Matuling lumipas ang araw. Mag-iisang buwan na pala. Ngunit ganoon pa rin kami ni Jeff. Tila hangin lamang ako rito. Ang nakakasama pa ng loob ay halos hindi na ito pumupunta sa aming silid. Mas maganda siguro kung umuwi muna ako sa amin. Tutal naman parang hindi na ako mahalaga kay Jeff. Katulad ngayon. Nalaman kong sa ibang silid pala ito natulog kagabi. Siguro nga'y ayaw na akong makatabi ng aking asawa. Kaya nagdesisyon akong pumunta kina inay. Namimis ko na rin kasi sila. Kay Manang lang ako nagpaalam. Wala naman ang asawa ko. Alam kong hindi ako hahanpin noon. Napaisip tuloy ako na gayumahin ko ulit ito para bumalik kami sa dami. Kaya lang baka lalo naman akong karmahin. Diyos ko! Ano bang pumapasok sa utak ko. Agad naman akong pinayagan ni Manang. Saka alam kong matutuwa ang ina

