bc

Past Your Street

book_age16+
89
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dominant
inspirational
boss
drama
bxg
ambitious
office/work place
colleagues to lovers
waitress
like
intro-logo
Blurb

An unexpected love abroad. A street full of colorful lights. A sweet and beautiful smiles will turn to tears. A wrong instinct that will kill you from sadness and all happiness will come to an end.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Third Person’s POV Sa isang makipot, marumi, delikado at nakakatakot na makitid na daang puno ng adik o squatter sa madaling sabi, ay matatagpuan sa kaduluhan nito ang isang pamilyang puno ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sa isa’t-isa. Pagmamahal na hindi kailanman masisira ng kahit na anong problema. Pamilyang matatag at may masayang pagsasama. Lumaki man sa hirap ang limang anak nina Jonie at Milda, ay napalaki naman nila ito nang mabuti, lalo na ang kanilang panganay na si Jenlie. Kahit na pa-sideline-sideline lang ang mga ito sa pamamasada at pagiging labandera ay nagawa nila itong mapagtapos sa pag-aaral. Gaano man kahirap ay unti-unti nilang itong naabot, gamit lamang ang sipag at tiyaga. Alam ng dalawa ang hirap nang walang napag-aralan kaya’t kung maaari ay kakayanin nilang mapagtapos ang mga ito sa kolehiyo. Ayaw nilang matulad ang mga ito sa kanila, na kinukutsa-kutsa dahil walang natuntong sa buhay at marumi kung tingnan, kagaya nila dati. Masakit para sa isang magulang na minamaliit ng iba ang kanilang mga bunga. Nag-iisa man silang pamilyang Delgencio sa kanilang compound ay hindi iyon naging hadlang dahil magaling silang makisama sa mga tao. Naturingan sila sa pagiging pala-kaibigan, na siyang minana ng kanilang mga anak lalo na ang panganay. Kilala sila dito sa pagiging matalino at madiskarte sa buhay, dahil sa murang edad ay mulat na sila sa kahirapan. MULA sa kanto, habang naglalaro sa kaniyang selpon, ay napalingon ang isang batang lalaki sa may daan nang marinig ang pamilyar na tunog. Sa mga sandaling iyon ay napangiti na lamang siya at saka tumayo’t tumakbo sa isang makipot na daanan. May kalayuan din mula roon ang kaniyang tinakbo hanggang makarating siya sa isang maliit, tagpi-tagpi ngunit malinis na bahay. Mabilis naman siyang nakapasok dito pagkabukas niya sa tarangkahan na gawa sa kawayan. “Ate Jen! Naroon na po si Tatay, sa may kanto, kadarating lang.” Sigaw nito pagkabukas ng pinto. “Talaga?!” sagot naman ng isang magandang babae sa tonong may pagkagulat. “Opo, promise! Kabisado ko naman iyong motor na pinampapasada ni Tatay. Ate, malayo pa lang, magpapantig na ‘tong mga tenga ko. Alam mo naman ang tunog niyon, parang sirang radyo dahil sa butas-butas na tambuntso,” natatawa pang anito. “Hay naku! Oo, na lang. Ikaw talaga, Junwell, lagi mo na lang kinakantyawan iyong tricycle ni Tatay,” sagot naman ng isang lalaking nagngangalang Justin, saka kinutusan ang kapatid. Abala sila ngayon sa pag-aayos ng mga gamit at mga kakailanganin ng nakakatandang kapatid nilang si Jen o mas kilala bilang Jenlie. Tinutulungan nila itong maihanda ang lahat, para sa pag-alis nito papuntang abroad. “Kaya nga! May sira yata sa ulo ang batang ‘yan eh?” pagsang-ayon naman ng isapa sa kanilang kapatid na si Aiza. “Ikaw bata ka, tawagin mo na lang si Nanay kila Aling Martha. Kung anu-anong pinagsasasabi mo d’yan,” saad pa ng pangalawang lalaki sa kanilang magkakapatid na si Andres, sa bunsong kapatid na si Junwell. “Totoo naman kas-“ Sasagot pa sana ang bunso nang itapat nila ang hintuturo sa kanilang mga bibig upang pigilan na itong magsalita. Minsan kasi ay mayroong pagkakulit ang dila ng batang ito. Imbis naman na mainis ay napakamot na lang siya sa kaniyang batok bago tumalikod at sundin ang kanilang utos. “Sige na nga lang!” Nang makaalis ang kanilang bunso ay agad naman silang nagtawanan at napa-apir sa isa’t-isa. Hindi ang tunog ng tricycle ng kanilang ama ang dahilan, kun’di ang mukha nito kapag napagsasabihan. Nangungunot kasi ang noo nito at nagpu-puppy eyes at napakainosente ng itsura, pero kabaliktaran naman nito. Ngunit dahil sa bata pa nga ito sa edad na siyam, ay iniintindi na lamang nila. “Iyong batang ‘yon talaga, hindi nadadala. Nagmana ba ‘yon sa’yo, Ate?” natatawang ani Aiza, ang bunsong babae at pangatlo sa kanilang limang magkakapatid. “Hoy… Bruha ka! Hindi lang ako ang magaling bumunganga dito, ano? Palibhasa, dinaig pa ng bibig mo iyong kanyon na ginamit pa noong world war two,” sambit naman ni Jenlie at tinapunan ng damit ang mukha ng kapatid. Nagtawanan lang naman silang lahat habang paulit-ulit na kinakantyawan ang isa. “Kung makatawa ka naman d’yan, Kuya Justin eh, ‘di ka nga makabasag ng pinggan. Ikaw ‘yung laging tahimik dito sa bahay. Matanong nga kita, hindi ka ba bored sa buhay mo?” ganti naman ni Aiza, sa kapatid na labis kung matawa sa kaniya. Inilagay naman nito ang kaniyang hintuturo sa kaniyang sintido, na kunwari’y nag-iisip. “Uhm… Hindi naman, Aiza, medyo lang,” sagot naman nito at saka malakas na tumawa, nahampas pa nga nito si Andres dahil doon. “Aray naman, Kuya,” daing naman nito. Humingi din naman siya ng tawad sa kapatid bago tumayo mula sa pagkakaupo. “Tumigil na nga kayong tatlo d’yan. Ilabas niyo na lang ‘yang mga maleta o ‘di kaya naman ay ipunta niyo na doon kay Tatay. Ido-double check ko lang itong mga papeles ko. Mahirap at baka hindi pa ako matuloy sa flight ko eh, ang laki pa naman ng gastos natin dito.” ani Jenlie sa mga kapatid. Gano’n man sila magbiruan ngunit may respeto sila sa kanilang panganay dahil para na din kasi nila itong ina, Siya ang nagbigay ng baon, upa sa maliit nilang bahay at mga gastusin sa kusina. Mayroon din namang part time work sina Justin at Andres, ngunit hindi na niya ito pinakikialaman. Mas kailangan nila iyon lalo na’t nasa kolehiyo at senior high school na silang dalawa. “Sige po,” sagot ng dalawang lalaki at saka binuhat ang isang malaking maleta at isa ding medyo may kalakihang bag. “Ate, susundan ko lang din bunso, para tawagin si Nanay,” pagpapaalam naman ni Aiza, na tinanguan na lamang niya. Nang makaalis ang mga kapatid ay agad na niyang tiningnan ang mga papeles niya sa isang kulay brown na envelope. Mabilis naman niya iyong nagawa at kumpleto naman lahat dahil inayos na din niya ito kagabi. Matapos naman iyon ay ipinatong na niya ito sa kaniyang sling bag, na tatlong taon nang nasa kaniya ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ay bag pa niya ito noong nagpa-practice teaching siya. Dahil doon ay napangiti na lamang siya. Sa isip-isip niya ay makakabili din siya ng bagong bag, hindi lang para sa kaniya, kun’di ay para sa kaniyang pamilya at higit pa doon. Pagkasukbit naman ng kaniyang bag sa balikat ay napahinga na lamang siya nang malalim habang pinagmamasdan ang kaniyang paligid. Mula sa mga kurtina na nagsisilbing takip sa kanilang pintuan at bintana, sa kanilang bubong na maraming tulo kapag umuulan at ang tagpi-tagpi nilang dingding. Mapait na lamang siyang napangiti ulit. ‘Sa desisyon kong magtrabaho sa ibang bansa at lumayo, sana naman ay magbunga ito ng maganda. At gagawin ko ang lahat para sa kanila…para sa amin,’ sa isip-isip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook