CHAPTER 11

211 Words
Third Person's POV "Magandang umaga, miater ko!" bati ni Aling Milda sa kaniyang asawa sa kaniyang paggising. "Magandang umaga rin, misis ko!" pagbabati naman pabalik ni Mang Jonie dito at saka binigyan ito ng mabilis na halik. Sa kanilang mag-asawa ay hindi mawalala ay ganitong mga sweet moments at gano'n nilabg kamahal ang isa't isa. Kahit kailan ay hindi nilang nakakaligtaang iparamdam na mahal na mahal nila ang isa't isa, sa pamamagitan man 'yan ng salita o kahit mga kilos. Wala man silang matatawang na home sweetie home ay mayroon naman silang maliit na kariton ay tinatawag nila itong magic carousel, na akala mo'y kabayo sa perya. Ang saya-saya kasing sumakay dito lalo na kapag mabilis na itinutulak, damang-dama mo 'yung malamig na hangin sa iyon mga balat. "Anong oras kang umuwi kagabi? Bakit hindi mo ako ginising? Kaya pala may mabigat sa tabi ko tapos, pagkamulat ko ng mata ay ikaw lang pala, Tatay!" biglang tanong naman ni Aling Milda sa asawa dahil na rin s kyuryosidad. "Sa tingin ko ay mga alas d'yes na iyon nang gabi, 'Nay. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka eh, at baka magising din si Jenlie. Alam mo namang mabilis siyang magising kapag naririnig ang boses ko, di ba?" sagot naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD