Kabanata 11

1550 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Daglian akong natigilan sa narinig na boses. Para bang nag-magic at bigla na lamang akong naging tutang takot sa amo. Tumungo ako nang tumayo si Evan na tila ba nagyayabang pa ang mukha. Napakayabang nito dahil pati magandang hubog ng itaas na katawan ay ibinabalandra niya pa sa amin. Nang balingan ako ni Alessandro na siyang nagsalita kanina ay nahiya ako bigla rito. “Okay ka lang ba, Bella? Pagpasensiyahan mo na itong si Jackson at maloko talaga ito.” Hirap akong lumunok bago samaan ng tingin ang kaharap ko na lalaking nagawa pang ngumisi. “Hindi iyan maloko, baliw ang isang iyan. Baliw,” pagtatama ko rito na ikinatawa nang pagak ng kaharap ko. “Maldita talaga. Ang lakas ng loob mo, a. Pasalamat ka na lang at hindi ako nananakit ng babae. Palalampasin ko ang suntok mo sa mukha ko kanina, pero sa susunod na gawin mo pa iyon ay malilintikan ka na sa akin,” anito na hindi naman mukhang naiinis. Tila pa ito naaaliw base pa lamang sa kislap ng mga mata nito at pilyong ngisi sa mga labi. Humalukipkip ako at blangko itong tiningnan. “You deserve it naman. Balak mo pa akong isubsob, e? Sorry at wala akong pinipiling kasarian. Palalampasin ko ang ginawa mo sa akin kanina, pero sa susunod na gawin mo pa iyon ay malilintikan ka na sa akin,” wika ko na may halong panggagaya sa sinabi nito upang pikunin ito. Ngunit imbis na mainis sa akin ay umangat lamang ang sulok ng labi nito, para bang ako pa ang inaasar. “Tara na, Bella,” aya sa akin ni Malik at tinangka pa akong hilahin palayo roon, ngunit nagmatigas ako. “No, sila dapat ang paalisin dito! They are trespassers! Hindi naman kanila itong lupa!” pagmamatigas ko pa. Bakit naman ako papayag na mapaalis sa sariling lupain ng ama ko? No way in hell! Natigilan lamang ako nang tawanan ako ni Evan. Ganoon din ang iba na nagpipigil ng tawa—na hindi ko naman maintindihan kung para saan. Lihim na umigting ang aking panga sa pagkapikon na naman. “Okay, land-grabber. Try harder. Show us your proof that we don’t own this land. Kusa kaming aalis,” panghahamon nito na ikinairap ko. “Ang lupang ito ay pag-aari ng yumaong matanda sa bahay . . .” “Ayoko ng puro laway lang. I need a proof,” putol nito sa sinabi ko. Ikinuyom ko na lamang ang kamay bago ngumisi rito. “Proof? Sige, kukuhanin ko sa bahay at nang maipakita ko sa iyo.” Inirapan ko ito bago talikuran. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang matigilan ako sa naging pagtawa nito na tila nang-uuyam. “Pathetic. Ano pa ang kukuhanin mo roon? Matagal nang ibinenta ng tatay mo ang lupaing ito sa ama ko,” ani Evan na siyang nagpatigil sa mundo ko. Tila ako binuhusan ng napakalamig na tubig, lalo na nang marinig ang sinabi nitong tatay ko raw. Marahan kong ipinihit ang katawan paharap dito, saka natulala sa mukha nito na natigilan din habang nakamasid sa reaksiyon ko. “Excuse me?” Hindi ko man ipinahalata ang gulat sa mukha ay sa loob-loob ko naman, tila nagrarambulan ang mga laman-loob ko. Mapanganib itong ngumisi na naging dahilan ng pag-atras ko. “Oh, sorry, my dear. What I mean is si Mang Timoteo, ’yong asawa ni Manang Criselda,” pagtatama nito sa sinabi ngunit iba ang pakiramdam ko. Iba ang nararamdaman ko sa mga tingin sa akin ng mga magpipinsang kalalakihan. Tila ba may alam sila na hindi ko matukoy. Nag-isang linya ang mga labi ko sa pagbigat ng damdamin. Naisip ko na umalis na lamang doon dahil sa kahihiyan, kahit na hindi matanggap ng damdamin ko na iba na pala ang nagmamay-ari ng lupaing iyon. Nanlabo ang aking mga mata habang mabibilis ang mga lakad, makalayo lamang agad doon. Hindi ko maintindihan, bakit ibinenta ni ama ang lupang iyon sa mga Montehermoso? He knows how much I love that place! Pamana pa iyon ng ama niya sa kaniya bago malagutan ng hininga ang lolo ko! O, wait! Inisip niya ba na talagang wala na ako kaya ibinenta niya iyon? O dahil kinailangan nila ng pera noong panahon na iyon? But whatever it is, masama pa rin ang loob ko. Nagising ako kinabukasan ng alas cuatro. Tulog pa ang mga tao kaya naisip kong magbihis upang dalawin ang aking ina. Ilang araw na lamang ang natitira sa amin dito, at nalulungkot ako sa ideyang hindi kami maaaring magtagal dito. I wish kaya kong pabagalin ang oras. Para makasama ko nang mas matagal ang aking ina habang naririto pa kami sa lugar na naging saksi ng kalungkutan namin noon. Parang noon lang ay ayaw kong magtagal dito, ngayon ay naiiba na. Buntong hininga kong tinigilan ang pagtitig sa repleksiyon ko sa salaming kaharap. Mabuti na nga lang at wala na ang pamumugto ng mga mata ko dala ng sama ng loob kahapon. Ngunit ang lungkot, bakas na bakas pa rin sa mga mata ko. Kinuha ko na lamang ang bag ko bago tahimik na lumabas ng bahay. Ngunit literal na napaigtad ako at napa-atras nang may masumpungan akong nag-iisang bulto ng tao na nakaupo sa tabi ng kabaong ng aking ama. It was no other than Evan na kung makatitig sa akin ay para bang sasakmalin ako. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko kaya daglian kong inayos ang sarili at lumihis ng tingin. Hindi ko na nais pa itong makausap o makita man lang, ngunit nang habulin ako nito ay tila ba bumilis ang pagtibok ng puso ko. Wala akong ideya sa pakay nito kaya’t ramdam ko ang panlalamig sa takot. Nakapasok na ako sa loob ng bahay pero nagawa pa rin nitong hulihin ang magkabilaan kong pulso mula sa likod. “Ano ba!” palag ko rito na pabulong lamang. Wala itong naging imik, ngunit nang takpan nito ang bibig ko gamit ang malaking kamay at sapilitan akong hinila paalis doon ay nanlaki ang mga mata ko sa pagkamaang. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? This is kidnapping! “Hmmp!” Pilit kong pinapalagan ang lalaki ngunit kay lakas ng mga braso nito. Ni ang pagbuhat nga lamang nito sa akin ay para bang kay dali lamang dito. Madilim ang paligid kaya lalo iyong dumagdag sa takot ko. Wala pa rin akong marinig na salita mula rito kaya’t pinilit kong alisin ang mala-bakal na mga kamay nito, ngunit tulad noong una ay bigo ako. Hanggang sa natigilan na lamang ako nang tumapat kami sa bahay nila na may liwanag. Sapilitan ako nitong ipinasok sa gate kaya muli akong pumalag sa galit. Ano ba itong kalokohan niya? Damn it! Natigilan lamang ako sa pagpalag nang masumpungan ko si Sir Martin sa likod ng bahay nila na nag-iinit ng tubig. Ni hindi man lang ito nagulat nang makita ako, para bang expected na nito ang pagdating ko. Really? What is this all about? Huminto lamang si Evan nang makapasok kami sa isang maliit na kubo malapit sa bahay nila. May kulay orange na ilaw roon at almusal na nakalatag sa mesang kawayan. “What is this, ha?” pagalit kong tanong nang mapansing ikinandado nito ang pinto ng kubo. Still, wala pa rin itong imik nang sapilitan akong paupuin sa upuang kawayan sa gilid. Sa harap ko ito naupo na agad kong sinamaan ng tingin. “Hoy! Kinakausap kita!” gigil kong turan dahil sinira pa nito ang lakad ko sana. “Mag-almusal muna tayo . . .” “Isaksak mo sa baga mo iyan. Hindi mo ba nakikita na aalis ako ngayon? May kikitain ako!” Bahagya itong tumigil sa paglalagay ng inihaw na manok sa pinggan sa harapan ko at seryoso akong binalingan. At tila ba ako natameme dahil sa kilabot na nakabalot dito. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at pasimpleng kinutkot ang maliit na kadena ng aking shoulder bag. “Sino ang kikitain mo at saan?” Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga nito. Ipinagpatuloy nito ang paglalagay ng kanin at chicken sa plato sa harapan ko. Tumigas ang aking mukha. Dinala niya ba ako rito para lang may makasama siya sa almusal niya? Ang tigas naman ng pagmumukha niya. “ None of your business, manong,” pabalang kong tugon. Walang naging reaksiyon ang mukha nito at kaniyang plato naman ang nilamanan. “Let’s eat. Masarap itong gawa ko.” “Ayoko nga sabi, e. Baka may lason pa ’tong ipakakain mo sa akin o ’di kaya ay may gayuma. Salamat na lang, manong,” asar kong turan dahil nauubusan lang ako ng oras dito. “Enjoy na enjoy ka sa pagtawag sa akin ng manong, a. Para namang hindi mo ako kilala.” “Hindi naman talaga. Sino ka nga ba ulit? Ah, ’yong sundalong patpat na inangasan ako noong una. Ang yabang,” daldal ko pa ngunit naging dahilan lamang iyon ng paglabas ng maliliit na ngiti nito. “I’m sorry . . .” Tumigil ako at napatitig sa mukha nito. Hindi ko alam kung imahinasiyon ko lamang ba o sadyang may lalim at kakaiba ang nakapaloob sa mga mata nito? Para bang may kakaibang bigat at kaseryosohan sa pag-sorry nito. Hindi ko alam . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD