17 Teresa

1850 Words

17. Teresa “BAKIT KA NAKATIGNIN?” naalimpungatan si Teresa. Napangiti ako. “Hindi mo ba nababasa sa isip ko?” “Umaga na,” at sinabayan din niya ng ngiti. Iyon ang unang pagkakataon na nagpaumaga na kami sa motel. Hindi ko pa rin pinangangahasang iuwi siya sa apartment na tinutuluyan ko kahit minsan. Naroon din siguro ang kaba na kakilala siya ng mga kapitbahay ko sa subdivision. Hindi ganoon kalaki ang Marikina. Naupo si Teresa sa gilid ng kama. Tinitingnan ko ang hubog ng likod niya, ang mahaba niyang buhok na sala-salabid na ngayon. “Wala bang naghihintay sa iyo sa bahay?” Alam kong hindi niya iyon sasagutin. Nasabi ko na yata ang lahat kay Teresa noon, pero wala pa rin akong alam na kahit ano tungkol sa kaniya. “Huwag mo akong masyadong tingnan,” iyon ang ibinulong niya kahit hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD