Chapter 4_ Napilitan

1801 Words
MY DAD knows them so well. Samantalang ako’y sa kwento at balita lang sila kilala. Nakita at nakilala kasi sila ni Dad way back 18 years ago. Ngunit kahit gano’n ay parang pati ito naman ay mangha sa pamilya Davis. Wala kasing itulak kabigin sa kahit na sino sa kanila, kaya hindi ko tuloy mapigilan na isipin kung ano ba ang tunay na anyo ng lalaking nasa tabi ko at magiging asawa ko. Nakita ko na siya noon pero masyado pa akong bata kaya hindi ko na tanda. Wala ring makikita sa kahit anong site ng kanyang old photos. Binura na rin ng literal ang kanyang itsura kahit na anong mga site. Palaisipan tuloy kung ano nga ba ang kanyang itsura noon at ngayon. Pero parang blessing in disguise ang aksidente noon kay uncle Maximus. Mas namayagpag ang kanilang business particular ang own business ng huli. Tila may napatunayan ang mga Davis sa business world kaya naging mas malakas at makapangyarihan sila. “Callie ano ba? Callieyah Mace!” Bigla akong nabalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang iritableng boses ni Dad na tinatawag ako sa aking buong pangalan. “Aqui, it’s okay.” Malamyos na ani ng boses ng isang babae na agad kong nilingon sa malaking screen. Hindi naman ako nahirapan na hanapin kung sino dahil kumaway pa ito sa akin. “Hi Callie! Welcome to our family.” ani pa nito bilang pagbati sa akin bilang bagong meyembro ng pamilya. May kung anong kuneksyon akong nararamdaman sa kanya bigla. Actually parang sa kanilang lahat. Ang gaan kasi tanggapin ang mga tingin lalo na nag ngiti nila sa labi habang nasa akin ang kanilang mga tingin. Aaminin ko na nagustuhan ko ang pagtanggap niyanila sa akin. Ewan! Pero parang biglang maluwag na lang sa dibdib ko na tanggapin na pamilya na nga talaga kami. Na sa wakas may mga taong gusto akong maging bahagi ng buhay nila. Ang harsh ko ba? Wala e, ‘yun naman ang katotohanan. “Mom your scaring her—” “No! I’m not scared. I’m just too overwhelmed by your presence and acceptance.” putol ko sa nagsalita na huli ko na nalaman na si Maxi pala. Parang may mali akong nagawa dahil nagtinginan sila sa isa’t isa habang nanlilisik naman ang mga mata ng aking ama sa akin. “Good! Mabuting hindi mo sila katakutan dahil mas kaya nilang maging santo kaysa mga tao.” supladong ani ni Maxi sa akin sabay hawak ng aking kamay. Nagulat ako dahil parang may gumapang sa aking kamay diretso sa aking puso at doon na nanatili. “This is insane guys!” Bulalas ng isa pang babae na sa tingin ko ay hipag ni Maxi. “Sinabi mo pa wife.” segunda ng kuya ni Maxi na siyang tunay naman na unang nakilala ng aking ama. “Tsk. Tumahimik na nga kayong mag-asawa.”sita ni Maxi sa dalawa na kunwari pang takot. “That’s rude.” Mahinang ani ko pero agad lumingon si Maxi sa akin. “Am I rude?” ‘di makapaniwalang tanong niya na agad ko namang tinugon ng tango. Mayamaya ay bumunghalit naman ng tawa ang mag asawa. Napamaang na lang ako. Sino ba naman ang mag-aakala na ang mga Davis ay ganito lang palang kasimple at ka sarap kasama. Partida nasa online lang sila. What more kung personal pa. “Callieyah itikom mo nga ang bibig mo—!” “Shut up! Huli na to Aqui, na gagawin mong sunod-sunuran si Callieyah. She’s now under our protection. What Davis want, Davis gets. Alam mo naman ‘yan. Kaya tandaan mo na pwede niyang sabihin ang kahit anong gusto niya. Hindi naman pipe at de susi ang magiging asawa ko. I already told you, ayoko ng nakikialam. That’s part of our deal.” may diin at puno ng tatag na sabi ni Maxi na pumutol sa paninita ni Dad sa akin. Alam ko naman na gusto lang ni Dad na ma-impress sa kanya ang mga Davis pero parang sa ginagawa niya sa akin mas na disappoint ang mga ito. Dahil pati ang playful na sister in law at kapatid ni Maxi ay naging seryoso. Habang ang parents naman niya ay medyo kalmado. ‘Di ko nga mawari kung ngisi ba ang nakita ko sa labi ng Ina at Ama ni Maxi habang panay ang salita ng huli. Feeling ko biglang nataranta ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi ni Max. Hindi man ito kumilos ng malalaki ang galaw ng bibig at mata niya na kita ay sapat na para iparating na handa siyang lumaban kahit pisikalan man. Dahil doon hindi ko tuloy alam kung anong magiging reaksyon ko. Pero ang tiyak ko lang ay nararamdaman ko ang proteksyon na pangako ng lalaki sa akin. “Enough Maximus! Show some respect, hijo. Ama si Aqui ng magiging asawa mo. And for you Aqui, I hope Maximus made himself clear. Alam mo naman kaming mga Davis, we have are own set of plan and games lalo na kung PAMILYA na ang nakataya.” awat ng Daddy ni Max na si Mr. Leon Davis na parang kaedad lang ng aking ama pero sure naman ako na malayo ang agwat ng kanilang edad. “Nauunawaan ko senyor Leon. Paumanhin rin.” tanging na sabi ng aking ama na tikbi-tikbi na ang pawis sa noo. “Cut the formality. Call us Leon and Marrah. Total ay pamilya na naman tayo.” singit ng mommy ni Max na pumutol sa kakaibang pagkasakal na aking nararamdaman. Dahil sa ‘di maipaliwanag na pag-iisa ng hangin na aming nalalanghap na unti-unting numinipis naman dahil sa taas ng tensyon na biglang namagitan sa magkabilang parte. Kahit ang layo naman ng pagitan namin sa kanila, nasa Pilipinas kami samantalang sila’y nasa Spain parang ramdam ko ang power nila bilang Davis. Ewan ko kung ako lang ba. Pero siguro dama rin ni Dad dahil hindi na siya nawalan ng butil butil na pawis sa kanyang noo. Laking pasasalamat ko na lang na dumating at ise-serve na ang pagkain. Sa hinala ko, galing pa sa Spain ang utos na maghain na sila para naman maiba na ang takbo ng kaganapan. Sa isang iglap biglang bumalik ang vibes ng mga Davis na nawala kanina. Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila. Pero talagang maraming pagkakataon na hinihingi pa nila ang opinyon ko. Ngunit kahit ‘di naman nila ako tanungin ay gusto ko ang tema at plano nila ayon sa takbo ng usapan. Kahit ang kulay ng motif ay gusto ko. Parang kilalang kilala nga nila ako dahil sa wala sa mga sinabi nila ang ayaw ko. Lahat gustong gusto ko at talagang nakikita ko na sa aking isip. “Anything to add on Callie?” untag ng lalaki sa aking tabi. “Nothing! Gusto ko ang lahat—wait! Pwede bang ‘wag natin isa publiko ang kasal?” sagot ko na sa huli ay parang gusto kong pagsisihan. “Why? Ayaw mong malaman nila na ang magiging asawa mo ay mayaman lang pero halimaw—!” “No! That's not true!” putol ko sa kanyang tila pag-aakusa sa akin. “Then tell me your reason.” kalmado ng ani ni Max. Parang nasa lahi nila ang mabilis magbago ng mood. “Gusto kitang itama sa pagtawag mo sa sarili mo ng halimaw. Your not a monster. Mukha mo lang ang nawala hindi ang kung ano at sino ka. Alam mo ang pisikal na anyo mo o ng isang tao ay hindi basehan ng kung ano at sino ito. Maraming ang maganda nga ang mukha pero masahol pa sa hayop at demonyo ang katauhan.” paliwanag ko sa kanya na parang lahat naman ay nagbigay ng hustong atensyon. “Here me out please, Maxi. Dahil ang akin lang naman, okay lang na alam nila at ng mga press na kasal natin ang araw na iyon pero wala silang access sa mismong wedding at venue. Gusto ko kasi maramdaman ang blessing from God, kahit pa nga alam ko na napilitan ka lang sa akin.” pagpapatuloy ko na sabi. Strange feeling ang bigla kong naramdaman ng sabihin ko ang salitang napilitan. Parang ang sakit ng dating. Pero kung tutuusin ay wala naman iyon dapat dahil wala naman kaming unawaan ng lalaki. “You win!” tipid na tugon ni Maxi sabay hilig sa akin. Nabigla ako doon kaya ‘di ako nakaiwan lalo na ng magsalita ito ulit. “Only families and friends lang ang nasa wedding natin. Take it as a warning seriously. Don't ever say that word again. Because next time parurusahan ko ang labi na ‘yan.” ani niya sa ibang tono. Malumanay na waring may halong lambing at pagbabanta. Gusto ko sanang itanong kung anong word iyon pero biglang nagka-ingay na sa screen. Parang kilig na kilig sila at tuwang tuwa habang ang ama ni Maxi ay may kinang ang mata. Pero laking gulat ko ng mag tama ang aming mga mata. “Kindat!” ani ko sa loob ng aking isip. I know kinindatan ako ng ama ni Maxi na magiging biyenan ko naman. “Stop that Dad!” bulalas ni Maxi. “SELOSO!” sabay sabay nilang sabi na lalong nagpalito ng aking isip. “Eat, ‘wag mo silang pansinin.” bulong na naman ng lalaki na mabilis humilig sa akin. “O-okay. Ikaw din kain na. Wala ka pang kinakain.” “I will. Sabi mo e,” Napatitig ako sa lalaki dahil parang ibang atake na naman ang narinig at naramdaman ko sa kanya. Gusto ko na tuloy bumoses at magtanong sa kanila. Baka may lahi silang may mga split personality. “Tigilan mo ‘yan. Matino kaming lahat.” supladong ani ni Maxi na parang nabasa ang lamang ng isip ko. Para tuloy akong na sukol sa kasalanan na hindi naman mabigat pero gusto akong ikulong. Nag-focus ako sa pagkain habang dinededma sila dahil business na ang usapan. Lahat sila may boses at magaling. Si Dad naman ‘di nagpatalo pero wala talaga siya kahit sa ¼ ng husay ng kahit sino sa mga Davis. Masarap ang mga pagkain kaya kumain ako ng kumain lalo na’t lagay ng lagay si Maxi na hinayaan ko lang. Hanggang sa mabulunan ako. “T-thank you.” tanaging nasabi ko matapos akong abutan ng tubig at asikasuhin ni Maxi. “Anything for you.” tugon niya sabay balik sa mga kausap ang atensyon. “Tumigil ka Callieyah. Magiging Davis ka kaya sinasanay ka niyang makuha ang lahat hindi mo pa man sinasabi o naiisip. Walang Davis na kawawa kaya siya ganyan.” kastigo ko sa aking sarili dahil parang kinikilig na ako. Dahil sa paninita ko sa aking sarili biglang nawalan ako ng gana. Ang masayang pakiramdam ko kanina biglang nalusaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD