Kabanata 8

2147 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Isang natutuwang tawa ang kumawala sa bibig ko at napahagod ng buhok. “Mang Berong naman! Hindi po ba ninyo ako namukhaan? Si Sweet Anabella Avila po. ’Yong anak ho ni Lucia Monteverde,” ngiting pakilala ko rito, dahilan upang mamilog ang mga mata nito sa gulat. “Hija! Talaga bang ikaw na iyan? Ang laki na ng ipinagbago mo, a!” gulat na gulat na sambit nito. Ngumiti na lamang ako at nahiya rito. “Oo nga ho, e. Hindi na po kasi ako babad sa araw tulad ng dati, kaya heto at bumalik na sa tunay na kulay. Graduated na rin po ako sa eating disorder ko at inayos na ang sarili kaya hindi na tulad noon na mataba. Okay na po ako ngayon,” masayang sambit ko. Masakit man ang nakaraan, at least ay um-okay na ako ngayon. Kahit papaano ay hindi na masiyadong nahihiya magpakita sa ibang mga tao. “Kayo po pala. Kumusta na po?” Napangiti ito at tila ba masayang-masaya para sa akin. “Maganda naman ang buhay ko ngayon, Sweet hija. Ang good news nga ay maganda ang progress ng mama mo nitong mga nakaraang taon. Labis siyang naapektuhan noong malaman niya na nagbigti ka raw. Naku! Hanggang dito ay nakarating sa amin ang balitang iyon. Hindi naman pala totoo dahil buhay na buhay ka ngayon.” Awtomatiko akong natigilan at nanigas nang mabanggit nito ang tungkol sa aking ina. Tila ba sumikdo ang puso ko sa nalaman na may magandang pagbabago rito. Napaluha tuloy ako at masayang natawa. Agad din namang nawala ang masaya kong mukha nang mapagtanto ko ang huling sinabi nito. Tarantado talaga ang Hope na iyon. Pati tuloy ang ina ko ay naapektuhan dahil sa ipinakalat nito. Kung hindi pa ako napadpad muli sa probinsiya naming ito ay hindi ko pa malalaman na patay na pala ang pagkaka-akala sa akin ng mga tao rito. “Hindi ko naman kaya ang magbigti, Mang Berong. Masakit kaya iyon.” Idinaan ko na lamang sa biro ang bagay na iyon. “O, siya. Pumasok ka na para madalaw mo na ang mama mo. Nakikiramay pala ako sa itay mo, hija.” Ngumiti ako rito at nagpasalamat, bago tanggapin ang susi na inabot nito. Halos manginig pa ang mga kamay ko nang buksan ko ang pinto ng bahay-ampunan. Walang katao-tao roon at tiyak na tulog pa ang lahat. Tila ako dinaga ng kaba at excitement nang masilayan ko ang pinto ni Mama. Wala pa ring ipinagbago ang lugar na iyon. Nakaka-miss masiyado. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ni Mama ay daglian kong nahigit ang hininga. Tumambad sa akin ang payapang natutulog na ginang sa kama nito. Doon unti-unting pumatak ang aking mga luha. Binalot ng kakaibang tuwa ang puso ko nang masilayan kong muli ang mukha nito. Hanggang sa namalayan ko na lamang na ilang minuto akong napatitig dito. Sunod-sunod na kumurap ang aking mga mata at agad itong nilapitan. Manginig-nginig ang mga daliri ko nang subukang haplusin ang buhok nito na katulad lamang sa akin. Malalaki ang kulot niyon na namana ko. Lalo itong pumuti rito, ngunit ang mala-anghel nitong mukha ay ganoon pa rin kahit na nalipasan na ng panahon. I smiled on that thought. Na-miss ko talaga siya nang sobra. “Ma?” A soothing voice was enough for her to wake up. Hindi ako nag-react nang mapabangon ito at lumayo sa akin nang magmulat ng mga mata. “Don’t worry, Ma. Ako po ’yong anak ninyo, si Sweet. Good morning po at pasensiya na kung ginulat ko kayo.” Dahan-dahan itong kumalma, still, hindi pa rin makapaniwala. Napangiti na lamang tuloy ako bago maupo sa kama nito. Ibinalandra ko rito ang dala kong mga pagkain at mga kagamitan na alam kong makatutulong sa kaniya rito. “S-Sweetie, i-ikaw na ba iyan?” Marahan itong lumapit at sinuri ang mukha ko at buhok, ni hindi pinansin ang dala ko. “Ikaw na ba talaga iyan? A-Akala ko ba . . .” I immediately stopped her. Ayokong makarinig pa ng tungkol sa bagay na iyon. “Ma naman, buhay na buhay ako, o? Basta asahan mo na kapag galing kay Hope ang balita, puro kasinungalingan iyon.” Sa huli ay mahigpit ako nitong niyakap. Wala akong ginawa upang pigilin ang mga luha nito. Paulit-ulit nitong binanggit ang pangalan ko habang tila ayaw akong pakawalan. Kakaibang saya ang bumalot sa puso ko dahil doon. Nakatutuwa na nakakausap ko na ito nang maayos, nang hindi nagwawala. She recognized me—sa wakas! At iyon ang mas nakatutuwa para sa akin. “Ma, pasensiya na ho kayo kung ngayon lang ako nakadalaw muli, a? Ano-ano po pala ang mga ginawa ninyo rito upang maglibang?” tanong ko matapos ang yakapan namin. Ibinigay ko rito ang gatas at tinapay na paborito nito. Natigilan pa ito at lalong naluha dahil hindi ko kinalimutan ang nais niyang pasalubong ko lagi sa kaniya. Daglian nito iyong niyakap at muli akong binalingan. I spent my hours there talking to her. Unfortunately, hindi ako maaaring magtagal pa roon nang sobra. Kaya bago pa sumapit ang alas siete ay nagpaalam na akong aalis. Nangako naman akong babalik-balikan ko siya rito araw-araw. And if possible, maidala siya sa Manila upang makasama ko na. Sapat naman na ang naipon kong pera upang makapagrenta ng bahay para rito upang makasama ito palagi. Nagpasalamat din ako kay Mang Berong na napakabuti sa akin. Masaya lamang ako na nakikipag-participate na ito sa mga aktibidad dito kaya kahit papaano ay nalilibang. Hindi maawat ang mga ngiti ko kahit nang mamili ako sa bayan ng lulutuin kong ulam para mamaya. Nilakad ko lamang ang daan pauwi upang makapagpapawis. Ngunit nang mapadaan ako sa plaza ng lugar namin ay daglian akong natigilan sa nakita. Amba akong iiwas nang tawagin ni Meg ang name ko, pati na ng isang lalaki na napaka-bully sa akin noon. Some guys there were playing basketball, natigilan nang mapansin ako. Ang iba namang pinsan ni Meg ay nakaupo lamang sa sementadong mahabang upuan doon habang umiinom ng kape at nag-aalmusal. Tahimik nilang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko, lalo na ni Evan na natigilan sa ambang pag-inom sa mug nito . . . Kung maaari lang maglaho sa puwesto kong iyon. Malamang ay ginawa ko na. At kung nakamamatay lang ang mga titig nila, kanina pa ako nakabulagta rito. Nang subukin kong iiwas ang tingin ay hinabol ako ni Megan at Venus na kapuwa kumakain pa ng saging na nilaga. “Ate, sorry sa nangyari kaninang madaling araw,” ngusong sambit ni Meg na inabutan ako ng dala nitong saging. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti at natawa sa mukha nito at inaalok na pagkain bago tanggapin. Ang inosente nitong mukha na may bahid ng pagkakonsensiya ang nagpahupa sa kaunting galit sa puso ko. Galit dahil sa ginawa ni Evan kanina. “Okay lang. Hindi naman ikaw ang kapatid mo.” Itinaas ko ang mga pinamili. “Sige na, uuwi na ako at galing pa akong bayan. Good morning,” sambit ko na lamang upang makaalis na mula sa pagtitig sa akin ng mga kasamahan nito sa plaza. Nang tangkain kong maglakad ay daglian akong pinigil ng babae na lalong humaba ang nguso. “Samahan mo naman kami roon, Ate. Tiyak na mae-enjoy mong makasama ang mga kapit-bahay namin dito na halos kaedaran lang natin. Mababait iyan sila at mamaya pa ay maglalaro kami ng volleyball. Maganda iyon! Sige na, please?” Awtomatiko akong natigilan at natulala sa kawalan. Volleyball? Saglit kong binalingan ang court sa plaza at napalunok. I caught Hope and Criza’s group glaring at me. Ayaw na ayaw sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Are they insecure? O baka nag-aalala sila na may gusto ako sa isa sa mga magpipinsan o mga kapatid ni Meg? Crazy. Never ako magkakagusto sa mga mapanglait na mga lalaki na tulad ng mga kapatid ni Meg. Huminga ako nang malalim at tumango sa dalagita na ikinatuwa nito. “I’ll join you later. Magpapalit lang ako ng saplot,” turan ko bago dali-daling umuwi sa bahay. Pinaghandaan ko ng almusal ang mga bata at pusa bago magpalit ng pajama at shirt, ngunit hindi para makipaglaro ng volleyball sa kanila. Pupunta na lamang ako sa tambayan ko. Bakit naman ako sasali sa grupo nila? Tiyak na paiiyakin na naman ako ni Evan. Matapos ang gawain ko at pagluluto ay daglian akong umalis at baka puntahan pa ako ni Meg dito. Makulit pa naman ang dalagitang iyon. Saglit pa akong sumilip kay ama dahil kakaunti lamang ang naroon, bago dali-daling nagtungo sa gubat. Ngunit daglian akong natigilan nang makasalubong ko si Malik na kagagaling lamang sa loob ng gubat. He’s not wearing his shirt habang may pasan-pasan na sako ng mga lanzones na naglalakihan. Hanggang sa lumampas ang tingin ko rito at napunta sa ama nito na may buhat-buhat ding isang sako ng avocado, tiyak na galing sa taniman nila sa kabilang lupain. Natigilan din ang mga ito nang makita ako. Nagkatitigan kami ni Malik na tila namutla ang mukha. Mayamaya’y tumabingi ang ulo nito at mas lumalim ang titig sa akin. “S-Sweetie? Ikaw na ba iyan?” I stunned. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan sa naging tanong nito. Did he recognize my face? That fast? Hindi agad ako naka-imik. Nang manghina ako ay daglian akong umiwas ng tingin sa lalaki na agad naibaba ang pasan na sako. Amba itong lalapit sa akin nang umatras ako at tinalikuran ito. But he was so fast. Nahuli agad nito ang pulso ko bago pa man ako makalayo. Ramdam ko ang kagaspangan ng palad nito ngunit hindi ko ininda. “Sweetie, ikaw iyan, hindi ba? Alam ko ikaw iyan,” tarantang anito kaya’t hirap akong lumunok. Sa wakas ay hinarap ko ito, ngunit bakas na sa aking mga mata ang luha dahil sa pamimilipit ng puso ko. He’s a grown up man now. Just like before, gentle pa rin ito pagdating sa akin. Nang lapitan kami ng ama nito na mabait din ay tuwang-tuwa ito. “Sweet hija! Ang laki na pala ng ipinagbago mo. Maligayang pagbabalik sa ating probinsiya,” magiliw na anito kaya halos kapusin ako ng hininga. H-How? Iyon ang tanong na paulit-ulit na sumagi sa isipan ko. Nang hindi ako naka-imik dala ng gulat ay napangiti ang binata. “Akala ko talaga totoo ’yong sinabi ng ate mo noon. Mabuti na lang talaga at hindi ako naniwala sa kaniya kasi alam ko na hindi mo magagawa ang bagay na iyon. Kilala kitang matapang na babae simula noon, Sweetie. Naku! Tandang-tanda ko pa ang hugis ng mga mata mo at labi.” Napatungo ako sa narinig. Matapang? Really? If I was that strong and brave enough then, why didn’t I fight for myself? Hinayaan ko na lamunin ako ng kapighatian at lungkot—ng kadiliman. Kung hindi pa ako tinulungan ng ibang tao noon, baka aning-aning pa rin ako hanggang ngayon. Mapait akong ngumiti at mariing kinagat ang ibabang labi. Hindi ko namalayan na niyakap ko na nang mariin ang lalaking kaharap at ang ama nito. “I-I’m sorry . . .” Dinig ko ang pagtawa ng binata at hinaplos ang likod ko. “Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Tiyak naman na may dahilan ka kaya nagmamaang-maangan ka. Pero huwag kang mag-alala, naiintindihan ka namin,” anito, tuloy ay napalitan ng masayang ngiti ang kanina’y kapaitan sa mga labi ko. Inaya ako ng mga ito na kumain sa kanila kaya naman hindi na ako tumanggi. Miss ko rin naman na kumain doon sa bahay nila. Hindi kami dumaan sa plaza at sa may kakayuhan lamang. Mabuti na rin iyon upang hindi ako makita ni Megan. Pagdating namin sa bahay nila ay umawang agad ang aking bibig. Ang dating kubo nila ay napalitan na ng sementadong bahay. Pero tulad noon, wala pa ring katao-tao sa bahay nila maliban sa kanilang dalawa. “Upo ka muna, hija. May nilaga kami rito na mais at bagong ani lang namin,” anang Mang Solis na tuwang-tuwa akong pinaghila ng upuan. Natawa tuloy ako rito bago magpasalamat. “Naku, Malik. Asikasuhin mo muna ang ating bisita at ihahanda ko lang ang makakain,” baling nito sa anak na agad tumango. Nang iwan kami ni Mang Solis ay bumaling ako sa binata na nahuli kong nakatitig sa akin. “Kumusta na pala ang buhay natin? Ang laki na rin ng ipinagbago mo ngayon, Sweetie. Hindi ako makapaniwala na napakaganda mo na ngayon. Artistahin ang dating,” anito na ikinatawa ko. “Grabe ka naman. Artistahin talaga? By the way, okay lang naman ang aking buhay. Licensed agriculturist na rin ako now. Maganda naman ang buhay sa Manila lalo na kung may work ka. Pero nakaka-miss pa rin ang probinsiya natin. Sadly, after ng libing ni tatay ay aalis na rin kami rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD