CHAPTER 10

1042 Words
Third Perso'ns POV Ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang tao ay hinsing-hindj makakalinutan kailan man o matatakasan. Mananatli ang sakit at pighati nito sa iyong puso't isipan, ngunit 'wag kang sumuko sa buhay dahil ang lahat ng ito ay iyo nang napagdaanan. Maaaring iniisip mong panghabang buhay mo itong pagdurusa ngunit isa ito sa mga nagbibigay sa'yo ng lakas at tibay sa mga darating pang pagsubok ng iyong buhay. Dahil doon ay mas madali mong malulutas ang mga darating mo pang problema at mga balakid sa buhay. Dahil sa mabigat na isipin ay hindi na namalayan ni Aling Milda na nakatulog na pala ito sa tabi ng anak. Bakas na bakas mukha niya ang pagod at ang pag-iyak dahil sa namunula nitong ilong at mga talukal ng mata, sa kakapunas. Kahit na gano'n pa man ang nangyari sa kaniyang nakaraan ay hindi siya basta-bastang sumusuko. Sabi nga ni Aling Martha ay isa siyang kahanga-hangang ina, dahil nakaya niyang palakihin nang mabuti ang kaniyang anak sa kabila ng kawalan nila sa buhay. Nagawa niya nang mabuti ang responsilidad ng isang ina, na gabayan ang anak sa pinakamaayos, puno ng pagmamahal at walang katapusang sakripisyon para sa kaniya pamilya. Walang papantay sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak. Ang lahat ng paghihirap ay kayang saluhin ng isang ina para sa kaniya mg bunga at dahil iyon sa ayaw niyang nakikita ang mga itong nararanasan ang mga dinanas niya. Mapagprotekta ito, maunawain at hanggang kailan ay hindi ka susukuan sa mga problema mo sa buhay. Lagi lang silang nandyan upang pakinggan ka, lagi lamang silang nasa tabi mo sa tuwing kailangan na kailangan mo sila at higit sa lahat ay hinding-hindi ka nila iiwasa sa mga panahon bubul ka na ng sarili mong pamilya. Nariyan lang sila lagi at handang-handang ibigay ang lahat ng kanilang makakaya, para sa isang anak na mahal na mahal nila. Ang lahat ng pag-iingat at pag-aalaga nila sa'yo ay hindi matutumbasan ng kahit na anumang pera o kayamanan, dahil ikaw mismo ang pinakatagu-tago nilang perlas at kaligayahan. Patuloy silang magbibigay ng pag-asa sa mundong mailap para sa'yo at hinding-hindi matatapos ang kanilang pagmamahal sa'yo. SAMANTALA, habang nahihimbing ang mag-ina ay nasa daan naman na pauwin ang kaniyang padre de pamilya na si Mang Jonie. Dapat ay kaninang hapon pa siya nakauwi sa kaniyang mag-ina ngunit nag-overtime kasi sila sa pagtatrabaho sa isang construction, sa may karatig bayan. Idagdag na rin nating may kalayuan din ito sa kanila at kung tutuusin nga ay maglalakad pa siya sa pag-uwi, mabuti na lamang at isinakay siya ng kaniyang katrabaho na taga dito lang din. Maayos din naman ang kita doon at mapalad siya dahil malaki ang sinahof niya doon, upang maibili ang pamilya ng mas maayos na dami at masasarap na pagkain. Iniisip niya pa lang ang mga bagay na iyon ay napapangiti na siya, habang patuloy pa rin sa paglalakad. Malalim na ang gabi at delikado na rin ang maglakad-lakad nang mag-isa sa mga ganitong oras, kaya naman ay maingat siyang nagmamasid sa kaniyang paligid at binilisan na lamang ang paglakakad. Dahil naman sa tahimik siya sa kaniyang daan pauwi ay nakarating siyang ligtas sa kaniyang pamilya. Pagkarating niya doon ay tulong na ang kaniyang mag-ina. Napangiti na lamang siyang muli nang mapagmasdan ang maayos nilang anyo. Kung dati'y punit-punit ang dami nila ay ngayo'y hindi na, kaya napatanong na lamang ito sa kaniyang sarili kung saan sila nito nakakuha? Doon ay inisip niyang maparaan ang kaniyang asawa at baka nakakuha ito ng sideline upang makabili ng damit. Pagod man sa trabaho ngunit masilayan lang ang pamilya na nasa maayos na kalagayan ay para napawi na nito ang lahat. Miss na mis na niya ang mga ito, kung kaya't isa-isa niya silang kinintalan sa noo. Para sa kanila ay handa niyang gawin ang lahat, maibigay lamang ang pangangailangan nila. Hindi man iyon gano'n kadali ngunit pagsisikapan niya ito, mapasaya lang sila. Bago pa man mag-ayos si Mang Jonie ng kaniyang sarili at tumabi sa kaniya asawa ay ipinangako niya sa kaniyang sarili, na bibigyan niya ng magandang kinabukan ang kanilang anak. Ayaw niyang matulad ito sa kanila ng kaniyang ina, na nagkanda gulo-gulo ang buhay. Higit na lamang niyang dalangin ang maayos na pangangatawan upang makapagtrabaho siya nang maayos at sana'y magtuloy-tuloy na ang pagtatrabaho niya doon. Bago pa man siya dalawin ng antok ay napahinga na lamang siya nang malalim at yumakap sa kaniyang mag-ina. Ang pagmamahal naman ng isang ama ay parang isang matayog at matibag na pader. Walang kahit na sinuman ang kayang gumiba nito at walang papantay sa lakas ng kaniyang paniniwala upang magtagumpay sa buhay. Walang kasing lakas ang kaniya pagprotekta sa pamilya at ang pagpapahalaga nito sa kinabukasan ng mga anak. Hindi siya madaling sumuko, bagkus ay mabilis na nag-iisip ng paraan upang matustusan ang lahat ng mga minamahal. Si Mang Jonie ay isang huwarang ama, dahil sa kabila ng kakapusan sa buhay ay nanatili pa rin siya sa kaniya pamilya at pinanindigan ang kaniyang responsibilidad. Isa siyang matapang na lalaki na may prinsipyo sa buhay at inuuna ang kalagayan ng pamilya kaysa sa mga bisyong wala naman magandang dulot. Siya lamang ang nag-iisang lalaking maninindigan para sa ikabubuti at ikakapanatag ng kaniyang asawa't anak, dahil ang bawa't ama'y matatawag na super hero sa kanilang kabayanihan. Kinabukasan ay nagising si Aling Milda na nasa kaniyang tabi ang asawa ay yakap-yakap siya nito. Wala man silang mamahalin bagay na maibibigay sa isa't isa, ngunit meron silang tunay na pagmamahal bilabg regalo sa bawat isa. Na-miss niya ang kaniya mister, kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinagpatuloy na lamang niya muli ang pagtulog sa mga bisig ng kaniyang asawa. Alam niyang mas maraming gwapo at mayamang lalaki sa mundo, ngunit walang papantay sa kabaitan ng kaniya asawa. Hindi nakabatay ang pagmamahalan sa mga materyal lang na bagay, dahil ang wagas na pagmamahal ay nagmumula sa ginintuang puso ng isang tao. Doon ay mararamdaman mo ang tamis ng buhay at higit sa lahat ay ang pagiging kontento mo sa lahat ng kung anoumang meron ka. Magmahal ka hindi lang dahil sa mga bagay na meron siya, kun'di ay dahil ayaw mo siyang mawala sa piling mo at kahit kailan ay hinding-hindi mo siya ikakahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD