18 Sirena

1085 Words

18. Sirena KUNG MAY NAG-UUGNAY man sa amin ni Mama, tubig nga iyon. Iyon ang matagal kong pinaniwalaan. Hindi ko matanggap na pagkakataon lang na hatinggabi ako isinilang. Eksakto, ika-19 ng Pebrero. Iyon ang nakalagay sa birth certificate ko. Date of birth: February 19, 1981. Time of delivery: 12:00 a.m. Mahusay ding tumayming si Mama. Ganun din ang kuwento ni Tito Tony, na siya raw naghatid kay Mama sa ospital. Eksakto. Nang sumunod sina Papa at Lola Bining, nasa incubator na ako. Kasi nga, kulang ako sa buwan. Pebrero na nga, kulang pa talaga ako sa buwan nang isilang. Dobleng kulang. Kulangkulang. Bakit hindi pinupunuan ng dalawang kulang ang isa’t isa? Lalo lang dumarami ang nawawala. Isang araw, basta na lang daw nawala si Mama. At parang alaalang nabaon din sa limot sa buong b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD