Chapter 1

1482 Words
Venus Thane's Pov "Good morning." Nakangiting bati ko sa dalawang kasambahay na naabutan kong masigasig na nagpupunas ng balustre ng hagdan. Pumihit sila paharap sa 'kin saka bahagyang iniyuko ang mga ulo nila, napanguso ako ng dahil do'n. "Magandang umaga po, Señorita." Sabay nilang bati pabalik sa 'kin. I held my hand high and shake it, gesturing them to stop. Naguguluhang napatingin sila sa isa't isa saka ibinalik ang pares ng mata nila sa 'kin. "Po?" I smiled at them. "Just call me Venus, h'wag na 'yong Señorita." Bago pa man sila makapagsalita bilang tugon sa sinabi ko'y napukaw na ng mga paparating na hakbang ang atensyon namin. Later on Mama, showed up with her elegang looking clothing and statement jewelries, like the usual her hair was put into a  bun. "Bumalik na kayo sa mga trabaho n'yo." Striktang utos n'ya saka ako iginiya ng tuluyan pababa sa hagdan. We walked toward the mansion's flower garden where our breakfast was served. Bago ko pa maipaghila ang sarili ko ng upuan ay nagawa na 'yon ng isang kasambahay para sa 'kin. "Thank you." I mouthed and smile. Narinig kong tumikhim si Mama. She eyed her made and signalled her to leave that she follows immediately. "Hija, I hope you won't treat our maids like they are your friends or someone at your level." Aniya saka sumimsim sa tasa ng kanyang tsaa. Bahagyang nangunot ang noo ko ng dahil ro'n. "But why? Papa treat them like our family, so why can't I?" I asked confusedly. Isang ngiti ang ipinaskil n'ya sa kanyang mapulang labi. "Hija you don't get it do you? You should always draw a line where you will stand to be praise by those whose lower than you...a line that nobody would dare to cross." "Ang mga trabahador dito ay mananatili lang dapat na nagtatrabaho para sa'yo, hindi kinakaibigan, hindi itinuturing na pamilya. They're working for us and we're paying them for that and that should  end there." She explain. Napasulyap ako sa dalawang katulong na nakatayo hindi kalayuan sa 'min saka muling sumulyap kay Mama na taimtim ng kumain. "I hope you'd understand." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon, dati pa man mulat na 'ko na malaki ang pagkakaiba ni Mama at Papa lalo na sa pagtrato sa mga taong mas nakakababa sa 'min. Papa would always treat them nice and fair, like they're one of us, walang nakakalamang at hindi mahalaga ang estado sa buhay. Mom on the other hand was firm in her belief that those whose in the hem of society should bow down to us whose ruling on the top. "Hindi ba uuwi dito si Jupiter at Saturn, Ma? Summer naman ngayon hindi ba?" I asked pertaining to my two cousins whose living their life in Manila now. Nagkibit balikat lang s'ya bilang sagot. I'll just call them later to ask and check on them as well. "I'll fly for Manila later, do you wanna go with me perhaps?" Yaya ni Mama pagkatapos naming sabay na mag-agahan. Mabilis akong umiling bilang pagtanggi, mas gusto ko na mag-stay muna dito at sa susunod na buwan na lang mamalagi ro'n. I had enough experience living an urban life, kota na 'ko sa mga skyscraper, traffics and everything that city has to offer, lalo na't 'yon ang madalas kong makita sa halos labing limang taon kong pamamalagi sa New York ng wala halos uwian dito sa Pilipinas. "I'll stay here, Ma. Gaano kayo katagal ro'n?" Inilapag n'ya ang papeles na hawak saka inalis ang kanyang reading glasses. Her forest green eyes met mine. "Three weeks or more, may mga aasikasuhin rin kasi akong negosyo natin sa ibang bansa, your father would follow me to Thailand a week after." Pag-iimporma n'ya sa 'kin. Muli akong napatango-tango. Ayos lang sa 'kin na maiwan dito sa Hacienda, mukhang marami naman akong mapaglilibangan dito. "Si Papa, Ma? Nasaan?" Her phone ring. "Baka nasa plantasyon ng pinya at tubuhan 'yon." Saad n'ya saka sinagot ang kanyang telopono. She walked out as she talked with who ever is it that's on the other line. "Sa plantasyon po tayo." Nakangiting sinabi ko sa driver na naabutan kong pinupunasan 'yong mga salamin ng suv. He nod and immediately open the car's door for me. "Salamat po." Ngumiti s'ya sa 'kin saka n'ya tuluyang isinara 'yong pinto ng sasakyan at umikot papunta sa driver's seat. I couldn't hide my smile as I saw the beauty of Santiago, nakakainis na hindi ako dito lumaki. Maybe it's the fact that I'm a miracle baby that's why Mama and Papa sheltered me from the world, sakitin rin kasi ako dati kaya mas pinili nilang sa ibang bansa lang ako manatili. "Malayo pa po tayo?" Tanong ko ng hindi inaalis ang mga mata ko sa bintana ng sasakyan, halos lahat ng paglagakan ng mga mata ko'y kulay berde dahil sa mga palayang nadadaanan namin na malapit lang rin halos sa gilid ng hindi pa sementadong kalsada. "Nandito na po tayo." Saad n'ya. I immediately took a step and get off from the car. Hindi ko pa man lubusang naigagala ang mata ko sa paligid ay tumunog na ang aking cellphone. Kuya Ranus' phone number registered on the screen that I answered immediately. "Kuya!" I giggled as I walk towards the sugarcane's field, ang sabi ni Manong may makikita akong kubo kapag diniri-diretso ko 'tong tubuhan ta's naro'n si Papa  I heard him chuckled from the other line. "Aren't you gonna come here yet? I missed you." I blurted out and pouted. Kung magkasama lang kami ngayon malamang ay ginulo n'ya na naman ang buhok ko. "Kaya wala akong girlfriend akala kasi nila ikaw ang girlfriend ko, ang clingy mo, Thane." Napanguso ako dahil sa narinig. At the back of my mind I was thanking myself for wearing a jeans. Medyo matalahib kasi at kung naka-shorts lang ako'y malamang may mga gasgas na 'yong binti ko dahil sa talahib. "Excuse me Uranus Galliver Cojuangco. Ikaw nga 'yong overprotective d'yan tas tinatakot 'yong mga manliligaw ko kaya kahit malapit na 'ko mag-18 hindi ko pa rin naranasan makipag-date!" Pahisterya kong sinabi. I heard him barked another set of laughter. "Thane, you don't like the idea of dating a man, it gives you goosebumps remember? You said that yourself." Untag n'ya sa 'kin na ikina-irap ko na lang. "Ouch!" I winced in pain as I fall to the ground upon bumping with someone who obviously has a larger and intense body frame from me. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang hapdi sa 'king siko na nagasgasan. "I'm sorry." A cold baritone voice said. Napatingin ako sa kanya at nakitang ibinaba ang mga tubong pasan-pasan n'ya sa kanyang balikat kanina. He was the same man Papa's talking too last afternoon. "Thane." Rinig ko ang boses ni Kuya mula sa 'king telepono. Naglahad sa 'kin ng kamay 'yong lalaki para tulungan akong makatayo. "Kuya, I'll call you later." I mumbled and ended the call. I find my eyes scanning the stranger's physical apperance. Compared to mine his skin is tanned maybe because of his exposure in the sun due to his work here, but it suites him actually as it  complimented his masculine body, his hair was properly cut and is wet because of his sweating. Maging ang suot n'yang damit ay basa na rin sa pawis. And when my eyes met his, I was lost for words to describe it. Tumikhim s'ya na nagpabalik sa 'kin sa realidad, ilang beses akong napakurap-kurap saka nag-iwas ng tingin. "May sugat ka." Seryoso n'yang sinabi. Napahawak ako sa 'king siko at napangiwi nang madampian ng mga daliri ko ang aking sugat. I plastered and awkward smile. "Wala lang 'to...hinanap ko si Papa alam mo ba kung nasaan s'ya?" Tanong ko sa kanya. His eyes scanned me for a moment, I couldn't help but be awkward and nervous at that. Mabilis kong ibinalik sa 'king labi ang isang pilit na ngiti ng bumalik sa mukha ko ang pares ng mala-tsokolate n'yang mata. "Ihahatid na lang kita ro'n." He offered making me smile. Nauna na s'yang maglakad sa 'kin, sumunod rin naman ako at pasimpleng pinapagpag ang alikabok na kumapit sa suot kong pantalon. "I'm Venus, what is your name?" I asked while nearing the nipa house. Hindi s'ya nagsalita kaya mas nilakahan ko pa ang mga hakbang ko para masabayan ko s'ya kahit papaano. "Anong pangalan mo?" Ulit ko, but then again he remained silent, nasa tapat na kami ng kubo at mukhang wala talaga s'yang balak na sagutin ako. "Ariz? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't pupunta ka sa sentro ngayon?" An older version of him asked, sa tantya ko'y nasa forties na s'ya o fifties. "Hinatid ko lang po s'ya Pa, hinahanap n'ya si Don Alfonso." Maikling sagot n'ya. I looked at him and smiled. "Salamat, Ariz." Untag ko saka pumasok na sa loob ng kubo. Ariz pala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD