Milda's POV
Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang sinusuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ng anak ko. Ngayon ay nahihimbing na siya sa pagtulog at malalim na rin ang gabi sapagkat wala ng taong dumadaang sa mga kalye at tanging mga malalaking cargo truck na lamang ang dumadaan sa malawak na kalsadang nasa harapan namin. Kahit gaano ko pilitin ang sarili kong pumikit at matulog ay hindi ko magawang makatulog, dahil patuloy ko pa ring naiisip ang nangyari kanina. Parang tumatambol pa rin ang t***k ng puso ko sa labis na katuwaan dahil sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng maayos na trabaho at hindi na iyon magtatagal.
Kung dati'y natatakot akong mag-isa dito sa madilim na gilid ng kalsada ay hindi na ngayon, dahil nagkaroon na ako ng pag-asa at tatag ng loob sa bawat araw at gabing lumilipas na panunuluyan namin dito. Katulad ng punding bumbilya ng streetlight ay napalitan na ito at 'tulad ko ay napalitan na rin ang dating ako na kumukubli lamang at nagtatago dahil sa takot na baka kung anong mangyari. Ang sitwasypn din pala naming ito ang huhubog sa aking sarili upang makapagsimula ng bagong yugto ng aming buhay. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon din ako ng isang kaibigan, na mula noong itinakwil kami ng aking pamilya ay siya pa lamang ang taong lumapit at tumulong sa amin, iyon ay si Martha.
Dahil sa mga bagay na iyon ay bigla akong nakaramdam ng init sa aking mga mata at doon ko lamang napagtantong umiiyak na pala ako. Kahit na sino naman siguro ay maiiyak kung sarili mo ba namang magulang ay palayasin ka dahil lamang sa bagay na madali lang naman solusyonan. Sino ba namang hindi masasaktan kung makikita mong muhing-muhi na sila sa'yo, na parang wala ka ng ibang ginawa kun'di kahihiyan sa pamilya.
Ang kaninang saya at panibagong pag-asa ay biglang napalitan ng walang katumbas na sakit. Kahit ilang beses kong sabihin natanggap ko na ay hinding-hindi sumasabay ang puso ko dahil hindi pa rin naghihilom malalim na sugat ng nakaraan. Kahit sabihin kong matagal na iyon, pero patuloy ang isip ko sa pag-aalala sa kanila dahil pamilya pa rin ang turing ko sa mga ito. Kahit gano'n ang ginawa nila sa akin o sa amin ng asawa't anak ko ay patuloy ko pa rin silang mamahalin dahil wala ako sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila. Nandoon pa rin ang respeto ko sa mga magulang ko lalong-lalo na ang aking ama, na ngayon ay para na lamang akong bulok na prutas at marahas na itinapon sa basurahan.
Bakit gano'n? Pinili na naming lumayo, pero patuloy pa rin kaming sinusundan ng sakit na dala ng nakaraan. Ang dami na naming hirap na pinagdaanan at hindi pa rin iyon nagwawakasan. Hanggang ngayon ay parang pinagsisisi pa rin ako, pero hind-hindi mangyayari iyon dahil sila ang kaligayahan ko, ang binuo kong pamilya ang natatangi kong ginto na siyang aking maiingatan. Hindi na baleng ako na lang ang umako sa lahat 'wag lang sila pero huli na ang lahat noong una pa lang. Hindi pa man lumalabas ang anak ko ay kabalikat na niya ang galit ng aking mga pinagmulan, gano'n siya nila kinamumuhian.
Dahil sa doon ay napabalik-tanaw ako sa mga nangyari.
"Ano?!" tanong ng tatay ko at doon ay lumapat ang malabakal niya kamay sa pisngi ko. Napakaling ako sa aking kanan dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Gusto kong umiyak nang mga oras iyon ngunit pinigilan ko, pero binawi ang mga salitan iyon nang bigla niya ang maharas na sabunutan. "Ulitin mo nga 'yung sinabi mo, Milda?!"
"'Tay... b-buntis po a-ako," nauutal kong saad habang hawak-hawak ko rin ang kamay niyang humihila sa buhok ko.
Hindi ito ang unang beses na sabunutan at sampalin ako ng tatay ko dahil bata pa lang kami ay sadyang malupit na siyang klase ng ama. Lumaki kaming ang bawat kakainin mo dito sa bahay ay kailangan mong paghirapan. Dahil maagang nawala ang aming ina ay dinisiplina niya kami sa pinakaistriktong pamamaraan. Maraming bawal ang kailangan mong sundin na mas malala pa sa batas militar.
"Napakatanga mo talagang babae ka! Sayang lang ang paghihirap ko sa pagpapa-aral sa'yo! Wala kang pinagkaiba sa nanay mong linta!" nanggagalaiti niyang saad at madiing idinikit ang ulo ko sa matigas na pader.
"'T-Tay, nasasaktan po ako!" pagmamakaawa ko sa kaniya habang tinitiis ang sakit ng pagkakakiskis ng kanang pisngi ko sa magaspang na pader.
Hanggang kailan niya ba sasabihin pinaghirapan niya ang pag-aaral ko? Kailan niya ba kami sinustentuhan? Kami na nga lang itong kumakayod para sa pamilya at kami na nga itong sumusustento sa mga bisyo niya! Kailan ba siya naghirap para sa aming mga anak niya? Anak nga ba kaming maituturing niya o aliping patuloy na inaalila?
"'Tay, tama na po nasasaktan si Ate!" pag-aawat ni Dexter, ang pangalawa kong kapatid pero malakas lamang siya itinulak ni tatay at dumadausdos ito malapit sa pinto.
"Sige! Subukan niyong kampihan 'tong malandi niyong kapatid at sabay-sabay ko kayong palalayasin!" Galit na galit niyang sambit at madiing itinuro ang ulo ko.
"'Tay, p-parang a-awa niyo na p-po, nasasaktan a-ako!" humihikbi kong pagmamakaawa sa kaniya habang hila-hila pa rin nito ang buhok ko.
Malakas akong napahagulhol nang mga oras na hilain niya ako palabas at malakas na itinulak, mabuti na lamang at mabilis kong naiyukod ang mga kamay ko upang hindi ako bumagsak nang paupo. Ramdam na ramdam ko ang nag-aapoy na galit sa kaniya ekspresyon at ang mga pumapatay niyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay hindi isang ama ang nakikita ko, kun'di isang demonyong kayang pumatay ng mga anak niya.
Mas lalo pa akong napahiyaw nang tadyakan niya si Dexter at pagsusuntukin. Doon ako natakot nang sumuka ng pulang-pulang mga dugo ang kapatid ko. Hindi ko alam pero natuod ako sa kinaroroonan ko habang nakikita ko ang kapatid kong nahihirapan sa p*******t ng aming ama.
"'Tay, tama na po! 'Tay, mamamatay na si Kuya!" Rinig ko na lamang ang malakas na sigaw ng pangatlong kapatid kong Rissa!
Dahil sa naman sa pagkakatulala ko sa aking nasaksihan ay hindi ko na namalayang itinatapon na pala sa aking harapan ang mga damit ko.
"'T-Tay, h-hindi! 'Tay, parang awa n'yo na, 'wag n'yo namang g-gawin sa akin i-ito!" saad ko habang isa-isa pinupulot ang aking mga damit sa lupa.
"Hindi kita anak, kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na tatay! Wala akong anak na higad! Nag mana ka lang talaga sa nanay mong, hayop ka! Lumayas ka dito at 'wag na 'wag ka nang babalik pa, dahil kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap o kahit pa 'yang magiging asawa't anak mo! Sige, layas!"
Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan niyang higad ng ina namin. Hindi ko maintindihannkung bakit galit na galit din siya kay nanay? Hindi ko alan kung bakit sa lahat ng anak niya'y ako ang pinahihirapan niya nang husto? Totoo bang hindi niya talaga ako anak?
"'Ta-"
"Lumayas ka na, Ate! Lumayas ka na nang hindi na kami muli pang masaktan! Dahil sa'yo ay laging binubugbog ni tatay si Kuya. Alam mo, kung hindi dahil sa'yo ay hindi nangyayari ito eh! Kaya lumayas ka na bago pa niya kami patayin! Kasalanan mo itong lahat!" Natahimik ako sa pagpuputoloy sa akin ni Rissa.
Parang akong sinaksak ng isang daang kutsilyo sa katawan dahil sa mga narinig ko sa kaniya. Sunod na sunod at walang tigil na dumaan sa pisngi ko ang mga luhang dala ng aking mga kasalanan. Hindi ako makahinga. Hindi ko magawang lumanghap ng hangin dahil naninikip ang aking dibdib sa kirot na nararamdaman ko dito. Napakuyop na lamang ako ng kamao at malakas na humiyaw.
"Ano pang ginagawa mo? 'Wag ka nang magdrama d'yan at umalis ka na! Kung wala kang awa sa sarili mo, ate, please lang naman, kahit sa amin ka na lang maawa! Ate, hirap na hiral na kami dahil sa'yo! Umalis ka na...!" mahabang hiyaw niya sa akin habang tinutulungan si Dexter na makatayo.
Hindi konalam pero kusang kumilos ang mga paa ko upang sundin siya at lumayo sa kanila. Paa-paa akong tumakbong wasak na wasak papalayo sa gitna ng kalyeng aking kinalakihan, papunta sa kung saan.
HAWAK-HAWAK ko ang mga bibig kong humihikbi upang hindi ko magising si Jenlie sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog. Ngayon ay masasabi kong kahit kailan ay hindi-hindi ko iyon makakalimutan. Tumatak na sa aking pagkatao sa bangungut ng madilim kong nakaraan. Hindi na maaalis ang lamat nito sa buhay ko.
Hinawakan ko ang mukha ng anak ko at pinunlaan ng isang matamis na halik ang kaniya noo. "Hindi mangyayari sa'yo ang ginawa nila sa akin, anak! Hinding-hindi kita itatakwil, bagkus aybpatyloy kitang susuportahan at mamahalin. Iyon ang tunay na responsibilidad ng isang magulang!"