Jenlie's POV
Hindi ko lanag kung bakit pero pakirandam ko ay ang swerte-swerte ko na habang sinusulit ang lasa ng paborito kong kendi sa mga oras na iyon, ang white rabbit. Sa bawat pagsipsip ko nito ay siya namang aking pagngiti sa harapan ng aking ina. Dahil sa dala nitong tamis na sumasakop sa aking panlasa ay pakiramdam ko'y busog na ako. Pagkatapos kong maubos iyon ay pinainom na rin agad ako ni nanay ng maraming tubig nang mahugasan daw ang aking bibig at baka sumakit daw ang ngipin ko sa dala nitong tamis. Sa puntong iyon ay nawala ang pagkakalam ng aking sikmura, natatawa pa nga akong humarap sa aking ina dahil tumutunog ang aking tiyan kapag gumagalaw ako. Dahil na rin siguro iyon sa tubig kaya gano'n?
Sa pagbalik ko sa aking pagtulog ay kita ko kung paano punasin ni nanay nang palihim ang kaniyang mga mata. Sa mga oras na ito ay naisip kong dahilan ang hindi pa pag-uwi ng aking ama ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Sa hindi ko malamang dahilan ay bumangon akong muli at lunapit sa kaniya.
"'Nay, bakit ka po umiiyak?" tila nababasag na rin ang boses ko habang tinatanong ko siya. Inayos niya muna ang kaniyang sarili ngunit hindi niya makakaligtas sa pandinig ko ang mga pagsinghot niya, na siyang nagpapatunay na umiiyak nga siya.
Hinila niya ako palapit pa sa kaniya at kinandong saka niyakap. Mahal na mahal ko abg nanay ko, kaya niyakap ko rin siya pabalik.
"Wala, 'nak, masaya lang ang nanay dahil busog ka na. Anak, pangako...kapag nakahanap si nanay ng mas maayos na trabaho ay ibibili kita ng magagandang damit at papasok ka na rin sa eskwelahan. Magpapakabait ka lagi ha?" aniya at kinintalan ng halik ang aking madungis na pisngi.
"Talaga ba, 'Nay, makakapasok ba po ako sa eskwelahan? Salamat po!" mangha kong sagot sa kaniya at nagpasalamat. Dahil doon ay niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.
Pakiramdam kong isa na ako sa pinajamasayang tao sa mundo nang marinig ko iyon sa kaniya. Pangarap ko talagang makapag-aral at matuto ng mga bagay-bagay. Gustong-gusto kong magsulat, magbilang at gumuhit ng mga larawan. Sana'y makahanap din ako ng mga kaibigan doon na makakalaro araw-araw, nakakapagod din kasing mangalakak at magtulok ng karito eh, ang bigat-bigat pa naman. Iniisip ko nga kung hindi ba nabibigatan si nanay eh, ang laki-laki niya tapos ay nilalagyan pa namin ng mga bote, plastic, lata ang mga damit namin. Siguro nga ay kasing lakas ni nanay si Darna, kasi kaya niya din magbuhat ng mga mabibigat na bagay?
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang kandung-kandong ni nanay at nagising na lamang ako na nasa loob ng kariton. Maliwanag na ang paligid ko, dinig na dinig ko na rin ang usapan ng mga taong naglalakad at ang malakas pagbusina ng mga sasakyan sa napakalaking kalsada. Ang bilis talaga lumipaa ng oras, pakiramdam ko'y kulang na kulang pa ang tulog ko. Napalingon-lingon na lamang ako sa paligid ko at agad na hinanap ng mga mata ko si nanay pero wala siya. Bigla akong kinabahan, kaya dali-dali akong bumaba sa kariton habang tinatawag siya at kinukuskos kobpa ang aking mga mata.
Hindi pa man ako nakakalayo ay nag-aalala na ako kung bakit wala ang nanaya ko? Sa isip-isip ko'y baka may mga masasamang loob ng kumuha sa kaniya? Natatakot akong saktan nila ang nanay ko, katulad ng mga ginagawa nila kay tatay. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasuksok sa sulok at yakap-yakap ang mga binting umiiyak, habang tinatawag ko siya.
Nanginginig na ako sa takot at humihikbi na rin sa labis na pag-iyak. Maraming taong dumadaan at nilalagpasan ako habang nagbubulong-bulungan. Ang mga masasamang tingin nila sa akin ay mas lalong nagbigay sa akin ng takot sa puntong tumatayo na ang mga balahibo ko sa katawan. Pakiramdam kong katulad din sila ng mga nananakit kay tatay, kaya may lalo lang akong umiyak nang umiyak at pinili na lamang yumuko upang hindi ko sila makita.
"Ano ba iyan? Ang aga-aga ay nag-iiyak na, nakakasira ng umaga!"
"Hay naku, nasaan ba kasi ang ina niyan, napakairesponsibilidad naman at hinayaan na lang ang anak d'yan?"
"Napakabaho na nga dito ay makakarinig ka pa ng nakakaritang iyak! Dapat kasi ay ikinukulog na ang mga ganyan eh, o 'di kaya naman ay matyempuhan sana sila ng mga kriminal at pukawin na sila dito sa mundo! Nakakabwisit!"
Hindi ko man masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa ingay ng paligid, ngunit alam kong hindi iyon magaganda. Lumaki na kasi akong puno ng panlalait at p*******t sa paligid ko, sanay na lamang siguro akong marinig sila. Pero kahit na gano'n ay lubha pa rin akong natagakot dahil wala si nanay na magtataggol sa akin. Doon ay ramdam ko na lang na may bumato sa akin ng plastic na bote ng tubig. Mas lalo na lamang akong napasiksik sa gilid at nagkulmog, baka kasi may sumunod pa pero hindi.
"Hoy! Ano ba?!" malakas na sigaw ng matinis na boses, na sa pagkakaalam kong boses ito ng iaang babae. " Wala ba kayong mga puso? Mas daig niyo pa mga kriminal kung makapagsalita kayo eh, masyadong masakit, nakakamatay sa sakit! Kung makahusga kayo, akala mo kilala sila? 'Wag naman po sanang ganyan! Kawawa na nga lang 'yung bata eh, sinasaktan niyo pa. Alam niyo bang pwede kayong makasukahan d'yan sa ginagawa niyo kapag nakita kayo ng awtoridad? Isipin niyo naman po 'yang mga ginagawa niyo, tao dinnpo sila, nasasaktan at lalong-lalo ng nangangailangan ng tulong!" mahaba at galit na ang tono nito. Hindi ko alam pero natahimik din ako sa mga sinabi niya, katulad ng mga taong nanlalait sa akin kanina.
Dahil doon ay napahiya ang mga taong iyon at nakayukong lumayo, pero nadoon pa rin ang mga mapanghusgang tingin nila. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa mga katulad namin? Wala naman kaming ginagawang masama, pero patuloy pa rin silang sa mga pang-uuyam sa amin. Pero sa puntong ito ay ngayon lang may nagtanggol sa amin lalong-lalo na sa akin.
"Ineng, ayos ka ba lang? May masakit ba sa'yo?" tanong ng babae kanina na sa tingin jo ay kaedaran lang din ng kaniyang nanay. Hindi naman ako sumagot sa kaniya at umiwas lang ako nang hahawakan niya sana ang kamay ko. "'Wag kang matakot, hinding-hindi kita sasaktan. Teka, kumain ka na ba? Halika, bumili tayo ng pagkain mo. At saka bakit wala kang kasama? Nasaan ang mga magulang mo? Bakit wala kang kasama at umiiyak?" sunod-sunod niyang tanong sa akin pero hindi pa rin ako sumagot sa kaniya.
Dahil sa mga nangyayari sa aming tulad nito ay laging ipinapaalala sa akin ni nanay na 'wag na 'wag daw akong magtitiwala sa iba, dahil maaari nila akong saktan at ang mas masama apa ay pwede nila akong patayin. Kaya sa puntong ito ay mas maayos siguro kung didinggin ko sila lalo na't hindi ko rin naman siya kilala. Magsasalita pa sana ito ngunit bigla akong tinawag ng hinahanap-hanap kong boses.
"Jenlie, anak! Naku, susmaryosep kang bata ka! Bakit ka ba kasi umalis sa kariton? 'Di ba sabi ko sa'yo lagi na kapag hindi mo ako nakita pagkagising mo ay manatili ka lang doon at hjntayin mo lang ako? Anak naman eh, nag-igib lang ako ng maiinom natin," nag-aalalang saad ni nanay at saka ako niyakap at hinalikan sa noo upang pakalmahin ako. Niyakap ko lang naman siya pabalik ay sumubsob sa kaniya.
"Naku, Ale, 'wag niyo pong basta-bastang iniiwan 'yan anak niyo eh, binato na po siya kanina. Mabuti na lang at nakita ko siya, kung hindi ay baka ano na ang nangyari?" singit naman ng babaeng tumulong sa akin kanina. "Jenlie pala ang pangalan mo, ineng? Napakagandang pangalan at napakagandang bata!" dagdag pa niya at saka bahagyang kinirot ang ilong ko.
Ang babaeng itong ay may maamong mukha at doon pa lang ay masasabi mo na agad na mabait, ngunit alam kong nakakatakot ding siyang magalit lalo na kanina. Sa kanting angulo ay nakikita kobsa kaniya ang nanay ko. Mabait at matulungin din kasi si nanay, pero sadyan pinandidirian lang talaga kami. Mayroon 'yung isang araw noon na may tinulungan siya matanda na tumawid sa daan pero pinalo-palo lamang siya nito ng kaniyang tungkod, dahil sa pagkakaalam nito'y nanakawan siya ngunit hindi.
"Ako nga pala si Martha at may kaisa-isa din akong anak na babae. Siguro ay magkaedad sila ng anak ko? Kaya naawa ako kanina nang makita kong sinasaktan na siya ng iba. Ayaw na ayaw kong nakakarinig ng mga masasakit na salita mula sa iba lalo na kapag hindi naman nila ang ang sitwasyon. Sandali, kumain na ba kayo? Kung hindi pa, sumama kayo sa akin at bibilhan ko kayo," pagpapakilala ng matanda at nag-alok pa ito ng tulong.
"Ah, ako naman si Milda. Pero sige salamat na lang, mauuna na din kami. Salamat sa pagtatanggol mo sa anak ko ha? Nawa'y matulungan din kita sa susunod na magkita muli tayo," ani nanay at bahagyang yumuko.
"Naku, wala iyon. 'Wag na kayong mahiya, libre ko naman eh. Magtatampo ako kapag hindi kayo sumama sa akin. Ngayon lang naman 'to 'di ba? At saka kasiyahan kong makatulong sa mga nanganagilangan," pagpupumilit muli ng babae at saka hinila na kami ni nanay sa isang malapit na karinderya. Sa huli ay hindi na rin kami nakatanggi pa sa kaniya.
Binilhan niya kaming almusal, tinapay at tubig. Bibilhan pa niya sana kami ng damit ngunit hindi na namin iyon tinanggap pa dahil masyado ng marami ang naitulong niya sa amin. Tinanong pa niya akong muli kung may masakit sa akin dahil sa pagbato nila pero umiling lang ako na niya namang totoo. Isa lang naman iyong plastic at hindi iyon magdudulot ng anumang bukol o galoa, maliban na lamang kung mayroon itong laman. Ibibili niya daw sana ako ng gamot kung sakaling mayroon pero mabuti na lamang at wala akong sakit na nararamdaman.
"Masarap ba, Jenlie? Ganyan nga, damihan mo ang pagkain para tumaba ka," sambit pa nito habang pinapanood kaming kumain. "Oh siya, maiwan ko na kayo dahil may mahalaga pa akong lakad. Mag-enjoy na lamang kayong mag-ina na kumain d'yan. Nawa'y napaganda ko ang inyong umaga, hanggang sa muli nating pagkikita. Mag-iingat kayo palagi," dagdag pa nito at saka tumayo upang umalis na rin.
"Maraming-maraming salamat sa'yo, Martha! Ang dami mong naitulong sa amin, nakakahiya man pero salamat talaga. Mag-iingat din kayo ng anak mo palagi, pagpalain ka sana ng Diyos," sagot naman ni nanay dito at nahihiyang ngumiti.
"Natural na sa akin ang pagtulong, kaya mo na iyong alalahanin pa, Milda, kaibigan. Sige na, ituloy mo na ang pagkain," saad pang muli nito bago tuluyang lumisan.
Dahil doon ay hindi pala lahat ng tao ay dapat katakutan, minsan ay dapat mo din silang kilalanin, katulad sa amin. Matuto sana ang iba na magmahal ng kanilang mga kapwa dahil ang mabuting tao ay minamahal at pinagpapala ng panginoon sa lahat ng bagay.