6 Nuno

1699 Words

6. Nuno SAKIT SA PUSO ang ikinamatay ng Lola Bining ni Daniel. Biglaang atake. Walang naghinala na may inaalagaan itong sakit sa loob ng katawan. Unang atake, kaya’t walang nakapaghanda sa kanila. Lalo na si Daniel. Ang lola na niya ang naging nanay niya. Hindi niya naisip na mamamatay rin nga pala ito, gaya ng lahat ng tao. Wala sa lahi nila iyon, sabi sa kaniya ng Tito Tony niya. Hindi mahina ang puso nila, lagi nitong iginigiit. At ipagmamalaki nito kung paano sila pinalaking magkuya ng Inay niya kahit iniwan sila ng Itay nila. Mas bata pa raw siya noon kay Daniel ngayon. Kahit minsan, hindi niya umano nakitang sumuko ang ina. Hindi ito umiyak. Hindi ito nagalit kahit kanino. Nagpatuloy lang ang buhay para sa kanila, ngunit kahit minsa’y hindi na binanggit pa ang pangalan ng Itay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD