MASKARA, HINDI naman sa atin nanggaling iyon. Wala akong maskara. Ako ang nakikita mo, ang halimaw na larawan ng mga batang nahulog. Iyong hindi nabinyagan, hindi nagiging anghel sa itinuturing ninyong langit. Wala akong maskara. Ito ang larawan na minana ko sa lahat ng ito. Kung binuo ko lamang para sa iyo ang kuwento ni Daniel, at tinangkang buuin ni Daniel si Arcangel upang sa palagay niya’y magkaroon ng kaayusan ang buhay niya, ano ang iniisip ni Arcangel sa lahat ng ito? Ito ang iniisip ni Daniel na iniisip ng tiyanak na sa palagay niya’y tanging maaaring magkuwento ng buhay niya. Hindi sila iisa, alam mo, patuloy ng tiyanak. Hindi puwedeng pagpatung-patungin ang mga maskara, bumibigat sila, at nakikita mo, palayo nang palayo sa totoong mukha ang lahat. Sa isang punto, mainam pan

