Kabanata 9

2074 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella “Oo, para kang artista rito dahil pinag-uusapan ka simula nang dumating ka rito,” ngingiti-ngiting sambit nito na ikina-iling ko na lamang. “Pero hindi ba kayo maaaring magtagal dito? Kahit dalawang linggo lang? Ang dami mo nang na-miss sa lugar na ito, e.” “I can’t, Malik. Kailangan naming bumalik agad sa Manila dahil may work ang Tita ko roon. Kaya pasensiya na,” malungkot kong saad dito. Tinanguan ako nito at nginitian. “Ayos lang. Naiintindihan ko naman,” anito sa marahang tono. “Oo nga pala, wala ka bang gagawin ngayong umaga? Marami kaming naaning abokado kanina na hinog na. Gawa ulit tayo ng abokadong may gatas at yelo. Nais mo ba?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at agad na naglaway. Wow! Bihira na lamang akong makatikim niyon dahil ang mamahal ng mga abokado sa amin. Dito ay libre lang lalo na at galing sa taniman nina Mang Solis at Malik. Tuloy ay lumapad ang ngiti ko rito. “Sure, sure. Libre ako ngayon.” Dumating ang ama nito na may dalang mais na naglalakihan. Agad akong nagpasalamat sa mabuting matanda. Naghugas kami ng mga kamay ni Malik bago kapuwa na pinapak ang mais. “Diyan lang muna kayo at bibili lang ako ng gatas at yelo sa plaza,” paalam ni Mang Solis na daglian kong nginitian. Muli kaming naiwan ni Malik doon na nahuli ko na namang nakatitig sa mukha ko. Natawa na lamang ako sa isipan at agad na inubos ang pagkain. Sunod naming hiniwa at kinayod ang mga hinog na abokado kaya lalo akong natakam. Marami rin iyon kaya bahagya kaming natagalan. Binalingan ko ang lalaki na nakangiti na naghihiwa. “Bakit pala ang dami? Mauubos ba natin ito?” takang tanong ko na ikinailing nito habang nakangiti pa rin. “Bibigyan din kasi ni ama ang mga kapit-bahay dahil marami ito.” Cute. Napakabuti talaga ng puso nilang mag-ama. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang ama nito na may dalang maraming sachet ng gatas at isang plastik ng ice cube. Tila pa ako nanlamig nang makarinig ng mga boses, at lalo naman nang magsipasukan ang mga pamilyar na mukha sa salang kinalalagyan namin. Unang nagtama ang tingin namin ni Evan na naunang pumasok. Saglit itong natigilan bago mandilim ang mukha. “Ate! Kaya pala hindi kita mahagilap, nandito ka lang pala. Hu-hu! Ang daya!” himutok ni Megan na ikinaigtad ko. Daglian itong tumabi sa akin at sinilip ang ginagawa kong pagkayod ng avocado. Tila ako nanigas sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat. Hindi ko naman inaasahan na dadalhin pala ni Mang Solis ang mga nakatambay kanina sa plaza. Inakala ko na aabutan lamang sila mamaya. Hindi agad ako naka-imik at ngumiti na lamang nang pilit sa babae na hanggang ngayon ay nakanguso. Lumapit din si Venus na natatakam sa ginagawa namin ni Malik. “P-Pasensiya na, Meg. I had to help him with this,” tugon ko ngunit hindi na ito nakapagsalita pa nang may malalim na boses na sumabat. “How did the two of you meet?” Si Cain na ngumisi sa lalaking katabi ko. Iniwasan ko itong tingnan habang patuloy pa ring kinakayod ang avocado. “Sa tapat ng gubat. Mabait siyang tao at inalok pa ako ng almusal kaya friend ko na siya,” turan ko na pasimpleng ikinatawa ng lalaki. Siniko ko lamang ito bago tapusin ang ginagawa. Halos isang pitchel din ang nagawa namin at may natira pang halos kalahating sako ng abokado. Binuhusan ko iyon ng gatas at asukal, hinalo nang maigi bago ilagay sa halos bente pirasong styro cups na may ice cube. Nagsikuha rin ang mga ito matapos at nagpasalamat. But I noticed someone na hindi man lang tumayo para kuhanin ang isang cup na natira. Daglian kong inilibot ang tingin sa grupo ni Meg na nasa harapan namin, at napansin si Evan na nahuli kong mabibigat ang mga tingin sa akin. Tila ako nabato dahil doon, ngunit agad din namang nakahuma. Ano na naman kaya ang problema nito sa akin? Kung ayaw niya ng abokado, edi huwag. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing-iling. Hindi ko siya maintindihan. “Guys, join us later. Maglalaro kami sa plaza,” aya sa amin ni Zeus ikinabaling ko rito. Nag-alangan pa ako ngunit pumayag si Malik at inudyukan pa ako. Sa huli ay um-oo na lamang din ako rito. Pero ang mukha ni Hope at grupo ni Criza sa tabi ay nangasim. For sure, nagseselos ang mga ito at baka agawin ko ang kaniya-kaniya nilang pantasiya. Tss. Nakakairita ang mga ganitong klase ng babae. Wala bang trabaho ngayon itong grupo ni Criza at patambay-tambay ngayon? Ang tagal na nilang umaasa sa mga lalaking kapatid at kaanak ni Meg, hindi pa ba sila nagsasawa? Simula nang dumating sila rito, hindi ko na na-enjoy ang pananatili sa bahay ni Malik. Mukha ring hindi masiyadong gusto ni Malik ang presensiya ng iba roon. “Kuya, ayaw mo ba kumain?” dinig kong tanong ni Megan. Nakatingin ito kay Evan na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. Hindi umimik ang lalaki ngunit tumayo naman na may bakas ng iritasiyon sa mukha. Hindi ko alam kung para saan. Nilingon pa ako nito nang may masamang tingin bago kuhanin ang nag-iisang baso roon na naiwan. Natigilan tuloy ako sa ginawa nito, takang-taka kung ano na naman ba ang ginawa kong mali para magkaganoon siya. Kung isa lamang ito sa mga epekto ng pakikipaglaban niya bilang sundalo, maiintindihan ko pa. Nang matapos kami sa pagkain ay nagkuwentuhan pa sila roon nang halos kalahating oras. Usually, mga lalaki ang maiingay sa kanila, pati na ang mga papansin na babae. Napailing-iling ako at naupo sa sementadong upuan na naroon sa plaza. Agad na inihanda ng ilan ang net para makapagsimula na ng volleyball. Naupo sa tabi ko sina Venus at Meg ngunit wala sa mga ito ang atensiyon ko. Diretso lamang ang tingin ko sa court, pero parang nang-aasar talaga sa akin si Evan dahil nagawa pa nitong maupo sa tabi ko gayong napakalaki ng espasyo ng sementadong upuan na iyon. Ibinaling ko na lamang kay Meg ang atensiyon ko na nakangiti sa akin at napahinga nang malalim. “Alam mo, Ate. Ang daming nagkakagusto sa iyo rito. Naku! Kapag naglaro na tayo ng volleyball ay baka ipagsigawan nila ang name mo. Teka, naglalaro ka ba ng volleyball, Ate?” Muli akong napahinga nang malalim. Nginitian ko na lamang ito nang tipid. “Yup, naglalaro ako niyan. By the way, sino ba ang magkakakampi?” tanong ko’t tinanggap ang ibinigay nitong chewing gum. Sumubo rin ito niyon kaya natawa na lamang ako. Binigyan pa nito si Venus na sumali sa pagnguya namin. “Tayo ang magkakakampi, Ate Bella, together with my cousins. Ang natira ay tiyak na kampon na iyan ni Criza. Pwe, ayoko nga makalaro iyan sila. Kaso masiyadong papansin sa mga kuya ko at sunod nang sunod,” maktol nito na ikinangiti ko na lamang. Ayokong magkomento at baka mapasama lamang ako lalo. “Hi, Bella. Galingan mo mamaya, a? Nasa iyo ang suporta ko,” sulpot ni Malik at hinaplos pa ang ulo ko. Daglian kong tinapik ang kamay nito nang pabiro. Tumawa pa ito dahil alam nitong ayaw na ayaw kong ginaganoon ang ulo ko. “Salamat, Malik. Ikaw rin mamaya sa laro ninyo,” ganti ko rito na ikinalabas ng ngiti nito. Mayamaya ay naupo ito sa ’di kalayuan. Natapos ang pag-aayos nila sa net kaya hinila ako ni Meg palapit sa mga pinsan niyang babae, including Alessandro’s Japanese wife. Tiyak na maglalaro rin ito dahil halata ko ang excitement sa mukha nito. Wala rin ang mga anak nila rito, tiyak na naglalaro sa bahay ng pamilya ni Meg. Ilang minuto kaming nag-usap-usap doon para sa posisyon namin at dapat na gawin. Tutok na tutok ako sa mga ito na halos hindi ko na namalayan na may pares na pala ng mga mata na nakamasid sa akin. Nilingon ko si Evan at kinunotan ito ng noo dahil sa kakaibang klase ng pagtitig nito sa akin. Daglian ko rin namang ibinalik sa harapan ang atensiyon at tumiim-bagang. Nakakainis naman ito kung tumingin. Makaraan ay pumalakpak ang pinsan ni Meg na ikinatayo ko nang tuwid. Nag-cheer pa si Malik sa tabi kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti. I miss playing volleyball . . . Nang makapuwesto na ang lahat ay nag-good luck pa sa akin sina Venus at Meg na tinugunan ko naman ng isang good luck din. Si Zeus ang isa sa mga nagsilbing referee roon na may subo-subong pito. Nang pumito ito ay pinalo ng kabilang panig ang bola. Ako ang nasa likuran kaya daglian kong napalo pabalik ang bola na ikinahiyaw ng mga nanonood. Hindi ko na pinansin pa ang mga iyon dahil masiyado akong seryoso sa paglalaro. I just want to defeat Hope and Criza’s group, para mabanas ko ang mga itong muli sa laro. Ngumisi ako nang pasimple kay Criza na pasimple ang masasamang tingin sa akin dahil lahat ng tira nila sa amin ay naibabalik namin. Hindi ko alam na magaling palang maglaro sina Meg, at Venus na ngayon ko pa lamang nakitang naglaro. Mabuti nga at natuto na itong makihalubilo sa iba. “Ang galing ni Bella! Woo!” palakpak ni Malik na todo kung makasuporta sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi. Lamang kami ng puntos sa kabilang panig kaya hindi maipinta ang mga mukha nila. They all look annoyed, mga walang sportmanship. Nang ipasa sa akin ni Meg ang bola ay pumuwesto ako sa likod at napahinga nang malalim. Sinulyapan ko pa ang mga kasama ko na tutok sa mga kalaban. Ngumiti ako nang pang-asar sa kabilang panig bago paluin ang bola upang tumalbog sa sementadong sahig. Maka-ilang ulit kong ginawa iyon bago ihagis sa ere ang bola at paluin. Ngunit ang lahat ay natigilan—maging ako nang tumama ang bola sa noo ng tatanga-tangang si Criza na nasa bandang gitna nakapuwesto. She was looking at Evan na pangiti-ngiti sa gilid sa hindi ko malamang dahilan. Nang matumba ito ay tinangka pang saluhin ni Hope na pinakamalapit dito, ngunit sa kasamaang palad ay natumba rin ito nang masanggi ni Criza. Plakda ang dalawa sa sahig, habang ako ay napaawang ang bibig. What the heck? Tumayo ako nang tuwid at napakamot ng ulo. Panira naman ang ganitong eksena. Nasa kalagitnaan na nga ang laban, e. “Huy, okay ka lang?” sulpot sa tabi ko ni Malik na ikinakunot ng noo ko. “Ha? Bakit ako? Si Criza ’yong natamaan, not me.” Bumuhanglit ito ng tawa at pinisil ang pisngi ko. “Ikaw nga, Anabella. Tsk. Nag-aalala lang ako at baka nag-iisip ka na ng kung ano ngayon. Baka nagi-guilty ka na,” paliwanag nito na natatawa pa rin. Nagkibit-balikat ako at uminom ng tubig. “I am not guilty. Kasalanan niya iyon dahil this a sport. Focus is a must,” turan ko bago lapitan ang nakaupo sa sahig na sina Hope at Criza. Ang mga kakampi nila ay alalang-alala sa mga ito. Inalok ko pa ang kamay ko sa mga ito ngunit sinamaan lamang nila ako ng tingin at malakas na tinapik palayo ang kamay ko. Hindi ako umimik at hinayaan na lamang ang mga ito na tumayo. Ang mga kasama nila ay masasama na rin ang titig sa akin. Nagkibit-balikat ako at nablangko ang mukha. Pikon naman ng mga ito. Nabigla na lamang ako nang itulak ako ni Hope sa magkabilaang balikat. Napa-atras ako at agad na ibinalanse ang katawan upang hindi matumba. “Problema mo?” kunot-noong tanong ko rito na amba na namang susugod sa akin. “Ikaw! Kanina ka pa papansin dito! Gosh, tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa amin! Sira na ang balat ko!” gigil nitong sambit kaya itinagilid ko ang ulo. Saglit pang bumaba ang tingin ko sa tuhod nito na nagasgasan at isang may hiwang balat, bago ibalik sa nanggagalaiti nitong mukha ang atensiyon. “Gasgas sa tuhod lang iyan at maliit na cut. Gagaling din agad, unless malala na ’yang diabetes mo,” anas ko na ikinatawa ng ibang mga kasama ko. Doon umusok ang ilong ng half-sister ko. Bago pa ito makalapit sa akin upang hablutin ang buhok ko ay gumilid na ako. Pinalala ko lamang ang sitwasiyon dahil sinundan ako nito pati ni Criza na naaasar na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD