bc

Uncle Maximus, Substitute Bride [ SPG ]

book_age18+
763
FOLLOW
10.5K
READ
billionaire
HE
age gap
arranged marriage
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
city
musclebear
like
intro-logo
Blurb

❌⚠️🔞 Bawal sa bata‼️ ❌Bawal sa konting conservative na pure hater sa tema na ganito‼️

Maximus Davis isang lalaki na may matipunong katawan, matangkad, maganda ang kutis at higit sa lahat nuknukan ng yaman. Pero may isang bagay ang kulang sa kanya at nawala dahil sa ninakaw iyon ng isang aksidente na tuluyang bumago sa lalaki. Hindi lang sa labas nitong anyo kundi maging sa paraan ng pag-iisip tungkol sa mga taong na nasa kanyang paligid.

Davis is one of the most simple families in Spain, but that simplicity screams danger. Because they are powerful, not just in the business world. Kaya nilang duminahan ang lahat kung kinakailangan.

Callieyah Mace Flores isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pangarap na kanyang pinagsisikapan na maabot. Dahil ang paniniwala ni Callieyah na ang kanyang tagumpay ang pupukaw sa isip ng kanyang Ama at kapatid para makita ng mga ito na kaya niyang makipagsabayan o higitan pa ang kanilang expectations sa kanya.

Ngunit tila kumo-kontra ang tadhana para sa dalaga.

Paano kung bigla na lang siyang malagay sa isang alanganing sitwasyon na parang wala naman ibang pagpipilian?

Sitwasyon na pananagutan dapat ng kanyang nakatatandang kapatid ngunit nagawa nitong takasaan. Sitwasyon na labag sa kanyang nais at pilosopiyang alam maging pinaniniwalaan.

Tatakas kaya si Callieyah o sa sang-ayon na lang sa ibinubuyo at nais mangyari ng kanyang sariling ama?

Anong kayang gagawinng dalaga kung bigla rin siyang may malalaman na ilan sa mga sikreto ng taong ipinakasal sa kanya?

Katatakutan niya kaya ito o mas pipiliin na ituloy na lang ang sumisibol ng damdamin para sa lalaki?

Maaari nga bang mangyari na ang isang pag-ibig ay naiimbak ng ubod tagal para mas maging matamis, puro at walang katulad na sa tamang panahon maaaring ng anihin maging ari-in?

Magtatagpo nga kaya ang damdamin ng dalawang tao na iba ang mga paniniwala?

Alam natin..

chap-preview
Free preview
Chapter 1_ SIMULA
CALLIEYAH'S POV. "Bakit po ako, daddy? Bakit? Bakit po ako ang magpapakasal sa fiancee ni ate?!" Hindi ko mapigilan na ibulalas ang mga tanong na iyon na puno ng kalituhan at paghihinanakit, ng biglang ipatawag ako ng aking ama para sabihin at igiit na ako na ang papalit sa naiwan na responsibilidad ng aking ate. Nang aking kapatid na bigla na lang umalis ng walang pasabi. "Bakit ikaw? Simple lang naman ang sagot sa tanong mo na ‘yan. Wala na ang ate Nilda mo, umalis siya ng walang paalam kaya sa tingin mo, sino ang dapat na pumalit sa kanya?" Balik na tanong sa akin ni daddy. "Buong buhay mo naging hayahay ka lang. Ang Ate Nilda mo ang gumagawa ng lahat ng tulong para maging magaan ang lahat sa akin. Kaya sana makisama ka ngayon! Kasi sa ayaw mo man o gusto ikakasal ka kay Maximus! Gamitin mo ang kokote mo. Hihiga ka sa salapi. Kahit pa sabihin na sisipingan ka ng halimaw, ay madali ng sikmurain lalo na't maraming luho ang kaya niyang sabay-sabay ibigay at ihandog sa ‘yo," walang preno na sambit niya. Noon pa man ganito niya ako pag-salitaan. Pinapamukha niyang wala akong silbi na anak para sa kanya. Paano ako magkakasilbi sa kanya? Eh, ni minsan hindi naman niya ako nakita. Parang wala lang ako dahil si Ate Nilda ang nakikita niya palagi, na para bang ito lang ang anak niya. Ang hirap kayang maging Callieyah Mace Flores. Apelyido lang ang nagpapaalala sa akin na belong ako sa pamilyang ito. I miss my mom. Sana lang buhay pa siya hanggang ngayon. Sana sinama niya na ako sa pinuntahan niya para sabay kaming nawala. Sana ay hindi ako nahihirapan ngayon. "S-Silbi? Kahit naman yata pakasalan ko si Uncle Maximus, wala pa rin akong magiging ambag na maganda sa inyo. All these years hinayaan ko lang na parang ibang tao ako sa inyo dahil iyon ang paulit-ulit na pinaparamdam n'yo sa akin ni ate. Sana naman po ay hayaan mo lang din ako ngayon. Sana wala ka lang pakialam sa akin, kaso kailangan talaga na maging substitute ako sa tinakasang puwesto ni ate. Pero Daddy—my decision is final. I won't marry a man that I don't love. Hindi ko po siya mahal, hindi po ako magpapakasal sa kan—” Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil isang malutong na sampal ang ibinigay sa akin ng aking ama. Ito ang unang beses na sinaktan niya ako, na pinagbuhatan niya ako ng kamay. I don't know if magiging masaya ba ako o masasaktan ako? Malakas kasi ang sampal dahilan para pumihit ang mukha ko sa kabilang direksyon. "Estupida! Wala kang karapatan na tumanggi. Dahil ako, ako ang may hawak ng buhay mo! Ako ang dapat na masunod sa pamilyang ito at hindi ang kagustuhan mo. Pagmamahal? Hindi ka mabubuhay sa pagmamahal lang! Kailangan mo rin na gamitin ang utak mo!” "D-dad, don't do this to me. Please, please—” "Sa kwarto ka lang hanggang maisip mo na tama si Maximus para sa 'yo. Na si Maximus ang makakatulong sa atin para hindi ka maging DUKHA!” galit na sambit ni daddy at hinayaan na ako sa mga tauhan niya. "Huwag niyong hayaan na makatakas si Callie. Kung nais n'yo pang mabuhay at makapag-hanapbuhay para sa mga mahal n'yong pamilya. Tandaan n'yo hindi na lang ako ang makakalaban n'yo kundi pati na rin si Maximus Davis." pananakot sa kanila ni daddy, na ginagamit ang kahinaan nila. Nanghina bigla ang buo kong katawan. Hinayaan ko na lang na akayin ako ng dalawang bodyguard ni daddy. Hindi siya ganito noon o baka ganito naman talaga siya 'di ko lang nakikita. Ngayon na pabagsak na ang company namin ay nakikita ko kung gaano kataas at katayog ang ambisyon ng aking ama. Na kahit pa masaktan niya ang sariling niyang anak ay wala na siyang pakialam. "Miss Callie, kaya n'yo po iyan. Magagawa mo rin pong patunayan na tama ka. Magagawa mo ring ipakita na mas may value ka." rinig kong ani ng nasa kanan na bodyguard na walang iba kundi si kuya Guemo. Ang isa sa mga malapit sa akin na tauhan ni daddy. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko. Mas pinili ko na lang na manahimik dahil wala rin naman akong magagawa. Kailangan kong sundin ang utos niya na manatili ako sa silid ko. Masakit ang sampal na binigay niya sa akin pero mas masakit ang puso ko sa mga salita na binitawan niya kanina. Pagpasok ko sa silid ko ay padapa akong humiga sa kama ko. Hanggang sa bumuhos ang masagana kong mga luha. Hindi ko alam kung bakit sa akin? Bakita ako? Bakit kailangan na ako ang gumawa ng responsibilidad na hindi naman sa akin. Responsiblidad ng aking mahusay at laging bida na kapatid. Sobrang proud si Daddy sa kanya mula pa noon, lalo na ng siya ang naibigan ni Uncle Maximus na isa sa pinakamayamang negosyante noon mas lalo ngayon sa loob at labas ng bansa. I called him Uncle dahil nasa labing limang taon ang tanda niya sa akin at higit sa lahat ay kapatid siya ng matalik na kaibigan ng aking ama, kay mas malaki ang tanda ni Daddy sa kanya. Nag-iisa na rin sa bansang ito si Uncle Maximus dahil mas pinili na ng kanyang pamilya na manatili sa Spain. He has a mix of Filipino, American and Spanish blood. Gano'n ka-generous ang genes na meron ang lalaki iyon. Kapag mga ganitong description ang maririnig ng isang babae tungkol sa isang lalaki ay talaga namang walang babae ang hindi mahuhumaling. Idagdag pa na matangkad at matikas siyang lalaki. But not totally on his case. Uncle Maximus had a major car accident when he was twenty three. That time ay namamayagpag na ito sa larangan ng pagnenegosyo. Maraming haka-haka noon na may gumawa ng aksidente para patayin ang sole heir ng Davis family. Dahil sa nangyaring aksidente ay malaking parte ng katawan at mukha ng lalaki ang nasira. Kahit pa gaano karami ang pera nila ay hindi nila kayang ipaayos sa mga mahusay na mga doktor ang mukha niya. Sa isang idlap ay biglang naglaho ang gwapong mukha ni Uncle Maximus. Hindi na siya katulad ng dati. A year after the accident he regained his body like before. Kahit ang kutis niya ay bumalik rin dahil sa sumailalim ito sa maraming procedure. Wala na akong gaanong alam sa mga nangyari at nabasa ko lang ito sa isang website. Bata pa ako noon at wala pang alam. Pero noon matunog iyong pinag-uusapan. Bumalik ang tungkol sa nangyari sa nakaraan ng pumayag si daddy sa proposal ni Uncle Maximus na ipakasal sa kanya si ate Nilda. Minsan ay narinig ko na nag-uusap ang mga kasambahay namin tungkol sa kanya kaya kahit na papaano ay may ibang impormasyon akong nalaman. Ang sabi rin ni Daddy noon sa amin ni ate sobrang gwapo ni Uncle Maximus bago mangyari ang aksidente. But after the accident even dad doesn't see his face personally. Tanging sa mga larawang duguan lang ang nakita ni dad. Noon raw ay may mga larawan na makikita sa website at sa mga balita pero bigla na lang itong naglaho. That's how powerful they are. Pinatay nila agad ang issue, pero maraming nagsasabi na after pa lang marevive ni Uncle Maximus ay patay na rin agad ang mastermind ng kanyang malagim na aksidente. Sa isang gintong maskara na kahit kanyang tainga ay takip itinago ng lalaki ang kanyang buong mukha at katauhan sa mahabang panahon. Good thing na rin na maituturing na ligtas ang kanyang ulo kaya nanatili ang makinang niyang buhok na kulay ash brown. Gano'n pa man, walang kahit isa sa mga napusuan ni Uncle Max ang nais makulong sa isang pagsasama na sagana lang raw sa rangya pero halimaw sa piling niya. Ibahin n'yo naman ako. Kilala ko siya bilang kapamilya na rin ngunit hindi ko magagawang pakasalan ang lalaki base lamang sa nais ng aking ama. Kahit ito pa ang mas mabilis na paraan para maiahon muli ang aming kumpanya. May mga dahilan naman kasi ako. Una sa lahat, hindi ako ang gusto ni Uncle Maximus kundi ang kapatid ko. Ayokong habang buhay na lang maging option at panakip butas kapag inaayawan ng ate ko ang nga bagay kaya dapat ako ang pumalit o humalili. Pangalawa, I don't see myself settling down at the age of twenty one. I'm too young to be a wife. Alam ng lahat iyon kahit na ang sarili kong ama. Oo tama! Alam ng aking ama na may mga pangarap ako na nais abutin sa pamamagitan ng aking pagsisikap. Kaya galit na galit sa akin si daddy. Mahirap daw akong pasunurin, lalo na ngayon na nawawala ang aking magaling na kapatid.. Si ate, na mabait, mapagmahal at masunuring anak sa kanya. Ang anak na papuri ang natatanggap mula sa kanya. May guilt akong nararamdaman sa puso ko. Aaminin ko na gusto ko rin siyang pasayahin pero hindi sa ganitong paraan. Alam ko rin naman na may responsibilidad din ako sa aming pamilya namin bilang kanyang anak lalo na't nasa bingit ng alanganin ang aming kabuhayan. Pero mali ang ikakasal ako para lang maging madali ang lahat sa kanya/kanilang dalawa ng ate ko. Mahal ko sila, pero natutunan ko na mas dapat mahalin ko ng lubos ang aking sarili dahil simula pa noon ako at ako lang naman talaga mayroon ako. Wala akong karamay kundi sarili ko lang. Walang nag-aalala at nagmamalasakit sa akin kundi ako lang, tapos hahayaan ko pa ba sila na kalimutan ko ang aking sarili. Kaya ko namang maging mabuting anak at tumulong sa kanya/sa kanila pero hindi sa gusto niyang mangyari o paraan. Hindi pagiging mabuting anak ang sumunod sa dikta ng magulang lalo na't against iyon sa tamang alam ko. Hindi na ako bata para hindi alam ang mali at tama. "Bakit ba nangyayari ito sa akin? Bakit ako? Bakit laging ako?" tanong ko sa sarili ko. Ngunit napatingin ako sa phone ko na nasa tabi ko dahil may tumatawag. Mas lang akong umiyak dahil sa taong tumatawag sa akin ngayon. "Anong gusto mo? Ang bigat na ng loob ko kaya sana naman makisama ka na lang. Bakit ngayon ka pa talaga tumatawag?” umiiyak pa rin na sambit ko habang nakatingin sa phone ko na panay ang ring. Pero may biglang sumagi sa isipan ko kaya agad kong dinampot ang cellphone ko para sagutin ang tawag. “Hello, kailangan nating mag-usap–”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook