KUNG noon kahit paano masaya pa ako sa bahay dahil kasama ko sina ate Ning at ate Liv, ngayon literal na naging piitan na ito para sa akin. Para bang ang bagal ng oras sa lugar na ito. Siguro gano’n talaga kapag hindi mo gusto ang mga nasa paligid. Wala kasing kapanatagan para sa aking bahay na aking kinalakihan.
Hindi naman kayang atimin ng konsensya ko ang gumawa ng mga bagong hakbang na hindi sigurado at garantisado. Dahil ang dalawang babae na kasama ko sa lahat ang ani ng magiging kapalpakan ko na gagawin. Kung pwede at kaya ko lang na isama sila gagawin ko. Ang kaso nuknukan ng tuso si Dad lalo na’t limpak na yaman ang kapalit. Tiyak na pati pamilya nila ay idadamay nito sa oras na maglaho kami.
“Hanggang saan nga ba ang kaya kong paglayo?” patanong na ani ko sa aking sarili. Wala nga pala akong ibang lugar na mapupuntahan. Wala akong kilalang ibang kamag-anak ng aking Ina.
Napatunayan ko na mahirap pala talagang maging Diyos ang bagay na kayang bilhin ang kahit na ano, kahit dangal at pagmamahal ng isang tao.
Mas pinili ko na manatili sa isang silid na laging nagpapaalala sa akin sa aking Ina. Nakakalungkot lang na hindi ito pinahahalagahan ni Dad. Ang ibang mga lumang gamit dito niya pinalagay. Mahilig may paint si Mommy kaya may sarili siyang space sa bahay namin.
Ang dating maganda, maaliwalas at masarap sa matang pagmasdan na silid ngayon ay halo-halong gamit ang laman.
“Mom, alam ko may pangarap ka para sa akin. Tutuparin ko iyon. Pero hindi muna ngayon. May mga bagay na dapat ko munang pakawalan para hindi madamay ang ibang mga taong nagpapahalaga sa akin.” ani ko sa may lumbay na tono habang hawak ang lumang paintbrush na laging pinapagamit noon sa akin ni Mom sa tuwing makikigulo sa kanyang pag-paint.
“Magagawa ko rin po ang pangarap natin para sa akin. Pangarap na hindi alam o pinag-aksayahan ni Dad na alamin. Ikaw lang naman ang meron ako. Kasi Dad nasa tabi ko lang siya noong panahon na nandito ka pa.” dagdag kong sabi sabay punas ng luha sa aking mukha na tumakas sa aking mga mata.
Naupo ako sa lumang upuan na gamit ni Mom. Halos sandali palang iyon ng bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na si Dad.
“Ano bang ginagawa mo rito sa bodega?” yamot niyang tanong sa akin.
“Bodega? Talagang gagawin na itong bodega Dad?” hindi makapaniwala na tanong ko sa aking ama.
“Don’t be too sentimental. I love your mom so much. Pero I moved on already. Ang tagal niya ng wala kaya dapat palayain ko na ang sarili ko sa mga malungkot niyang alaala.” tila balewalang paliwanag ni dad sa akin.
Ngayon pati pagmamahal niya sa aking Ina parang pinagdududahan ko na rin. Sinong hindi magdududa? Sino ba ang tunay na nagmahal na ganito ang konsepto ng pag-usad? Maaaring move on siya pero sana may pagpapahalaga pa rin siya sa mga naiwang alaala at bakas ng babaeng kanyang minahal.
“Gano’n po pala ‘yun. Noted Dad! Once you passed away, ipapagiba ko ang buong mansyon para sa way of moving forward ko. Lahat kasi rito ng alaala ko puro malungkot at masakit dahil sa’yo.” plain na ani ko. Minsan hindi ko talaga ma tansya ang bibig ko.
“You!.... Ungrateful b***h! Pasalamat ka at mamaya na ang dinner with max and his family. Kung hindi baka nasaktan na kita. But I can release this to your nanny—”
“Nooooo! I-i-m so sorry Dad. Forgive me. Don't hit them again. Susunod na ako sa gusto mo. Behave lang ako basta ‘wag mo na silang sasaktan.”
“I’m sorry sweety, deal is deal. You pissed me off, I’ll beat them. But you must obey me para naman manatili sila rito kasama mo habang ‘di pa kayo kasal ni Maximus.”
After niyang sabihin iyon tumawa siya at mabilis ang mga hakbang na umalis. Nasa baba kami ng bahay kaya naman ng matauhan ako ay sumunod ako sa kanya. Too late dahil sigawan mula sa kusina ang narinig ko ng sunod-sunod.
Nanginginig man ang tuhod ko ay tumuloy ako sa kusina. Magulo ang buong kusina habang nasa isang sulok si Dad. Tiyak akom maroon din sina ate Ning at ate Liv. Agad naman akong nakahinga ng maluwag ng makalapit sa kanila at mapagtanto na walang bangas ng pananakit si Dad. Pumuwesto ako sa harapan nilang dalawa. Willing akong maging shield nila kung sakaling may gagawin si dad.
“So brave, tama ‘yan. Kailangan mo ng tapang at tapang ng sikmura dahil nalalapit na ang pagiging legal mong Mrs. Davis. Ayusin n’yo ang kalat. ‘Wag na rin kayong magluto ng dinner dahil aalis kami mamaya.”
Naiwan kaming tatlo sa kusina habang ang ibang kanina ay mga nakasilip sa nangyayari na komusyon ay umalis na rin. Hiyang hiya na ako sa dalawa kakahinga ng pasensya. Matapos ko silang tulungan na maglipit kahita ayaw nila ay dumiretso na ako sa aking silid.
“Play along Callie.” sabi ko sa aking sarili, kahit na wala naman pa naman akong nabubuong plano para sa lahat ng ito.
Nang halos oras na para itinakdang dinner. Sinikap ko na magaya ang ayos ni ate Nilda. Pusturang pustura kasi talaga ito lagi, pero sa huli ‘di ko kaya. Hindi kaya ng mukha ko ang maraming kolorete kaya naman ang mga inilagay ko ay inalis ko rin. Imahe at style ko ang aking ire-representa sa harap nila. I’m about to move out ng pumasok si Dad ng walang katok kasama ang isang babae at bading.
“Sabi ko na nga ba. Ipapahiya mo ako. Fix her. You guys have only 30 minutes left.” Ani Dad sa dalawa na mukhang gulat na gulat.
“P-pero sir—”
“I’ll triple your price. Make her stunning na hindi kayang tanggihan ng kahit sinong lalaki na kanyang makakaharap.” putol ni Dad sa pagtutol sana ng babae.
“T-triple? Sure we can do that. Lalo na’t napakaganda naman po ng anak n’yo.”
“Cut the scene and move now. Maghihintay ako sa baba. By the way, Callie I already sent some groceries and extra allowance sa pamilya ni Ning at Liv. So be good, dahil kapag ako nainis, lalayas sila sa mga lupang tinitirahan nila.”
Tanging tipid na tango na lang ang naging tugon ko kay dad. Kahit paano makakaluwag ang pamilya ng dalawang tao na mahal ko. Nakakainis lang na wala akong magawa para sa safety ng love once nila. Ang alam ko ay kanilang mga lupa iyon ngunit mga nakasanla sa bangko.
“Ms. Flores–”
“Callie na lang.” putol ko sa babae na agad naman na ngumiti sa akin.
“Let’s start na Callie baka maging dragon pa ang tatay mo.” tatawa tawang ani ng babae na sinakyan naman ng kasama nito kaya natawa na rin ako.
Magaan ang kamay nila at mabilis ang trabaho. Panay nag puri nila sa physical features ko lalo na sa aking balat na minana ko sa aking Ina. Hindi naman ako maitim at hindi rin maputi. Ang maputi sa amin ay si ate Nilda. Pero ayaw niya no’n kaya lagi siyang nagpapa-tan sa mga clinic. Iniisip ko nga na baka kaya siya gano’n ay laging napupuri ang kulay ng aking balat. Idagadag pa ang compliment ng para akong nakalaan para sa miss universe pageant.
20 minutes lang nila ako ginawa at masasabi ko na okay na okay sa akin ang ginawa nilang light make up. Hindi rin ako nangangati sa ginamit nilang make up. Sinabi ko kasi na maselan ang mukha ko sa mga kolorete na naunawaan naman nila agad.
Bumagay sa suot kong semi-evening gown ang aking ayos.
“Super Dyosa naman ‘yarn! Sana all sa beauty mo. Alam mo mas prettilicious ka kay malditang Nilda.” bulalas ng bading na talagang parang hangang hanga sa aking itsura.
“Shsss…. Sister sila kaya shut up ka na.” saway ng babae.
Natawa tuloy ako at sumenyas na okay lang. Nang halos 5 minutes na lang ay sabay na kaming tatlo bumaba. Gaya ng dati hindi ko na naman naabot ang expectation ni Dad. Nakatitig lang ito sa akin habang nasa kamay niya ang sobre na bayad sa dalawa. Kinuha ng bading ang bayad at nagpaalam na.
Kami na lang ni Dad ang naiwan at sa gilid ng aking mata nakita ko ang pag-silip ni ate Ning at ate Liv. Feeling ko naging kamukha ko si Mommy dahil sa aking ayos.
“You look like your mom. Sa kahit anong aspeto siyang siya ikaw.” mahinang ani ni Dad bago tumayo at lumakad palabas.
Nagkaroon naman ng chance na lumapit ang dalawa sa akin. At tulad ni Dad sinabi nila na kamukha ko si Mom. Masayang masaya ang puso ko pero kailangan ko ng umalis.
Paglabas ko nasa loob na pala ng kotse si Dad. Pagpasok ko kanan na bahagi hinanda ko na ang sarili ko sa kanyang bulyaw pero wala akong narinig mula sa kanya. Ang weird noon pero hinayaan ko na lang. Focus siguro ito para sa magaganap mamaya na dinner at meeting with Davis family.
Sa isang high-end restaurant magaganap ang dinner. Pero ng nadaanan namin ang parking wala ni isang kotse ang nakaparada doon.
“Close ang buong restaurant. This place belongs to the Davis family. Soon, magiging isa ka na sa may-ari nito Callie.” ani ni Dad saktong tapat naman ng kotse sa entrance ng restaurant.
Medyo na sagot naman ng aking ama ang ilan sa mga katanungan ko. Hindi nga pala masukat ang yaman na meron si na uncle Maximus.
Na unang bumaba si Dad tsaka niya ako inakay palabas ng kotse. Isa ito sa first time na ginawa niya for me. Medyo awkward ang feeling. Siguro ay hindi ako sanay na may umaalalay sa akin na lalaki lalo na’t aking ama.
Sa entrance may sumalubong sa amin na mga staff. Lahat sila nakangiting nakatingin sa akin waring isa akong espesyal na tao. Wala akong makapang mali sa kanila kaya naman ngumiti ako pabalik na parang ang dating sa kanila ay nakakakilig.
I felt happy about that. Nasa kalagitnaan na kami ng restaurant ng sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy. Amoy na kilalang kilala ng aking ilong kahit gaano katagal ko iyong hindi maamoy.
Biglang nataranta ang buo kong sistema isabay pa ang pagkalabog ng aking dibdib.
“Ano to?” tanong ko sa aking sarili hanggang sa may humawak sa aking kamay na medyo nanginginig na pala.
“Something wrong? Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital o gusto mong umuwi na?” baritonong ani ng lalaking kanina lang ay naamoy ko palang.
Sa boses, kilos at tindig niya lahat kayang niyang kunin na babae at baliwin. Para naman akong na estatwa dahil sa kanyang presensya, pero inangat niya ang aking baba. Dahilan para magtama ang aming mga mata. I see disappointment on his eyes kaya naman natataranta ako at parang maluluha na.
“What happened to your face? Who ruined it? Tell me, I know your skin is so sensitive.” tanong niya sa kalmadong tinig pero halatang may lihim na ngitngit.
Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng aking atensyon kundi ang detalye na alam niyang sensitive ang skin ko lalo na sa mukha.
“Mas maganda ka kapag natural lang. I don't want to see you wearing make ups. Don't punish yourself with that make up. Magandang maganda ka na Callie the way who you are.” dagdag pa ni uncle Max na mas nagpa-umid sa aking dila.
“Aqui, I already told you na bayaan mo si Callie sa gusto niya. Hindi ba iyon malinaw sa’yo?” baling nito kay Dad na nagpa-alarma sa akin.
“U-uncle Max—” imbis na awatin ko ito ako yata ang naawat niya.
“Uncle Max? That's very un-appropriate. You'll be wife soon, tapos may makakarinig na ang tawag mo sa akin ay uncle Max. Nakakahiya naman yata—”
“I'm sorry my bad, Maxi.” putol ko sa kanya na parang nag-patigil bigla ng mundo ng lalaki.
“Let's go to our table. I believe you know it, Aqui. Lead the way.” pag-iiba ng lalaki matapos dumaan ang dalawang minuto.
Nauna naman si Dad na maglakad at akmang susunod ako ng hawakan ni Max ang kamay ko.
“Let's go. And believe me only my family can call me Maxi. Kahit gano'n I hate it, but you are different. Parang hele ang pagtawag mo sa akin ng Maxi.” sabi ni Max habang mabagal akong iginagaya sa paglalakad.
Aaminin ko na ang sinabi niya ay flattering sa akin. I don't know but suddenly he became normal to me. Kahit pa nakasuot siya ng gintong maskara.
Pagdating namin sa table ipinaghila niya pa ako ng upuan. Kami ang magkatabi habang nasa tapat namin si Dad.
“Who knows, na ang anak ko ang magiging mapalad na kabiyak mo.” panimula ni Dad.
“Aqui hindi maganda ang pag-bukas mo ng topic na ‘yan. I'm an adult and your daughter is at the right age. Maaaring napilitan si Callie dahil wala namang gugusto sa akin, but one thing I'll promise to her. No one will ever gonna hurt her, kahit ikaw pa.”
“M-max naman! Soon mas magiging pamilya na tayo—”
“Let's not talk about that. They're already on the other line.” putol ni Max sa aking ama.
Ayaw ko man na mapahiya si Dad pero suddenly it feels good na may taong kayang kaya siyang blangkahin. Dahil sa sinabi ni Max agad akong napatingin sa malaking monitor. Hindi nagtagal ay bumulaga sa akin ang kanyang pamilya na halos walang tulak kabigin sa ganda at gwapo.