CHAPTER 6

1021 Words
Milda's POV Hindi ko pagilang umiyak sa tuwing sasapit na naman ang dilim. Hindi ko pinangarap na ganito ang lahat ng mangyayari sa amin matapos akong itakwil ng sarili kong pamilya, dahil mas pinili ko ang aking asawa kaysa sa kanila. Ngunit kahit na ganito ang nangyari ay wala akong pagsisisi, kung mayroon man ay iyong makita ko nagugutom at nahihirapan ang anak ko. Walang inang gusto o masayang nakikitang nahihirapan ang kanilang mga anak, kaya ginagawa ko lagi ang makakaya upang mabigyan siya ng pagkain araw-araw. Masakit mang isipin at tingnan, ngunit wala akong magawa kun'di bigyan siya ng tira ng iba. Anim na taon na ang anak ko at anim na taon na rin akobg nagbabakasakaling makahanap ng matutuluyan at mapagtatrabahuan upang tustisan siya nang lumaki itong normal. Mahirap mang tanggapin ngunit pagkasilang pa lang ay nagdusa na agad ang anak ko dahil sa amin. Walang gabing hindi ako umiiyak sa tuwing makikita ko siya nahihimbing na walang laman ang tiyan. Ang sakit-sakit sa loob ko na hinuhusgaan siya ng mga tao at sinasaktan sa mura niyang edad. Ayokong lumaki dito ang anak ko, kaya laging kong ipinapanalangin na sana'y tanggapin na kami ng pamilya ko lalong-lalo na ang aking ama. Sana'y maalis na ang galit at pagkamuhi nila sa asawa ko. Sabi ko nga ay kahit sa akin na lang sila magalit 'wag lang sa kanila ni Jenlie, dahil ako naman ang sumuway sa kanila noong una pa lang. Ayaw-ayaw kong minamaliit ang pamilya ko dahil labis na kay bigat sa pakiramdam na hindi nila sila gusto, na siya tinuturing kong ginto sa buhay ko. Pero kahit na gano'n ay unti-unti ko na lamang tinatanggap dahil nawawalan na rin ako ng pag-asa na kaya silang mahalin ng aking pamilya. Ngayon ay pinagbibigyang pansin ko na lamang ang pagbabakasakaling makakuha ng marangal nantrabaho, para kahit papaano ay masuportahan ko man lang nang maayos ang aking anak. Gusto kong maabot niya din ang mga pangarap niya, hindi kagaya sa akin na naging mailap ang takbo ng buhay. Pero masayang-masaya ako dahil dumating silang dalawa ng tatay niya upang bigyan ng kulay ang madilim kong mundo. Ang hirap mang makaraos pero nandoon pa rin sa bibig ko iyong ngiting walang kapantay kapag nakikita ko sila. Hindi namin ginusto ang lahat ng ito ng aking asawa, sadyang wala lang kaming magawa dahil patuloy pa rin kaming kinakamuhian ng iba. Maraming beses akong sumubok na mamasukan sa isang tindahan, pero sinabihan lamang agad akong magnanakaw. Sinubukan kong pumasok sa isang kainan, pero hindi daw pwede doon ang isang pulubi at baka mawalan lamang sila ng customer dahil sa kabahuan. Maraming beses akong sumubok sa iba't ibang trabaho pero sadyang wala akong magaqa kun'di tanggapin na lamang na isa akong mababang uri ng tao. Pakiramdam noong mga araw na iyon ay isa lamang ayokong dumi na pilit iniiwasan at pinandidirihan. Hindi ko maintindihan, pero ang tingin nila sa amin ay malayong-malayong kakaiba sa normal. Para kaming may malubhang sakit na patuloy iniiwasan. Awang-awa ako sa sarili ko at sa bigat ng aking kalooban ay hindi ko na lamang mapigilang umiyak. Tao din naman kami perl sadyang walang-wala lamang sa buhay, pero bakit gano'n? Bakit parang iba kami sa kanila? Kami na nga 'yung nahihirapan sa buhay pero bakit kami pa rin ang sumasalo ng mga pasakit at pang-aapi? Bakit kailangan naming magdusa kung maaari naman nila kaming mahalin? Ang dami kong bakit pero alam ko sa isip ko kung anong sagot, iyon ay dahil tingin nila'y isa lamang kaming tamad sa buhay at gusto lamang humuthot sa iba. Sa tingin nila'y ang sama-sama namin kahit na hindi nila kami kilala. Nandoon lagi iyong panghuhusga at napakadali lang naming sukat batay sa itsura. Sa mga pagkakataong iyon ay inisip ko na lamang na walang perpekto sa mundo. Sadyang malupit lang talaga ang tadhana sa amin dahil kami ang sumasalo aa mga hinanaing ng iba, kagaya na lamang ng ginawa nila sa asawa ko. Gabi noon ay inabutan na kami ng gabi sa paghahanap ng lugar upang doon pumwesto at makapagpahinga, pero nakasalamuha kami ng mga lalaking lasing. Ang akala namin ay lalagpasan lang nila kami pero bigla na lamang silang pinukpok ng bote at binugbog, sa pagkakaakalang siya ang kaaway ng mga ito. Buong akala ko noon ay maaga na akong mawawalan ng asawa pero sadyang napakabait ng Diyos, dahil biglang may mga dumating na tanod. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi kasing dali lang ng lahat, dahil hinuli din nila kami kahit na kami'y biktima din lamang. Kinabukasan niyon ay pinagtrabaho pa kami bago makaalis dahil nakagambala daw kami ng mga tao sa kanilang pagtulog, habang hindi malang nila ginamot ang mga sugat ng asawa ko. Hindi ko ugaling mag-ipon ng sama ng loob, kaya patuloy lamang ako sa pag-iyak. Sa oras na ito ay bigla na namang bumalik sa aking isipan ang nangyari nitong mga nagdaang araw noong kendi lamang ang kaya kong ipakain sa aking anak. Gusto kong humagulhol nang mga oras na iyon, pero ayaw kong makita niya akong umiiyak. Ayokong pati ang anak ko ay maawa na rin sa akin sa mga pagkakataong labis akong naghihinagpis sa sitwasyon namin. Ayokong umiyak din siya nang dahil sa akin, kaya upang hindi na siya mag-alala ay tinanong ko na lamang siya kung nais niyang makapasok sa eskwelahan at makapag-aral. Pero ang lahat ng kaniyang sagot ay mas nagpalala lamang sa aking nararamdaman. Sa bawat pagngiti niya nang mga oras na iyon ay doon naman ako naglakas loob na sumubok muli. Kung kaya ng tatay niya ay kakayanin ko pa rin ngayon, nang sa gano'n ay mabigyan namin siya ng isang normal na pamumuhay at hindi lamang sa tira-tira nabubusog at sa bangketa natutulog. Gusto ko ding mabigyan siya ng maayos na tulog at walang bakas ng mga kagat ng lamok sa kaniya katawan. Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat ng wala kami at pagsisikapan ang mga iyon. Hindi pa man ngayon iyon darating pero alam kong may awa ang Diyos sa lahat ng kaniyang mga anak at patuloy akong kumakapit sa kaniya upang malagpasan din namin ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD