa sa lupa, nagpagulong-gulong sila at hindi sadyang tumama ang ulo nito sa isang malaking bato. Mabilis nilang tinakbo ito sa ospital.
At habang wala itong malay, labis ang takot niya. Wala siyang ibang pinagdasal kung hindi ang kaligtasan nito. Ngunit hindi niya maitanggi sa sarili na siya ang dahilan kung bakit ito nasa ganoon kalagayan. He meant to save her from Macy. Pero sa bandang huli, hindi rin niya napangalagaan ito. At kasalanan niyang lahat iyon. Ito na ba ang kapalit ng pagtanggi niya dito? Ang pagsikil niya sa tunay niyang damdamin.
“Ano ba ang ginagawa mo dito? Bakit hindi mo siya puntahan?” tanong pa ni Kevin.
“Hindi ko alam. Ewan ko.” Naguguluhang sagot niya.
“Hindi ko alam kung bakit mo kailangan maguluhan. You love her.” Sabi pa ni Jefti.
“I don’t have the right to love her.” Sagot niya.
“What?!” gulat na tanong ni Glenn. “What the heck are you thinking? Kailan mo pa naisip ‘yan?”
“Matagal ko nang pinagkait ang sarili ko na magmahal. Simula nang maghiwalay ang Parents ko. Hindi na ako naniwala sa pag-ibig. Ayaw kong masaktan si Chaia ng dahil sa akin! Ayokong ako ang susunod na maging dahilan ng pagluha niya.” Katwiran niya.
“Gusto kitang suntukin dahil sa sinabi mong ‘yan.” Seryosong sabi ni Wayne. “Ano sa tingin mo? Hindi nasaktan si Chaia ng harap-harapan mo siyang tinanggihan? Hindi siya umiyak pagtalikod niya sa’yo?”
Muling bumagsak ang mga luha sa mata ni Karl. Biglang bumalik sa isipan niya ang itsura ni Chaia habang nasa bisig niya ito at walang malay at puno ng dugo ang mga kamay niya galing sa ulo nito, habang papunta pa lang sila ng ospital. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoon klase ng takot. Wala siyang tigil ng pagdarasal na maligtas ang buhay nito.
“Naroon siya ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.” Sabi niya.
“Will stop saying that? Stop blaming yourself! Karl, you saved her life! Bakit ka ba nagkakaganyan?” galit na sigaw sa kanya ni Wesley.
“I saved her? I put her life on danger! I meant t save her from Macy, and yet, at the end. Ako ang dahilan kung bakit siya naroon!” sigaw din niya dito, sabay malakas na hinampas niya ang ibabaw ng mesa.
“Aminin mo na sa amin. Kaya ka nagkakaganyan, ay dahil mahal mo rin si Chaia. Kaya ganyan mo na lang sinisisi ang sarili mo. Natatakot kang mawala siya sa buhay mo.” Dagdag naman ni Mark.
“Huwag mong hayaan na madaig ka ng hindi mo paniniwala sa pag-ibig! That’s a piece of crap! And stop blaming yourself! Dahil kung talagang hindi ka naniniwala sa pag-ibig, hindi ka magkakaganyan. Hindi mo pag-aaksayahan ng luha si Chaia. You’re in love with her. Admit it to us. And if you truly love her, you will ease those tears away from her eyes.” Payo sa kanya ni Gogoy.
“You heard him, cous’.” Komento naman ni Wesley.
“And one more thing. Ayaw mong tanggapin ang pagmamahal niya dahil ayaw mo siyang masaktan ng dahil sa’yo. Sa ginawa mong pagtanggi sa kanya. Hindi ba nasaktan siya? Hindi ba umiyak din siya?” dagdag pa ni Gogoy bago ito tuluyan lumabas ng Jefti’s.
Inakbayan siya ni Wesley. “Pinsan, kahit hindi pa ako nag-i-in love. Sa tingin ko ito ang mas tamang gawin mo. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Huwag kang magpadaig sa maling pinaniwalaan mo dati. Love is knocking right in front of your doorstep, don’t let it walk away from you. Kung hindi ka naniwala sa pag-ibig at kasal ng dahil sa nangyari sa Parents mo. God has different plans in your life. And you’re meant to be happy with someone you love. You’ve been alone all your life. Narito na si Chaia, handang manatili sa tabi mo habang buhay. Hahayaan mo ba talagang mawala iyon?” seryosong wika nito.
Napalingon siya dito. Sa kabila ng mga luha, nakuha niyang ngumiti dito. Saka ginulo niya ang buhok nito. “Thanks, dude!” sabi niya dito.
“Wala ‘yon! Ikaw pa!” sagot nito, pagkatapos ay nag-high five pa sila.
Napangiti siya ng biglang pumalakpak ang mga pinsan nila. “Huu! Gaano mo katagal inipon ‘yon? Ang lalim nang ibig sabihin ng mga sinabi mo ah.” Biro pa ni Marvin dito.
“Ay! Wala! Mga Pengkum! Tigilan n’yo ako!” sabi pa nito.
“Dude, go! Save your heart! Save hers as well!” pagtataboy ni Miguel sa kanya.
Tumango siya. “Thank you everybody! I have to go!” mabilis niyang paalam.
Habang pababa siya ay tinuyo niya ang mga mata niya na basa sa luha. Napuno ang puso ng saya. Tama si Wesley. Hindi niya dapat pigilan ang sarili para magmahal. He promised Ikay that he’ll come back for her. And now, he meant to fulfill that promise. This time, there’s no turning back.
“O, DAHAN-DAHAN sa pagbaba at baka mauntog ka.” Sabi ni Kamille habang inaalalayan si Chaia.
Pagbaba niya ng taxi. Pinagmasdan niya ang paligid. Naroon na siya sa kalyeng naging saksi sa pagtatapat niya sa lalaking kaisa-isang minahal niya. Ang inakala niyang magiging masayang pagtatagpo at pag-amin ay naging isang madilim na wakas. Pinahiya siya ni Macy sa mga bagong kaibigan niya. Pinagtangkaan nito ang buhay niya at diretsahan siyang tinanggihan ni Karl. Pagkatapos, ang sumunod na nangyari, nasa ospital na siya. Ayon na rin mismo kay Kamille, nailigtas siya ni Karl mula sa tangkang pagsagasa sa kanya ni Macy. Pero aksidenteng nabagok ang ulo niya kaya dinala siya sa ospital.
Ayon sa mga doctor, pasalamat sila ng malaki dahil hindi nagkaroon ng internal hemorrhage, dahil kapag nagkataon, posibleng ma-comatose siya. Nang malaman ng Mama niya ang nangyari, agad itong pumunta sa ospital. Gusto pa nga nito siyang iuwi sa bahay nila, ngunit siya na ang tumanggi. Masyado nang marami siyang hindi magandang alaala sa bahay na iyon. At ngayon na wala nang manggugulo sa kanya. Gusto niyang simulan ang bagong buhay niya na siya lang mag-isa. Wala ito. O kahit si Karl.
Nangilid ang mga luha niya. Mukhang iyon nga yata ang tadhana niya. Ang mabuhay ng mag-isa sa mundo. Inakala niya na sa pagbalik ni Pogs sa buhay niya, ay ang pagtupad nito sa pangako nito sa kanya. Pero nakalimutan niya na maraming taon na rin pala ang lumipas, at marami na rin ang nagbago. At kasama na doon si Pogs. Hindi na ito ang dating nangako sa kanyang babalikan siya. Hindi na rin ito naniniwala sa pag-ibig. Hindi siya nito mahal gaya ng akala niya. Kapag nakabawi na siya ng lakas, aalis na rin siya doon sa Tanangco. Wala na siyang nakikitang dahilan para manatili doon. Kapag nagtagal siya, mas lalo lang siyang mahihirapan kalimutan si Karl.
“Hey, are you okay?” pukaw sa kanya ni Marisse.
Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Saka mabilis na tumango. “Ha? Ah, oo. Okay lang ako.” Sagot niya.
“Si Karl ba?” malungkot na tanong ni Jhanine.
Hindi siya agad nakasagot. Simula ng magkamalay siya sa ospital. Hindi na niya binanggit pa ang pangalan ni Karl. Kapag may nag-o-open ng topic tungkol dito ay agad niyang iniiba ang usapan. Para sa kanya, wala ng dahilan pa para pag-usapan ito. Tumanggi na ito. Sinabi na nito ang desisyon nito, at wala na siyang magagawa pa roon kung hindi ang tanggapin. Kahit na mas masakit pa iyon sa pisikal na sakit na nararamdaman niya ngayon.
Ano nga ba ang kasalanan niya para masaktan ng paulit ulit? Para iwan ng mga taong mahal niya ng paulit ulit? Ano ba ang kasalanan niya para sa bandang huli ay mag-isa pa rin siya?
“Uhm, sige, papasok muna ako. Magpapahinga lang ako.” Paiwas niyang sagot.
“Chaia, hindi mo puwedeng iwasan na lang ‘to habang buhay.” Sabi naman ni Sumi .
Muling bumagsak ang mga luha niya. Tumango siya. “Alam ko. Pero iiwas ako hangga’t kaya ko. Dahil napapagod na akong umiyak. Napapagod na akong maging malungkot.” Sagot niya.
“Bakit hindi kayo mag-usap? Para magkalinawan kayo.” Suhestiyon pa ni Razz.
Sasagot pa lang sana siya nang dumating ang lalaking pinag-uusapan niya. Agad siyang tumalikod dito.
“Yeah, let’s talk. Marami akong gustong sabihin sa’yo.” Wika ni Karl.
Tinakpan niya ang dalawang tenga. Umiling siya. “Ayokong marinig. Ayoko nang masaktan. Tama na!” pagtanggi niya.
Napapitlag siya ng maramdaman niyang hinawakan nito ang dalawang kamay niyang nakatakip sa tenga niya. Saka dahan-dahan iyong ibinaba. Karl is standing right behind her. And this is the same man she loves, and the same man who broke her heart. Pero bakit tila unti-unting napapawi ang sakit na nasa puso niya, ngayon na nakatayo na ito sa likuran niya.
“Pero gusto kong marinig mo ang mga sasabihin ko. Gusto kong marinig mo ang paghingi ko ng kapatawaran sa’yo. Gusto kong marinig mo kung gaano kita minahal simula pa noong una kitang makita ilang taon na ang nakakalipas, at kung gaano pa rin kita kamahal hanggang ngayon.”
Nagdoble ang bilis ng pagpintig ng puso niya. Tama ba ang narinig niya? Mahal din siya ni Karl? Ang lungkot ay biglang napalitan ng saya. Ang sakit ng dulot ng mga pangyayari ay unti-unting naghilom.
“Karl,” paanas niyang sambit sa pangalan nito.
Pinihit siya nito paharap dito. Saka pinahid nito ang luha sa mga mata niya. “Someone wakes me up from the reality. Yes, I should be the one to wipe these tears away. Let me be your handkerchief. Hindi ako dapat ang maging dahilan ng mga pagluha mo. Nangako ako sa’yo noon na babalikan kita, hindi ko natupad iyon. Pero ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan para magtagpo tayo ulit. Patawarin mo ako kung hindi ko agad nasabi sa’yo na ako si Pogs. Nang mga panahon na iyon, hindi pa ako sigurado sa damdamin ko. Nauhan ako ng takot. Dahil sa nangyari sa mga magulang ko, nangako ako sa sarili ko na hindi ako magmamahal. Hindi ako mag-aasawa, dahil ang paniwala ko, sa hiwalay din naman mauuwi ‘yon. Masasaktan lang ako. Kaya hindi na ako naniwala sa pag-ibig.”
“But you came, you got my attention. Bukod sa astig kang Bartender, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang unang beses na matitigan ko ang mga mata mo. It felt like a déjà vu. Alam ko, nakita ko na ang pares ng mga matang ito. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman ko na ikaw si Ikay. I wanted to hug you the moment I saw your necklace. Pero sabi ko, hindi tama. Dahil alam kong masasaktan lang kita, kaya nanahimik ako. Umiwas ako sa’yo. Sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko. Pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak at nasasaktan. Hindi ko matiis. I always found myself beside you.”
“Gusto kong ako ang nasa tabi mo. Ako ang sandalan mo sa tuwing nararamdaman mong nag-iisa ka. Gusto kong ako ang maging panyo na papahid sa mga luhang ito. I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa’yo. At bigyan ako ng pagkakataon para matupad ko ang pangako ni Pogs.”
Sa wakas, gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Ang puso niya ay muling nagbunyi. Sino nga ba ang mag-aakala? Pagkatapos ng mga masakit na pangyayari sa buhay niya ay binigyan pa rin siya ng pagkakataon ng Diyos para sa wakas ay maging masaya.
“Pinapatawad na kita. Walang dahilan para hindi kita patawarin. Nasaktan man ako, pero mas matimbang pa rin sa puso ko ang pagmamahal ko sa’yo.” Sagot niya dito. Hindi na niya pinigilan ang sarili na yakapin ito, at lalong naging ganap ang saya niya ng gumanti din ito ng yakap. Nang mas mahigpit na yakap.
“Salamat. Maraming Salamat. Akala ko, pati ikaw ay tuluyan nang mawawala sa akin.” Dugtong niya.
Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya, saka bumulong sa tenga niya. “Hindi mangyayari ‘yon. I’m sorry, Chaia. I’m really sorry. Nang dahil sa akin, na-ospital ka.” Paghingi nito ng tawad.
Umiling siya. “Hindi ka dapat nagso-sorry sa akin. Niligtas mo ang buhay ko, kung hindi mo ginawa iyon, baka kung ano nang nangyari sa akin. Wala kang kasalanan.”
“Sinabi ko noon na hindi ako naniniwala sa pag-ibig. I admit, I lied. Because the truth is, the love I have for you all these years is the main reason why I keep on going on with my life. Because deep inside my heart, there’s hope that one day. I’ll get to see you again. That we will be together.” Sabi pa nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Saka tinitigan ito ng husto. “Sa dami ng pinagdaanan ko. I have so many reasons to thank God. At the top of my list is for bringing you back in life.”
“I love you, Chaia. Wala nang bawian.” Wika ni Karl.
“I love you too,” nakangiting sagot niya.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Karl. Mabilis nitong tinawid ang pagitan nilang dalawa, at sinakop nito ang mga labi niya. Buong puso siyang nagpaubaya, gumanti siya ng halik dito. Sino nga ba ang makakapagsabi na ang first kiss niya ay ang first love niya? Kung paano siy naghirap noon, tila pinawi iyon lahat ng magandang pangyayaring iyon sa buhay niya. She loves him. At handa siyang patunayan iyon sa buong mundo.
Lord, thank you po! You’re always been good and faithful to me. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, hindi mo ako pinabayaan. Pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal mo. And I will always thank you for bringing him back in my life. Thank you po ulit!
Nang maghiwalay na sila. Ginagap nito ang magkabilang pisngi niya.
“This is our second,” sabi niya dito.
“Second in what?” tanong ni Karl.
“Kiss,” sagot niya.
Kinulong siya sa mga bisig nito, pagkatapos ay naramdaman niyang hinalikan nito ang sentido niya. “This is actually, our third. I kissed you while you were sleeping in Laguna. I can’t help it. Hindi ko napigilan ang sarili ko, mahal na mahal na kasi kita ng mga panahon na iyon. Kaya lang, nauunahan pa ako ng takot.” Wika nito
Ngumiti siya saka gumanti ng yakap dito.
“Hindi na ako aalis sa tabi mo. Pangako.” Dagdag pa ni Karl.
Tumango siya. “Hindi ko na rin itutuloy ang pag-alis ko.” Aniya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit? Plinano mo bang umalis?” tanong nito.
“Oo. Sana. Kung hindi ka lumapit, itutuloy ko talaga ang pag-alis.”
Niyakap siya nito ng mahigpit. “Hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa piling ko.” sabi nito.
“Eh wala na naman akong balak umalis sa tabi mo.”
“That’s my girl,”
Napalingon sila nang may pumalatak mula sa liko nila. “Grabe, diyan din pala bagsak n’yong dalawa muntik pang may mamatay.” Komento ni Mark.
“O siya, tama na ang palabas! Taguan time!” sigaw ni Marisse.
“Sino ang taya?” tanong ni Karl.
“H-ha? Ano ‘yon?” tanong din niya dito.
“Dito sa Tanangco, naging past time na namin ang maglaro ng taguan. Naging libangan na namin ito simula pa noong mga bata pa kami. At kung sino ang taya na magkapartner, sila ang susunod na magkakaroon ng love life.” Paliwanag nito.
“Ah, maganda ‘yan! Exciting! Sali ako!” aniya.
Umakbay sa kanya si Karl. “Babe, hindi puwede. Kakalabas mo lang sa ospital.”
Kunwa’y lumabi siya na parang bata. “Ang daya naman!” maktol pa niya.
“Eh kasi nga nanghihina ka pa.”
“Hay! Oo na nga!”
“Okay, game! Kami ni Kim ang taya!” prisinta ni Mark.
“Weh! Halata ka, pare!” pang-aasar ni Kevin dito.
“Eh di sige kayo na lang!” sagot nito.
“Hindi na, kayo na!” ani Wesley.
“Anak ka talaga ng Pengkum! Dinamay mo pa ako!” reklamo ni Kim kay Mark.
Natatawa siya habang pinapanood nila ang masayang mga kaibigan nila habang parang mga batang naglalaro ang mga ito. Pinagmasdan niya ang kahabaan ng Tanangco. Sa sandaling panahon, tumatak sa puso niya ang kalyeng iyon. Dahil ito ang naging saksi sa pagmamahalan nila ni Karl.
“Are you happy?” tanong nito sa kanya.
Tumango siya. “Yes. Sobra.” Sagot niya.
“After a long time, you’re finally back in my arms. And I don’t have any intentons of letting you go, ever again. Mahal na mahal kita, Ikay.”
“Mahal na mahal din kita, Pogs.”
At sa pangalawang pagkakataon, naglapat ang mga labi nila. When God open the gates of heaven and shower the earth of His blessings. Mukhang nasa unahan siya ng pila. Dahil sa mga sandaling iyon, nag-uumapaw ang biyayang pinagkaloob Niya sa kanya. Isang patunay na roon ang pinakamamahal niya kung saan nakakulong siya sa mga bisig nito.
Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya para ibigay sa kanya ng Diyos ang ganitong klase ng kaligayahan. She must be very obedient. At sisiguraduhin niyang mamahalin ito sa bawat segundo ng buhay niya. Kahit sa paglipas ng maraming taon.
- WAKAS / THE END -