bc

BLEED (Ghoul PH)

book_age18+
864
FOLLOW
4.1K
READ
brave
twisted
bxg
mystery
scary
mythology
small town
witchcraft
supernatural
like
intro-logo
Blurb

ILANNGAN are strange creatures who are cannibalistic monsters. They were once human, but they brought the curse on themselves by eating human flesh.

Kelvin "Kiyong" Dela Cruz heard a lot about it. But he didn't expect it to exist in the Philippines until he sees one.

Kiyong was attacked by what they called Ilanngan. He can still remember how the monster ate the flesh inside him and how he trembled with fear until he was completely out of breath.

That night, he died.

The next day, Kiyong suddenly came back to life only to find out that a strange creature had entered his body. And what's even scarier is that it speaks to his mind calling itself BLEED - the cursed Ilanngan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BLEED midnyt_princess CHAPTER 1 ------------------------------ Brgy. Sta.Monica BULACAN ------------------------------- KIYONG Point of View TV NEWS "Sunod-sunod ang naging operasyon ng Manila PNP mula alas-dose ng madaling araw kanina. Sa Ninoy Aquino National Airport nangyari ang isang kaguluhan kung saan ang isang pasahero na naroon ay bigla na lamang umatake at pinagkakagat ang sino mang makita niya. Dead on the Spot sa naturing na kaguluhan ang isang pulis na rominspunde at dalawa pang ibang biktima..." Iyan ang news update habang ipinapakita sa screen ng telebisyon ang nasabing kaguluhan. Kitang-kita sa video ang pagsugod ng isang lalaki sa umpukan ng mga taong nasa airport at doon na nga siya naghasik ng lagim. "Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman ang nasabing insidente sa mga nauulat na isyu patungkol sa mga kakaibang nilalang at sa mga lumalaganap na p*tayan sa bansa..." "Wala na silang masisi na iba kaya pilit na lang nilang ibinubunton ang lahat sa plane crash. Sino ba naman kasi ang maniniwala na may mga sakay na kakaibang nilalang ang eroplano na yon? Tapos wala naman silang maipakitang ebidensya?" Parang tangang kausap ko sa sarili ko. Naging okupado ako sa panonood ng tv kung kaya't hindi ko na napansin ang pagtama ng talim ng kutsilyo sa daliri ko. Itinigil ko agad ang paghihiwa ng karne nang maramdaman ko ang hapdi buhat dito. "s**t! Ang sakit!" daing ko habang nakamasid ako sa kulay pulang likido na lumalabas sa sugat. Bahagya ko pang sinipsip ‘yon upang maampat ang pagdurugo. Inabot ko ‘yung remote ng telebisyon at pinatay ko na muna ‘yon. Tapos, kinuha ko agad ang saklay ko na nakasandal sa mesa at tinungo ko agad ang lababo. Binuksan ko ang gripo at tinapat ko ang daliri ko na may sugat sa umaagos na tubig nito. "Kuya, okay ka lang ba? Anong nangyari diyan? May problema ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sandra, nakababata kong kapatid. Nakita kong lumabas siya buhat sa kwarto niya na tanging ang pintuan ay kurtina. Kinakapa-kapa lang niya ang daraanan niya gamit ang tungkod niya para makalapit sa akin. Nawalan kasi siya ng paningin dahil sa isang malagim na aksidente dalawang taon na ang nakakaraan. At ako man na kabilang sa mga biktima ng nasabing sakuna ay hindi rin nakaligtas. Naalala ko na ang araw na ‘yon ay isa sana sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Ako kasi ang tinanghal na champion sa Judo sa unang taon ko palang sa unibersidad na pinapasukan ko. Tuwang-tuwa ang pamilya ko sa achievement ko na ‘yon maging ang mga guro ko at kaklase. Sakay ng lumang kotse ni tatay ay masaya kaming umuwi. Natataandaan ko na nagkakantahan pa nga kami habang nasa biyahe. Maayos ang lahat ng mga oras na ‘yon hanggang sa isang rumaragasang dump truck ang bigla na lang sumulpot at inararo ang mga sasakyan sa highway. Sa kasamaang palad ay isa ang sinasakyan namin sa minalas na naipit. Agad na binawian ng buhay si tatay sa aksidenteng ‘yon samantalang ako ay himalang nakaligtas. Si Sandra at ang lola ko na si Inang Pabeng ay malubha namang nasugatan sa passenger seat. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa nangyaring iyon. Kasabay ng pagkawala ni tatay ay nalaman ko din na nawalan ng paningin ang kapatid kong bunso tapos ako ay nagtamo ng malubhang pinsala sa binti. Sabi ng espesyalista ay nabaluktot ang tuhod ko dahil sa malakas na pagtama sa dashboard. Ang malakas na pwersa ng aksidente ay resulta ng pagkapunit ng ligament doon kung kaya't nawalan ako ng kakayahang ilakad ang kanan kong paa. Kahit dumaan na ako sa samu't saring therapy ay hindi na bumalik ang paglakad ko sa dati. Nakakapasok ako sa paaralan pero parang kulang dahil hindi na ako makapaglaro ng paborito kong sports, ang Judo. Sabi ng doctor ko ay may pag-asa pa. Kailangan ko lang daw sumailalim sa isang operasyon upang masiguro ang paggaling ko. Iyon nga lang ay kailangan ko maglaan ng malaking halaga. Bagay na imposible sa ngayon dahil wala na si tatay na sumusuporta sa aming pinansyal na pangangailangan. Ang nanay ko naman ay bigla na lang naglahong parang bula matapos niyang magpunta sa ibang bansa para maghanap buhay. Para sa amin daw ang pag alis niya subalit halos limang taon naman na siyang hindi nagpapakita. Sabi ng ibang kamag anak namin ay nag asawa na daw siya ng iba doon at tuluyan na kaming inabandona. Simula nang yumao si tatay ay kinupkop na kami ng nakakatandang kapatid niyang si Ninang Rosie. Itinuring na niya kaming tunay na anak dahil hindi na siya nabiyayaan ng pagkakataong makapag asawa. Inilaan na rin niya ang buhay niya sa pag aalaga ng lola ko na tumatanda na. Tulad nga ngayon ay nasa hospital pa siya at nakabantay kay Inang Pabeng. Inatake kasi ito sa puso noong nakaraang araw dala na rin ng mataas na presyon. Maliban sa pagtulong ni Ninang Rosie sa amin ay madalas din magpadala ng tulong ang isa pa nilang kapatid na nasa Cebu City, si Tiyang Remy na kakambal niya. Naging masalimuot man ang buhay namin ay hindi ko kahit kailan man sinisi ang Diyos. Nagpapasalamat pa nga ako at binigyan niya kami ng isa pang pagkakataon para ituloy ang aming buhay. "Kuya ano ang nangyari sa ‘yo?" tanong ulit ni Sandra no’ng hindi agad ako nakasagot. "Okay lang ako! Huwag ka ngang masyadong mag-alala sa kuya mo. Nahiwa lang ako ng maliit! Hindi naman masakit!" nagmamatapang na sagot ko. "Hindi daw masakit, eh, narinig ko naman siyang halos tumili na kanina!" Natatawang biro niya habang nanggagabay siya sa upuan. "Para nagulat lang tumili na agad? Ang totoo, hindi ko lang talaga matagalan ang makakita ng dugo lalo na at galing pa sa katawan ko!" Natatawang sagot ko din habang tinatalian ko ng tela ‘yung daliri ko. "Sorry kuya ha. Ang mga gawain tulad ng pagluluto ay ako dapat ang gumagawa. Pero dahil sa kalagayan ko ngayon hindi ko na yan kayang gawin kaya ikaw tuloy ang laging naaabala," malungkot na sagot niya sa akin. Alam ko na kahit tanggap na ni Sandra ang sitwasyon niya ay hindi pa rin niya maiwasang manghinayang sa mga panahong nakakakita sana siya. Hilig kasi talaga niya ang magluto pati na ang pumasok sa eskwela. Subalit dahil nga sa kalakagayan niya ay tumigil na muna siya sa pag aaral. Tanging ang paggagantsilyo ang napaglilibangan niya sa araw araw. "Mas masarap naman kasi ako magluto sayo kaya dapat na ako talaga ang nagluluto!" Biro ko sa kaniya sabay mahinang pagkatok ng saklay ko sa ulo niya. Mas gusto ko pa ang mag himig mayabang kaysa maramdaman niya na naaawa ako sa kanya. Ayoko kasing isipin niya na pabigat siya sa amin. Madalas ko kasi nararamdaman ang mga rejection na tulad non kaya gusto ko umakto na lang na natural sa harapan niya. Gusto kong maging normal pa din kami kahit paano. Kahit ang totoo maraming beses kong pinipigilan ang umiyak dahil sa awa sa kalagayan naming magkapatid. "Kuya naman eh! Magbubuhat na nga lang ng sariling bangko may kasama pang pananakit ng kapwa!" Angal niya sabay katok ng kanyang baba. Ganoon daw kasi yon, pag may kumatok sa ulo mo ay kailangan mo naman katukin ang baba mo pataas para magkasalubong ang pressure. Sa ganoong paraan ay maiiwasan mo ang maging bobo. "Totoo lang ‘yung sinsabi ko kahit itanong mo pa kay Inang Pabeng paglabas niya ng hospital sa susunod na araw. Mas gusto niya ang luto kong tamang-tama ang timpla kaysa sa malasang pagluluto mo," pagmamalaki ko pa sa kanya. "Oo na! Oo na! Ikaw na ang magaling magluto pero hindi magaling magsarado ng mga pintuan," natatawang salo ni Kimberly na bigla na lang sumulpot sa kusina. "Hindi ko pala naisara ‘yung pintuan? Naku, patay baka lumabas ng kalsada si Browny!" nag-aalalang sabi ko. Nagmamadali kong inayos ang saklay ko para lumabas at i-check ang aso naming pasaway. Makulit kasi ‘yon at mahilig manghabol ng di kakilala kaya madalas ay muntik muntik masagasaan. Mahal na mahal pa naman ni Ninang Rosie ang asong ‘yon na parang anak na rin niya. "Okay na! Pinapasok ko na si Browny sa bakuran nyo at itinali ko na rin. Alam nyo naman ang asong ‘yon paborito ‘yung maganda niyang kapitbahay kaya naging masunurin!" biro pa ni Kim habang ipinapatong ang dala niyang ulam sa mesa. "Alam ko close kayo ni Browny! Mabait talaga ‘yon sa kahawig niya eh," biro ko na agad na ikinabusangot niya. "Che! Hoy Kiyong ha! Ako nag magandang loob lang na dalan kayo ng ulam ng kapatid mo kaya huwag kang ano diyan!" mataray na sagot niya sa akin at umirap pa. Natatawang napailing ako sabay bulong ng salitang "pikon". Bale, kaklase ko si Kimberly sa kolehiyo. Noon ay hindi naman kami gaanong nagpapansinan. Napalapit lang kami sa isa't isa dahil maliban sa malapit lang ang bahay nila dito ay inaanak din siya ni ninang Rosie. Noon pa man ay madalas na siyang tumambay dito kaya no’ng lumipat kami ay nakagaanan niya ng loob si Sandra at parang naging kabarkada na. "Teka huwag kayong mag away!" pigil sa amin ni Sandra. "Sige ,kayo rin! Hindi n’yo ba alam na pagmadalas magbangayan ang isang lalaki at isang babae, madalas sila ‘yung nagkakatuluyan?" "Huh? Ikaw nga Sandra lubayan mo na ang pakikinig ng mga drama sa radio sa tanghali. Iba na ‘yung nagiging epekto sa ‘yo!" natatawang biro ko. "Siya nga naman Sandra. ‘Tsaka kahit siguro kuya mo na lang ang natitirang lalaki sa buong mundo baka hindi ko siya patulan!" sagot naman ni Kim na halatang naiinis pa rin sa akin. "Hindi mo pa diniretso na ayaw mo sa pilay!" pahaging ko sa kanya. "Di bale sanang pilay o kahit lumpo pa basta huwag lang bully!" sagot naman agad niya. "Uy teka lang, ate at kuya ko. Baka naman magkapikunan na kayo n’yan, ha? Masama ‘yon!" nag-aalalang sabi ni Sandra. "Ang mas mabuti pa ay kumain na lang muna kaya tayo? Mukhang masarap ‘yung dalang ulam ni ate Kim, eh. Ang bango bngo kasi!" pag-iiba pa niya ng usapan habang sumisinghot pa. "Sige, kumain na kayo. Mamaya na lang ako. Kailangang ko pa kasing lutuin ang ulam na to at dadalhin ko ‘to sa hospital, panghapunan," pagtanggi ko. "Ako na ang magluluto niyan. Kumain ka na rin!" presinta ni Kim at lumapit siya sa akin. "Tingnan mo nga, mukhang madugo na agad ‘yung injury mo. Baka maging tinumis imbis na adobo tong menu mo," pambu-bully niya sa akin habang nakatingin sa daliri ko. Medyo halata na kasi sa telang inilagay ko ang pagdurugo. Wala na akong nagawa no’ng naghugas siya ng kamay at ituloy niya ang ginagawa kong paghihiwa ng sangkap kanina. Kumakain kami nang marinig namin ang malakas na pagtahol ni Browny sa labas. "Titingnan ko muna kung sino ‘yung tinatahulan ni Browny," paalam ko sa kanila at tinungo ko ‘yung labasan. "Browny naman! Tirik na tirik pa ‘yung araw pero ‘yung pagtahol mo pangmadaling-araw na, ah!" bawal ko sa kanya. Ibig kong sabihin ay para siyang nakakita ng multo kahit maliwanag pa. Ang aso daw kasi ‘pag gabi na ay doble ang talas ng pakiramdam. Ang mga mata nila ay nakakikita ng hindi nakikita ng mga tao. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook