Third Person's POV
Sa gabing iyon ay nahirapan na namamg makatulog si Aling Milda dahill sa pag-iyak at tila ba patuloy siyang pinaparusahan sa kaniyang buhay. Mula noon ay labis-labis na ang kaniyang pinagdaanan. Dahil sa pagod at hirap ay talaga namang ibinubuhus niya ang kaniyang mga hinananakit. Ayaw na ayaw niya itong ipunin dahil mas lalo lamang siyang mahihirapan, kaya lagi siyang umiiyak at pinipili na lamang magpakatatag.
Ang isang inang katulad niya hindi hindi mapapantayan, gaaano man siya kawalan ng swerte sa buhay. Sa kabila ng paninirahan sa kariton at pangangalakal ay hindi niya pa rin sinusukuan ang kaniyang pamilya. Naroon pa rin ang pagmamahal niya sa mga ito, na hindi masusukat ng kahit na sino man.
Kahit na pilit siya pinagtatabuyan ng tadhana ay patiloy pa rin siya sa paglaban. Gustong-gusto niyang makaahon mula sa kasalukuyan nilang estado. Gusto niyang mabigyan ng mapayapang pamumuhay ang kaniyang mag-ama, dahil pagod na pagod na rin siyang pagtulak ng kariton at magkalkal ng basura. Pagod na siyang sa kanilang sitwasyon pero wala siyang magawa dahil na rin sa walang nagtitiwala sa kaniyang kakayahan.
Ngunit sa bawat araw na gigising siya ay mas lalo siyang tumitibay at nagkakaroon ng pag-asa, hanggang sa makilala nila si Aling Martha. Maluwag ang pakiramdam niya dito at sadyang mabait talaga, dahil hindi lamang sa araw na iyon sila tinukungan nito. Naging mas madalas ang pagbibigay nito ng mga pagkarmin at ilang mga damit, pero hindi nila ito nakikita upang mapasalamatan. Kapag aalis sila ng kaniyang anak upang mangalakal ay babalik naman silang may pagkain na sa kanilang kariton at laging may papel na nakasulat doon na nagmula ito sa ginang.
Nang mga oras na iyon ay laking pasasalamat niya sa Diyos, dahil kahit papaano'y dininig nito ang kaniyang mga panalangin. Nagbigay na ng isang instrumento ang panginoon sa kanila upang mabigyan ng tulong, pag-unawa at higit sa lahat ay ang pagtanggap mula sa kalooban ng puso. Masayang-masaya siya lalo na kapag naiisip niya ang kaniyang pangarap para sa pamilya. Natutuwa siya kapag nakikita nito sa kaniyang isip na masayang nakakapaglaro ang anak, maayos na nakakakain at malayang makapag-aral upang abutin ang kaniyang mga pangarap. Ang tangi nitong pangarap ay malapit kaniya na ngayong sisimulan, na sipat at tiyaga lamang ang puhunan.
Masaya nilang pinagsaluhan ng kaniyang anak ang mga pagkaing iyon, pero sa kabila noon ay nandoon pa rin ang panghihinayang dahil sa hindi nila nakasalo ang kanilang padre de pamilya. Gano'n pa man ay hangad nila ang kaligtasan at kalusugan nito, habang malayo ito sa kanila. Sana'y sa mabilis na panahon ay makabalik na din ito agad dahil miss na miss na din nila ito at makasama sa pagtulog tulad ng gabing ito ngayon.
"Good night, anak!" pagbati ni Aling Milda sa kaniyang anak at saka ito niyakap.
"Good night din, 'Nay, pati na kay Tatay!" sagot naman ni Jenlie sa kaniyang ina at sumiksik dito.
Lumipas ang gabing iyon nang maluwag at doon lamang hindi tumulo ang luha ni Aling Milda, sapagkat naramdaman niyang may handang magmahal at tumulong pa rin sa kanila kahit naang tingin sa kanila ng iba ay hindi normal. Masaya at puno ang kanilang tiyan ni Jenlie, kung kayat mahimbing silang nagpalipas ng gabi. Pinuno ng pagmamahal ang kanilang mga puso at niyakap ng pagmamalasakit.
Kinaumagahan ay maaga sila lumabas ni Jenlie, dahil maghahanap sila ngayon ng bagong mapagkikitaan ng pera, maliban sa pangangalakal ng basura. Maaga din silang gumayak kanina at naglinis ng katawan at ngayon hindi mo masasabing sa pangketa lamang sila nakatira dahil napakaayos nilang tingnan. Mula sa mga malinis at makulay na blouse at magagandang sapin ay lumilitaw ang kanilang natatagong kagandahan. Para silang mga mayayaman maputi ang mag-ina at talaga naman may shape din ang katawa lalong-lalo na itong si Aling Milda.
Lingid man sa kaalaman ng lahat ngunit sumasali ito sa mga school pageants noong high school at palagi siyang nananalo. Doon niya din napaibig ang kaniyang asawang si Mang Jonie, dahil sa angkin niyang kagandahan, kabaitan at katalinuhan. Isa din siya sa mga honor student, at maimpluwensya dahil sa mga pagtuturo niya sa mga kapwa mag-aaral ng mga aralin lalong-lalo na sa matematika. Kung pinalad lamang siya ay sigurong isa na din siyang guro ngayon, ngunit hindi siguro iyon para sa kaniya at nawa'y matupad ito ng kaniyang anak dahil pagtuturo din ang kagustuhan nito.
Sa murang edad naman si Jenlie ay namukat na siya sa ganitong buhay. Alam ng kaniyang ina na isa siyang masunurin, mainawain at mabait na anak dahil isa salita lamang ay nakikinig ito at sumusunod kaagad. Dahil sa hirap ng buhay ay napakasaya na nito sa mga simpleng bagay lalo na sa paborito niyang white rabbit na kendi. Labis-labis na ang tuwang nararamdaman niya tuwing ibibili siya nito ni Aling Milda, sa tuwing may sosobra sa kanilang kita sa pangangalakal.
Para silang pinagbiyak na buko ng kaniyang ina at dahil ang mga mata lamang nito ang naman niya sa kaniyang Tatay Jonie, na talaga namang sadyang ding napaunawain. Sa edad namang anim ni Jenlie ay masasabi mo talagang maganda ang bata kahit pa maliit ang kaniyang katawan, dahil sa kawalan ng sapat na pagkain. Lalo na ngayong araw ay para siyang isang munting prinsesa sa modernong mundo. Hindi mo siya makikilalang pulubi at sa loob-loob niya nagpapasalamat kay Aling Martha, dahil sa kaniya ay hindi sila tinitingnan ng masama ng mga tao bagkus ay nginingitian. Nahihiya na lamang ang bata habang nakakasalamuha ng mga taong naantig sa kanila. Pakiramdam niya nasa isa silang fairytale katulad ng mga nakikita niya sa malaking telebisyon ng mall sa labas nito.
Doon ay hinawakan na lamang niya ang kamay ng ina at sumunod kung saan man sila pupunta. Wala siyang ideya kung saan iyon at hindi naman siya matanong ang ina sapagkat maingay ang paligid, ngunit ang sabi nila'y maglilibot-libot daw sila upang humanap ng pera. Sa isip ng bata ay ang pangangalakal ngunit wala naman silang dalang sako at malinis sila ngayong tingnan. Nilalagpasan din nila ang mga basurahan may maraming lamang plastic na pwedeng mapagkakitaan.
'Kung saan man kami pupunta ay bahala na sila nanay ay alam kong masaya,' anang bata sa kaniyang isip habang nakahawak pa rin sa kalnang kamay ng ina.