“Hello, kailangan nating mag-usap–”
Kakasagot ko pa lang ng tawag pero bigla naman itong nawala.
“Bakit ka tumawag kung papatayin mo lang naman pala?!” medyo naiinis na sambit ko.
Nawala ang pag-asang kahit paano nabuo sa loob ko ng tumawag siya sa akin.
"Anong dapat kong gawin? Ayokong basta sumunod na lang sa gusto ng aking Ama, lalo na't alam ko na may iba pa akong magagawa para hindi ang gusto nilang maging kapalaran ko ang mangyari." tanong at kausap ko sa aking sarili.
Dahil sa problema na dumating bigla sa akin sa pagkawala ni Ate, maraming naglalarong tanong sa isip ko na hindi mabigyan ng kasagutan. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay tumunganga at mag-isip ng mga maaaring gawin, hanggang sa dapuan na lang ng antok. Kung dadapuan nga ba?
Gaya ng inaasahan ko. Hindi ako dinalaw ng antok kahit sandali man lang. Para akong naka-droga dahil gising na gising ang diwa ko. Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang pagpahingahin ang aking buong katawan kahit na damang dama ko naman ang pagod mula ulo hanggang aking kaibuturan.
Alas otso ng umaga ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng aking silid tiyak ko na si Dad iyon at nagse-sermon na naman kina ate Ningning at ate Olive. Sila na tumayong tagapag-alaga ko simula ng ako'y iwan ng aking Ina sa mundong ito kasama ang mala yelo sa lamig kng ama at kapatid.
Tingin ko naman nakaidlip din ako ng dalawang oras kahit paano. Ang tanda ko kasi tumitilaok na ang mga manok na alaga ni Dad ay dilat pa ang mga mata ko. Mga around 5:30 am kanina. Dilat at gising ang buong diwa ko sa buong magdamag pero wala akong maisip na tamang gawin.
Hindi nman ako pwedeng makipag-deal kay Uncle Maximus dahil tiyak na sila ng aking ama ang magkakampi. Wala naman akong malaking pera na sapat na kayang itapat sa pera ni Uncle Maximus para mapaurong si Dad sa kanyang nais mangyari. Hindi na ako nakatiis mas lalo kasing lumakas ang sigaw ni Dad na parang sinadya naman niya ng sa gano'n ay magising ako.
Bumangon ako ng mahinahon at inayos ang aking sarili. Ibinalik ko ang nakaugalian ko na kalmadong aura na ayaw na ayaw ni Dad at ate Nilda. Dahil para sa kanila chill lang ako, palamunin at umaasa sa kanilang pera na pinaghihirapan nila ng magaling kong ate. Lumakad ako papunta sa pinto ng aking silid pero ng maalala ko na naka-lock iyon mula sa labas ay natigilan ako ng ilang sandali. Ngunit ng mapasigaw si ate Ningning walang babala na hinila ko ang seradura ng pinto. Kahit na medyo gulat ay inayos ko ang aking sarili ng bumukas iyon.
I just came on time. Nahinto kasi ang gagawin ni Dad na pagsampal kay ate Ningning, pero may kirot sa puso ko na gumuhit ng makita ko na may dasto ng latay ang kanyang braso. He's a monster. Ganyan siya sa mga taong nagmamahal, nag-aalaga at nakakaunawa sa akin.
"Tama na Dad! Ano po bang problema?" may diin na ani ko sa aking ama. Medyo duda na nga ako kung tunay ko ba siyang Ama. Parang lahat na lang kasalanan sa mundo sa akin niya gustong isisi.
"Gising na pala ang suwail kong anak!" inis na baling ni Dad sa akin.
“Ano na naman po ba ang nagawa ko?” tanong ko sa kanya pabalik.
“Ano? nagmamaang-maangan ka pa talaga! Maximus won’t turn down our agreement kahit na mapudpod pa ang daliri mo kakatawag sa kanya. At mula ngayon kada kasalanan at pagkakamali mo sila na nagmamahal sa suwail na tulad mo ang makakatikim ng kamay na bakal na ito.” may ngiding demonyo na ani ni Dad na umamba pa muli ng sampal kay ate Ningning.
Mabilis naman akong kumilos para saluhin iyon pero tumawa lang aking ama at hindi naman itinuloy ang pananakit.
“Mukhang nauunawaan mo na ako ngayon Callieyah. Ayoko sanang saktan ka, pero kung iyon lang ang paraan para sundin mo ako gagawin ko. Ilalagay kita sa tamang lugar kung saan lahat tayo makakakuha ng lifetime na benepisyo.” aning muli ng aking ama.
Tanging pagkamuhi na ang namamayani sa puso ko sa sandaling ito. Bakit kailangan niya pang mandamay ng ibang tao? Nagagalit ako. Galit sa aking ama at kay uncle Maximus. Hindi ako ang tumawag sa kanya kundi siya. Pero bakit ang lumalabas ay ako ang gumawa ng tawag.
“Stop it Callieyah! Sa mga oras na ito wala kang laban sa akin. Kahit pa maging asawa ka na ni Max ay wala ka pa rin namang magagawa para kalabanin ako. Mas lalo akong magiging makapangyarihan kapag naikasal na kayo ni Max. Ako ang papanigan niya—”
“Gahaman!” Naibulalas ko na dahilan bakit nahinto ang lalaki.
Hinintay kong tumama ang kanyang kamay sa aking mukha pero hindi nangyari. Gulat na gulat ako ng may lumagapak pero sa KAharap ko tumama. Si ate Olive ang binira niya. Nabuwal ito at sumubsob sa sahig.
“D-dad! Bakit mo ‘yun ginawa?”
“Remember what I said earlier? Lahat ng mali mo sila ang mananagot. Well, gahaman na kung gahaman. Makukuha ko ang lahat ng gusto ko gamit ka bilang puhunan. Think my dear Callie. Sila ang magdudusa sa mga maling hakbang mo.” para akong ibang tao sa mga mata ng aking ama. There’s no love, care and safeness sa tuwing tumitingin s’ya sa akin. Ibang iba kapag tumitingin siya kay Ate Nilda.
“Ano ba ang mali sa akin Dad?”
“Wala Callie, talagang gipit lang tayo. And I will do anything para manatili na nasa top rank ang Flores empire. Kesihoda na ipakasal kita sa nilalang na hindi masikmura ng kahit sino man. Kayo! Ayusin n’yo itong alaga n’yo kung hindi mababalda kayo sa bawat tama ng bakal na kamay ko.” tugon ni Dad sa akin na kahit malinaw naman ang dahilan parang malabo ang dating ng kanyang paliwanag.
Akmang aalis na ito ng muling magsalita pero hindi na ginawang lumingon sa akin.
“Tomorrow night, prepare yourself. May dinner tayo with Max and his family via virtual. Uuwi sila sa oras ng engagement n’yo na diretso wedding na rin halos dahil two days after the engagement ay ikakasal na rin kayo. That’s mean tapos na paghihikahos ng Flores empire.”
“W-what? bakit ang bilis naman?
“Be thankful Callie. 'Wag kang ingrata. Nakatuwa nga e, na mas parang gusto ka nila kaysa kay Nilda. Pasaway man ngayon ang ate mo mas nakabuti naman. Imagine Max's father send money amounting 20 millions para sa’yo, para pang pampered mo. Pero sa akin iyon. Mas kailangan ng kumpanya ang pera. Callie ‘wag mo akong biguin.”
Pagkasabi niya noon ay tumuloy na itong umalis at bumaba. Paano nga ba magbabago ang isip niya? Kung sunod-sunod na pagbibigay ng salapi ang kanyang nakukuha mula sa pamilya ni uncle Max. Napailing na lang ako at agad na dinaluhan ang dalawang babae na tanging mayroon ako.
“I’m sorry po ate Liv at Ning—”
“Ano ka ba Callie? Sana’y na kami sa Dad mo. Nabawi naman siya sa mga incentive namin—”
“‘Wag mong pakinggan si Liv, kaya kami nandito kasi mahal ka namin. Pwede naman kaming umalis pero ikaw an inaalala namin. Paano ka? Wala kang makakausap. Wala kang kakampi. In short mahal ka talaga namin. Sana maging maayos ang trato sa’yo ni sir Max. Mabait naman kasi ito sa mga tauhan niya.” putol ni ate Ning kay ate Liv.
Sila ang nasakatan ni Dad pero ako pa rin ang inaalala nila. Mas pamilya pa sila kung alalahanin at alagaan ako.
“Sana nga mga ate. Isasama ko kayo paglipat ko.” tugon ko sa kanila na sandaling sumaya pero na lungkot na rin. Mukhang may alam sila na hindi ko alam.
“Callie, hindi kami makakasama. Pero kapag bibisita ka mag bonding tayo–”
“Si Dad ba?” tanong ko na nagpahinto sa babae magsalita. Sabay na bahagya silang tumango sa akin.
Lalo lang akong nakaramdam ng ngitngit sa aking dibdib. Mukhang gusto ni Dad na wala akong maging karamay. Nais niyang makulong ako sa piling ni Max na walang kahit sino.
Imbis na tugunin ko sila ay niyakap ko na lang ang dalawa.
“Papayag ako na hindi kayo kasama basta ‘wag n’yo ng hahayaan si Dad na saktan kayong muli.” mahinang ani ko na mas nagpadiin ng yakap nila sa akin.
Wala na siguro akong magagawa kundi ang sundin ang gusto ni Dad. Matapos kaming mag yakapan na tatlo ay sumama sila sa akin sa loob ng aking silid. Naligo at nagbihis ako bago kami sabay na bumaba. Sa sala ng bahay nandoon ang ilang bodyguard ni Dad. Hindi talaga niya hahayaan na makalabas ako ng bahay na ito.
Papunta na kami sa kumidor ng may isang bodyguard ang lumapit at may inabot na paper bag.
“Kanino galing?” malamig na tanong ko.
“Sa asawa n’yo po—”
“Magiging asawa palang! Sige na alis na.” pagtatama ko sa bodyguard na bakas ang yamot.
“Alaga kalma lang.” sabay na bulong ng dalawang angels ng buhay ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa kumidor ko na binuksan ang paper bag na bigay daw ni uncle Max. Litong lito ako ng makita ang laman ng paper bag. Isang phone na mukhang na set up na. Hindi ko pa man iyon nadadampot at nag-ring na.
“My Husband.” basa ko sa pangalan ng tumatawag. Hinayaan ko lang na tumunog iyon hanggang sa mamatay na. Pero isang mensahe ang pumasok mula sa numero na my husband ang pangalan.
[“This is your safe way out, my future and soon to be my wife”] laman ng text na parang biglang nakapag-paramdam ng ginaw sa akin.
“Safe way out? Means even my own phone is not safe.” wala sa sariling ani ko. Muling na agaw ang atensyon ko ng tumunog muli ang phone para sa isang tawag. Agad na iyong sinagot pero hindi ako nagsalita.
“Wife. Being my wife Callieyah means no one can ever touch, hurt nor manipulate you. You’ll be untouchable. I will guarantee that to you. Kahit sino walang pwedeng sumaling sa ASAWA KO! See you at dinner tomorrow night.” tuloy-tuloy na ani ng lalaki. Hindi ko na nga nagawang sumagot sa kanya.
“Wife.Untouchable. Asawa ko!” Pag-ulit ko sa mga salitang tumatak sa aking isip. Tila mas lalo akong na lito sa mga narinig ko na assurance ni uncle Max.
Susugal ba ako? o mas dapat isipin ko kung paano ako gagawa ng solusyon sa problema na sinusubo ng aking pamilya sa akin.