Hindi ako mapakali habang yukong-yuko ang ulo ko nang ramdam ko pa rin ang matalim na tingin na ibinibigay ng mommy ni Gabriel sa akin. Para na niya akong pinapatay sa kaniyang isipan ngayon at kung wala lang kami sa harapan ni Gob ay baka kanina pa ako pinaglalamayan dito.
Matapos kasi ang komusyong nangyari sa labas ay ipinapasok kami ni Gob sa loob ng mansyon nila upang mapag-usapan nang masinsinan at maayos ang lahat. Hindi kasi niya gustong ipagbukas ito dahil masyadong malaki ang problema.
Nandito kami sa malaking sala ng kanilang mansyon. Nakakamangha ngang tingnan dahil sobrang ganda pa rin ng desinyo ng kanilang bahay. May mga palamuti rin na pakiwari ko ay mga mamahalin. Marami ang nagbago simula noong huling punta ko rito sa mansyon nila, nakakamiss nga dahil sa hacienda pa nila kami ni Gabriel nag lalaro noon. Na miss ko tuloy tingnan ang Hacienda de' Sagrado.
Magkatabi kaming umupo ni Gabriel habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Magkatabi naman sila inay at itay at saka ang mga kapatid ko naman ay pinauwi muna namin kanina sa bahay. Nasa harapan namin umupo ang ina ni Gabriel na naka-cross arms pa ang mga kamay nito habang masama ang tingin sa akin. Si gob naman ay nasa gitna umupo at seryoso lang din siyang tiningnan kami. Walang umiimik sa aming lahat. Si inay na parang isang leon kanina na nakawala sa hawla ay tahimik at kalmado na ngayon ngunit matapang pa rin ang kaniyang postura.
"When we will settle the wedding?" seryoso ang mukhang tanong bigla ni Gob na nagpasinghap sa akin nang sobra. Napabitaw tuloy si Gabriel sa kamay ko nang tumayo ako bigla upang sanay tumutol ngunit naunahan ako ng mommy niya na magsalita.
"No!" malakas ngang tutol niya at napatayo na rin ito. "Hindi ko ipapakasal ang anak ko sa hampaslupa, skwater at mukhang pera na babaeng 'yan, papa."
Hindi ba niya magawang magsalita na hindi ako nilalait? Napapansin ko kasi na sa tuwing ibinubuka niya ang kaniyang bibig ay may kasama itong panlalait sa akin.
Bumuntong hininga naman si Gob bago nagsalita, "Huminahon ka, Veronica. Wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Kailangan maikasal ang anak mo kay Esperanza. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang hindi pinakasalan ni Gabriel ang babaeng kaniyang binuntis? Masisira ang ating pangalan at reputasyon," tugon naman ni Gob, na parang disidido na itong ipakasal na nga kaming dalawa ni Gabriel.
Hindi naman makapaniwala ang mommy ni Gabriel. "Unbelievable! Talagang naniniwala kayo na anak ni Gabriel ang dinadala ng malanding babaeng 'yan? Eh baka nga kung sino-sino na lang ang lalaking nakagalaw sa kaniya at pagkatapos mabuntis ay ipapaako niya sa anak ko para perahan tayo. That is their strategy, papa. Kaya wag kang nagpapaloko at magpapaniwala agad. Pera lang ang magiging habol nila sa atin," mariin ang bawat bigkas niya bago ako tinapunan na naman nang mapanglait na tingin.
Nabaling ang atensyon ko kay Gabriel nang tumayo na rin ito. "Mom, stop! How can you say those words on her? Wala namang ginagawang masama si Esperanza sayo, pero bakit galit na galit ka sa kaniya? Handa akong panagutan si Esperanza at handa ko rin siyang pakasalan. And this decision is nothing to do with you," galit na wika na rin ni Gabriel, kaya nahawakan ko kaagad ang kaniyang kamay dahil sa binitawan niyang salita.
Ayokong maging dahilan pa ako na magkagulo ang kanilang pamilya. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang magiging anak ko. Tutol rin akong maikasal kay Gabriel dahil hindi naman niya responsibilidad ang anak ko. Mabait si Gabriel, pero hindi ko gagamitin ang kabaitan niya para lang pagtakpan ang sekreto ko.
Napaigtad ako sa gulat nang umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na sampal ni Ma'am Veronica kay Gabriel.
"How dare you, Gabriel," asik na nga nito.
"Dahil lang sa babaeng 'yan ay kinakaya muna akong sagotin ngayon?" Turo niya sa akin. "Bago ka sana gumawa ng problema ay isipin mo muna ang reputasyon ng pamilyang ito. Nag-aaral ka pa, Gabriel. May pangarap pa ako sa'yo at hindi ako papayag na sa isang babae lang ay mawawala na lang lahat!"
Akmang sasagotin ulit ni Gabriel ang kaniyang ina nang pinisil ko kaagad nang mahina ang kamay niya. Makakadagdag lang ito sa galit ng kaniyang ina niya sa akin. Alam ko namang gusto niya akong ipagtanggol pero mas gugustuhin ko na lang na manahimik siya.
"Manang pakikuha ng checke sa kuwarto ko! Bilisan mo!" utos niya sa isang kasambahay. Agad namang tumalima ito at patakbo ng inakyat ang hagdan. Ilang segundo lang ay bumaba na ito at may ibinigay kay Ma'am Veronica.
"Anong ginagawa mo, Veronica?" nagugulohang tanong ni Gob.
"Lahat ng bagay ay may katumbas na presyo, Papa," wika niya at binalingan ako ng tingin. "Kaya Esperanza, magkano ba ang halagang gusto mo parang lang ipalaglag ang batang dinadala mo at layuan mo na rin ang anak ko? Isang million? Limang million? Oh baka naman gusto mo ng malaki-laki. Sige! Bibigyan kita ng sampung milyon."
Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am Veronica. Alam kong hindi maganda ang ugali niya pero hindi ko inaasahan na sabihin niya iyon. Napatayo na rin si inay at itay. Nanggagalaiti sa galit ang mga mata ni inay habang nakakuyom naman ang kamao ni itay.
"Veronica, mag sitigil ka!" Tumaas na ang boses ni Gob.
"Mom..."
"Hayaan muna ang mommy mo, Gabriel," bulong ko sa kaniya nang akma na naman siyang magsasalita.
Masakit masabihan ng gano'n pero kailangang tiisin. Akala kasi nila lahat ay kayang tumbasan ng pera. Tahimik lang ako habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang nagbabadyang luha ko sa pagtulo. Ayokong lumuha sa harapan nila ngayon. Ayokong ipakita na mahina akong babae.
"G-gob..." magsasalita na dapat sana ako pero naramdaman ko ang paghawak ni inay sa akin at pumunta sa harap ko upang itago ako sa likuran niya.
"Maam, Veronica. Tatanggapin po namin ang lahat ng panglalait ninyo. Tawagin ninyo na kaming hampaslupa, walang pinag-aralan at kalapating mababa lang ang lipad. Tatanggapin lahat namin iyon dahil totoo naman...pero bilang isang ina at magulang kay Esperanza ay hindi ko matatanggap na laitin mo ang anak ko sa ganitong paraan. Ina ka rin kaya nagtataka ako kung paano mo nasikmurang sabihin na ipalaglag ang isang inosenteng bata," matapang na wika ni inay.
Naluluha ako sa naging pagtatanggol ni inay sa akin. Alam kong sobra ang galit at dismayado niya sa akin ngayon, pero nagawa niya pa rin akong ipaglaban.
Nagsalita na rin si itay, "Ang gusto lang ho naming mangyari ay panagutan ni Gabriel ang ginawa niya kay Esperanza. Gawin niya ang responsibilidad niya bilang isang ama na ngayon dahil ayokong mahirapan ang anak ko sa pagpapalaki at pag-aalaga sa bata at ayoko rin na lumaki ang apo ko na walang kinikilalang ama." Huminto si itay sa pagsasalita at tiningnan ako bago ibinaling muli ang kaniyang pansin sa ina ni Gabriel.
"Pero kung ganito naman ang pang-iinsultong matatanggap ng anak ko galing sa pamilyang Sagrado ay mas nanaisin na lang po naming huwag ipakasal si Esperanza, Gob. Hindi po namin maatim na maghirap ang anak ko sa pamamahiya ng pamilya ninyo. Kung pera po ang pag-uusapan ay wala po kaming ikakabuga roon, pero sana kayang bilhin ng pera ninyo ang maayos na ugaling kinakailangan ng hipag ninyo," seryoso ang mukhang dagdag ni itay.
Hindi nakaimik si Gob pati na rin si Gabriel dahil sa sinabi ni itay.
"Tayo na't umuwi Esperanza. Malalim na ang gabi. Maaga pa kami ng iyong ina sa koprasan bukas," ani muli ni itay bago nauna ng maglakad at sumunod na rin si inay habang hila-hila ako.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Gabriel pero hindi ko na siya nagawang lingonin pa dahil agad na kaming nakalabas ng mansyon.
"Tingnan mo nga naman! Talagang mga ugaling skwater ang pamilyang 'yon! Nakita mo ba papa kung paano nila ako binastos?" Narinig pa namin mula sa labas ang asik ni Ma'am Veronica nang makaalis na kami, pero hindi na lamang namin iyon pinansin at naglakad na pauwi.
Simula pa lamang noong mga bata kami ni Gabriel ay malaki na talaga ang hindi niya pagkagusto sa akin. Palagi niyang pinapagalitan si Gabriel kapag nahuhuli niya kaming magkasama at simula noong mamatay ang daddy niya ay pumunta na sila sa ibang bansa. Doon kami nawalan ng koneksyon sa isa't-isa.
Walang imik si inay na nilakad ang daan pauwi sa baryo namin habang kami ni itay ay nasa hulihan niya.
Napabuntong hininga ako dahil sa bigat ng aking puso. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa akin. Sa dami ba namang problema na matatanggap ko ay bakit ito pa. Hindi ko inaakala na ang naging desisyon ko noong ibenta ang sarili ko ay may kaakibat pala na ganito kalaking responsibilidad.
"Pasensya na anak, hindi ko napigilan ang inay mo na sumugod sa bahay ng mga Sagrado. Hindi ka sana nila malalait ng ganoon," hinging paumahin ni itay sa akin.
"Huwag mo na rin munang isipan ang inay mo. Kailangan mo munang bigyan siya ng ilang araw para makapag-isa. Alam mo naman ang ugali ng inay mo, ilang araw pa bago ka niyan papansinin. Huwag mo na ring pagurin ang iyong sarili sa kakaisip sa mga problema dahil nakakasama ito sa bata. Huwag kang mag-aalala anak, handa kami ng inay mo na gawin ang responsibilidad ni Gabriel sa anak ninyo," ani itay habang hawak hawak ang balikat ko.
Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Nakokonsensya ako ngayon dahil sa mga kasalanan ko sa kanila. Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo dahil natatakot ako. Ayokong malaman ng lahat na naging bayarang babae ako para lang sa pera. Ayokong pag-uusapan at lalaitin nila ang pamilya ko dahil lang sa pinili kong desisyon noon.
"P-pasenya rin po sa lahat itay. Hindi ko po gustong mangyari ito," Iyak ko.
"Nasa tamang edad ka naman na magkapamilya anak. Ang isipin mo na lamang ngayon ay kung paano papalakihin nang mabuti ang anak mo," wika ni itay.
Lumingon ako muli sa bahay ng mga Sagrado na malayo na sa gawi namin. Nagbabakasakali akong nandoon si Gabriel pero nadismaya ako nang hindi ko siya nakita. Ang nakita ko lang ay ang isang sasakyan na papasok sa malaking gate ng mansyon. Napatigil ako saglit sa paglalakad at tiningnan ang lalaking nagmamaniho ng sasakyang iyon. Nakabukas kasi ang bintana ng sasakyan niya kaya kitang-kita ko siya sa loob. Pero dahil malayo na ang nilakad namin ni itay mula sa mansyon ay hindi ko na maaninagan masyado ang kaniyang mukha.
Napahawak ako sa aking dibdib nang lumakas ang t***k nito. Kahit hindi ko maaninagan nang maayos ang mukha niya ay napakapamilyar pa rin niya sa akin.