Venus Thane's Pov "Gresya." Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya marahil ay hindi n'ya na naman nagustuhan ang tinawag ko sa kaniya. Strange it is cause I find her name cute and classy while, she herself hate getting called Gresya or Gresya Adelaine to the core. "Nasa Santiago na kami," ani nito, sa wakas. Nagkaroon na rin ako ng dahilan para mapangiti. I should meet her and stroll around Santiago with her, busy sina Mama at Papa para sa birthday ni Lolo na gaganapin pagkatapos ng fiesta si Kuya Ranus naman ay pabalik-balik sa Manila para sa kasong hawak-hawak nito. Tuluyan na 'kong bumangon mula sa kama saka lumabas ng balcony para langhapin ang sariwa at libreng-libreng hangin ng Santiago. Skycrapers are nice and amusing to watch by

