14. Jomar ANG SABI NG MATATANDA, kapag naliligaw ka, kailangan mo lang magbaliktad ng damit para matagpuan ang tamang daan. Alam ni Daniel na kung buhay pa ang kaniyang Lola Bining, ito rin ang sasabihin nito sa kaniya. Ang problema, walang matanda noong gabing iyon para magpaalala sa kaniya. Ang mas malaking problema, shorts lang ang suot niya dahil kapapaligo lang niya sa dagat bago niya nilapitan ang mga binatilyo. Kaya wala talaga siyang damit na mababaligtad, may matanda mang nandoon para magpaalala sa kaniya. Kung sakali, ano pa ang maaari niyang baligtarin? “Ilang hakbang pa?” Panay ang tanong ni Daniel. Wala na siyang makita. Tumataas nang tumataas ang mga puno. Madilim na madilim, maliban sa pagsilip ng liwanag ng buwan sa pagitan ng mga dahon at sanga ng mga puno na nakakub

