16 Karl Kabute

2356 Words

16. Karl Kabute SA PANAGINIP KO, ako si Karl, iyung una kong pangalan, hindi si Daniel gaya ng tawag sa akin ng halos lahat ng tao, o hindi si Ayel, na tawag sa akin ni Tito Tony noong bata pa ako, at kahit noong malaki na ako pero gusto niyang ipaalala sa akin na ako pa rin ang batang kinakandong niya noon habang tinuturuan ng kung ano-anong bagay, o ginugulo ang buhok kapag may activities sa school at si Papa dapat ang naroon, pero wala nga, at nahuhuli niya akong tumitingin sa mga kaklase ko na akay ng kani-kanilang tatay. Hindi ko siyempre naririnig na tinatawag akong Karl, lahat naman kasi, nakikita ko lang sa panaginip. Kaya ganun, sa panaginip ko, nakikita kong tinatawag akong Karl. O baka nasa isip ko lang iyon, na idinidikta ko sa iba. Basta’t tuwing maaalala ko ang laman ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD