Venus Thane's Pov "Namumutla ka?" Eres asked with her famous elevated brows that made her look like one of those mean girls in a cliche teen fiction movies. Mabilis kong ikiniskis ang dalawa kong palad at nang uminit na 'yon ay dinikit ko sa 'king pisnge para naman magkaroon ng kaonting buhay ang namumutla kong mukha. I don't always look pale, baka dahil kinakabahan talaga ako sa mga oras na 'to kaya ako namumutla. I sighed and turn at her. "Ayos na?" She shook her head and delve in her satchel bag. Ilang saglit pa ay iniabot n'ya sa 'kin ang isang lip at cheek tint na galing sa cosmetic line n'ya. Hindi na 'ko nagsalita pa at nag-apply na lamang ng sapat na dami ng product sa 'king labi at pisnge habang nakatingin sa rear view mirror ng kotse n'ya. "I think

