Kabanata 17

3384 Words
Anabella Matiim ko itong tiningnan bago matawa nang pagak. Tumusok ako ng pagkain gamit ang tinidor bago magsalita. “Why you look pathetic right now, soldier?” imbis na sagutin ito ay bumato ako ng isa pang tanong. “Just answer me, woman.” Tila pigtas na agad ang pasensiya nito. Lihim kong naikuyom ang kamay. Ang gaspang talaga ng pag-uugali. May nalalaman pa siyang sorry-sorry kanina. Tinaasan ko ito ng kilay at inabanduna ang pagkain na inihanda niya. Nakakawalang gana kung ganito ang kaharap ko sa pagkain. “Hindi ko naman obligasiyon na sagutin ang mga tanong mo. Who are you?” Pabalag akong tumayo. “Demanding ang puta. Hanap ka ng kausap mo.” Kung banas siya sa akin, mas banas ako sa kaniya ngayon. Kinuha ko ang susi sa gilid at inalis ang lock ng pinto. Sinundan lamang ako ng tingin ng Señor nang umalis ako sa lugar na iyon. Dali-dali ang aking ginawa upang makalayo lamang doon at makadiretso na sa aking ina. Mabibilis ang aking mga lakad kahit na alam kong hindi na ako sinusundan pa ni Evan. Saka lamang ako kumalma nang masumpungan ko na si Mang Berong na naroon na. Isang matamis na ngiti ang naging pagbati ko rito bago nito iabot sa akin ang susi. Bitbit ko ang isang plastik ng mga gatas at tinapay para kay Nanay nang pasukin ko ang tahimik na bahay-ampunan. Dumeretso ako sa kuwarto nito at naabutan kong nakaupo sa kama. Napatigil ako at tumitig dito na nakatingin sa akin. Napangiti tuloy ako nang mapansin ang aliwalas sa mukha nito. “Magandang umaga, Ma. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?” Pag-abot ko pa lang sa dala ay agad niya na iyong kinuha at ngingiti-ngiti akong tiningnan. “Okay lang, Sweetie anak. Masaya ako na makita kang muli. Sana nga, nandirito ka palagi,” anito na may pahabol pa. Napamulagat ako at natigilan. Sa huli ay isang pigil na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Ma, kukuhanin kita rito, okay? We will live in Manila. Just wait a bit kasi isang linggo lang ako rito. Kaunting tiis lang naman at magkakasama na muli tayo,” natutuwa kong turan, and at the same time ay medyo nalulungkot. Alam ko na pagkatapos nitong pagdalaw ko ay maghihintay pa akong muli ng isa pang madaling araw para makasama siyang muli. “Mang Berong, punta ho ulit ako rito bukas,” anas ko sa guwardiya na nakangiting tumango sa akin. “Sige, hija. Ingat ka.” Sumaludo pa ito na ikinatawa ko na lamang. Lumabas na ang haring araw nang makaalis ako sa lugar na iyon. Sa bayan ako dumeretso upang makabili ng lulutuin bago umuwi sa bahay. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang maabutan si Cahel na nakikipaglaro sa labas kasama ang mga bata. Nagluto lamang ako ng agahan bago magpahinga sa higaan at inaliw ang sariling pag-iisip. Tahimik kong hinaplos ang dibdib habang nakasandal sa dalang bag, bago ibaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko na naman maiwasang hindi alalahanin ang nakaraan ko sa lugar na ito. Miss na miss ko na itong lugar na ito, pero hindi ko talaga kayang magtagal. Mabigat pa rin sa dibdib. Pilit na bumabalik ang mga alaala ko kung papaano ko saktan ang sarili noon—na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. So many ‘I shouldn’t have done that thing’ in my mind. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at hinayaan ang sarili na hilahin ng antok. Ngunit bigla akong napabalikwas nang may maalala. My diary! Mabilis kong kinalkal ang dalang bag at hinanap ang makapal kong notebook na ginawa kong talaarawan. It’s too old, pero nababasa pa naman ang bawat salita. Hindi ko naman iyon magawang itapon kahit pa masasakit ang mga totoong kuwento ko roon na isinulat noong paslit pa. Naupo ako sa gilid at marahan iyong binuklat. Bumungad sa akin ang aking pangalan at ilang disenyong bulaklak. Sweet Anabella’s Diary . . . Nang ilipat ko sa kasunod na pahina ay bumungad na sa akin ang unang araw na isinulat ko iyon. Hindi ganoon kagulo ang sulat ko kaya madaling mabasa, hindi rin naman gaanong maayos, gawa ng isinulat ito ng paslit na kamay. Makailang ulit ko na itong binasa matapos kong maka-recover physically and mentally noon. Pero ang sakit, naroon pa rin sa bawat salita na isinulat ko. Saksi ang bawat pahina at salita sa sakit ko nang isulat iyon, kaya siguro ganoon na lang ako kung mag-emote kapag nababasa ko ang mga pinagsususulat ko roon. Hay! “Where’s Bella?” Awtomatiko akong natigilan nang marinig ang pangalan ko mula sa isang tinig na hindi ko inaasahan. Daglian kong ipinasok sa sling bag ang diary at pasimpleng sumilip sa kurtina upang makita ang pinto ng bahay. “Ano’ng ginagawa mo rito?” imik ko dahil palinga-linga ito sa bahay habang kaharap si Cahel na naglalaro lamang sa tapat. Nalipat ang tingin sa akin ni Evan. Agad itong pumasok ng bahay nang walang paalam, dahilan upang mag-isang linya ang mga labi ko. Kapal. “Hey, I have a surprise for you. Come.” Kinunotan ko lamang ito ng noo imbis na tumugon. Paglapit nito sa hagdan ng higaan ko ay umirap ako at isinara ang kurtina. “Hey. Gusto mong buhatin pa kita?” Iritado akong kumamot ng ulo at tumagilid ng higa upang talikuran ito. “I am busy.” Hindi naman kami magkaibigan para umakto siya nang ganiyan. Pinatutunayan niya lang sa akin lalo ngayon na umaakto siya base sa hitsura ng isang tao. Noong pangit ako, basura siya kung makitungo sa akin. Ngayong umayos-ayos na ako, naging ganiyan na siya. Natigilan ako bigla sa naisip at natulala. Para bang pumait ang nakabara sa lalamunan ko. Ngunit mas lalo akong natigilan nang bigla na lamang may bumuhat sa akin at ibinaba ako mula sa higaan. Nahablot ko pa ang sling bag ko nang tangkain kong kumapit sa kung saan upang hindi ako nito makuha. Nang maitapak ko ang mga paa sa sahig ay saka ko lamang binigyan ng mapait na tingin ang lalaki. Ano pa ba ang gusto niya? Pakitaan na naman ako ng kagaspangan ng ugali niya? Hindi pa ba siya nagsasawa? Nang mapansin nito ang mga tingin ko ay unti-unting nawala ang mga tipid na ngiti nito. Ang mga mata nito na naging seryoso ang tila nagbigay sa akin ng kilabot. Daglian akong umiwas ng tingin at ambang lalayo nang haklitin nito ang pulso ko. Muli akong umirap nang lantaran dito. Kahit na anong gawin kong pagbaklas sa kamay nito mula sa pulso ko ay nagawa pa rin ako nitong makaladkad papunta sa labas. Napatingin pa sa amin ang pamilya ko, lalo na si Hope na nagkakape sa gilid. “Bakit mo kinakaladkad si Ate?” harang sa amin ni Megan ngunit hindi naman ito pinansin ni Evan. Saka lang ako nito binitiwan nang makarating kami sa gilid ng kalsada, kung saan nakatambay ang dalawang bisikleta na hindi ko alam kung kanino. “Mag-bike tayo. Alam kong gusto mong magkaroon nito,” deklara nito na ikinataas ng kilay ko. “Paano mo nalaman na gusto ko ngang magkaroon niyan?” kunot-noo kong tanong. Doon ito napangiti at nilingon ako habang inaayos ang malaking itim na bisikleta. “So, gusto mo nga talaga? Got it, hmm.” Huh? Naguguluhang pinagmasdan ko ang kilos nito. Tila ba may nahuli ito sa akin sa paraan pa lamang ng pagkakangiti nito. What the hell? “Ano ba ang gusto mong mangyari? Pagod ako ngayon, Evan. Stop pestering me . . .” Tumayo ito mula sa pagkaka-squat at nilapitan ako. Nabigla pa ako nang mahina ako nitong itinulak palapit sa kulay white na medyo maliit na bike. Kinuha nito ang mga kamay ko at ipinahawak sa manibela niyon. “Ride it.” Inalalayan nito ang balakang ko pasakay ngunit tumanggi ako at sinamaan ito ng tingin. “Sino ka ba para manduhan ako?” banas na tanong ko rito. Ngunit nagkibit-balikat lamang ito at sapilitan akong pinasakay. “I’m Evan Jackson.” Whatever. Sinundan ko ito ng tingin nang magtungo ito sa itim na bike. Sinakyan niya iyon bago sumenyas sa akin na mauna. Inis kong kinamot ang ulo bago pumadyak. But as soon as the wind blew my face and hair, tila ba gumaan ang pakiramdam ko. Ni hindi ko napansin agad na nag-e-enjoy na pala ako sa pagpadyak. Hindi ko alam kung saan kami tutungo pero nagdire-diretso lamang ako habang nasa gilid ng kalsada. Sinabayan ako ni Evan at nilingon kaya ipinokus ko ang tingin sa unahan. Wala itong naging imik kaya natuwa ako kahit papaaano. May natagpuan kaming sapa sa gitna ng aming paglalakbay. Huminto kami sa gilid ng mahabang tulay kaya dali-dali akong bumaba ng bisikleta at sinilip ang rumaragasang tubig sa ibaba. Ni hindi ko napansin na pinagmamasdan na pala nito ang mukha ko habang aliw na aliw ako sa sapa. Saka ko lamang napagtanto ang ginagawa nito nang mapansin ang pananahimik nito. Daglian akong tumikhim at ibinaling sa kabilang dako ang tingin. “I don’t really know what to believe right now. May parte sa isip ko na ikaw nga ang batang babae na hinahanap ko noon, but . . .” Napahinga ito nang malalim at nagbaba ng tingin sa sapa. “ . . . I don’t know. You look different from her. Naguguluhan ako, Bella.” “Pinagsasasabi mo? Abno,” mapanuya kong turan dahil para na naman itong problemadong tao. Nilingon ako nitong muli, tumagal ang titig sa mga mata ko hanggang sa kusa na akong nagbitiw ng titig. “Nababaliw na naman siguro ako.” “Oo, kaya maghanap ka na lang ng kausap mo,” turan ko at ambang babalik sa bisikleta nang pigilan ako nito agad. “No, no, no. Just stay here for awhile, please?” anito na para bang nahahapo na, mentally. Just like that, I became curious about his thoughts. Bumalik ako sa puwesto ko at tumabi rito. Pinagsiklop nito ang mga daliri at sumandal sa harang ng tulay. “Sino’ng pinuntahan mo sa bahay-ampunan kanina?” tanong nito mayamaya na nagpatanga sa akin. Literal na namilog ang mga mata ko rito ngunit tila wala itong pakialam sa pagkagulat ko. “What the hell? Sinundan mo ako?” “Yes, I forgot to tell you that I am your stalker,” lantad nito na ikinatanga ko lalo. Hindi ko napansin ang pananayo ng mga balahibo ko sa katawan. “Seriously, Evan? Kung sino man ang pinuntahan ko kanina sa bahay-ampunan, wala ka na roon. It’s too personal, you know,” mahinahon kong pahayag na ikinatango nito nang marahan. “Dalawang araw na lang at ililibing na si Mang Timoteo. Uuwi na kayo sa Manila pagkatapos niyang ilibing?” bato pa nito ng tanong kaya nahiwagaan ako rito. Ang dami naman nitong nalalaman. Baka idinadaldal ni Megan dito ang mga pinag-uusapan namin. Buntong-hiningang tinanaw ko ang mga magsasayawang puno sa paligid bago tumugon. “Yeah.” “Babalik ka pa rito?” “Hindi ko rin alam. Baka abutin pa ako ng ilang taon bago makabalik—o baka nga hindi na, wala naman na akong business dito after ilibing ni Mang Timoy. Pokus na ako ulit ako sa buhay ko sa siyudad,” litanya ko na ikinatigil nito. Bagamat nakaka-miss ang lugar na ito, nakakalungkot na hindi na ako maaaring magtagal dito. Nasa Manila na ang buhay ko, at wala na rin naman akong dahilan para manatili pa rito nang matagal. Wala na si ama, hindi na rin namin pag-aari ang tambayan, kukuhanin ko na rin si Nanay Lucia, si Malik ay may sarili namang buhay rito at maaari ko nang makausap sa phone. At ang pamilya na kinagisnan ko ay matagal ko nang iniwan. Pamilyado na rin ang mga kapatid ko maliban kay Hope, at si ina—hindi ko alam. Tiyak na malulungkot iyon dito dahil mag-isa na lang siya palagi. Kahit naman hindi ganoon kasaya ang naging karanasan ko sa puder nito, naging parte pa rin naman ito ng buhay ko. Wala naman akong hinanakit pa sa kaniya. Muli akong napahinga nang malalim nang bumigat na naman ang damdamin ko dahil sa mga pinag-iisip ko. “Are you happy with your life in Manila?” bato na naman nito ng tanong. Sinulyapan ko ito saglit bago kutkutin ang palad. “Oo naman. Nariyan ang pamilya ng amo ko na kinakalinga ako. May iilang mga kaibigan ako roon at mga alagang hayop. Masaya ako roon . . .” Ngunit may kulang. Wala pa si Nanay Lucia roon. “Kanina ka pa nagtatanong. Ako naman, Evan. How’s your life being a soldier? Pasensiya na pala sa naging sagutan natin noong una.” Mahina itong natawa bago isuksok ang mga kamay sa loob ng bulsa ng sweat pants niya. “Nah, it’s fine. Ako naman ang may kasalanan doon. And about your question, it’s hard, to be honest. Mahirap malayo sa pamilya nang matagal. Kaya kong indahin ang lahat ng sugat sa bawat laban para sa kapayapaan ng bansa, pero ang pagkalumbay sa pamilya ay napakabigat sa dibdib. Good thing, binigyan kami ng isang buwan na bakasiyon.” Tumango-tango ako rito. “Ah, ganoon talaga kapag ganiyang trabaho ang pinili mo. Pero sa mga mata ng mga tao, hero kayo,” komento ko na bahagya nitong ikinangiti. “Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo sa pagiging sundalo,” request ko nang makagaanan ito ng loob. Doon ito tuluyang napangiti at nagsimulang magkuwento. “Ipinasok ako ni Dad sa military school noong mag-eighteen ako. Pero kahit na matagal ko nang pangarap iyon, that time, it was untimely. Ayoko pang umalis, lalo na at may babae akong nasaktan. I badly want to see her again to say sorry but it’s too late. Huli ko nang nabalitaan na wala na siya noong makauwi akong muli rito. I had no choice but to continue my dreams. And until now, I’m still guilty. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagsisi nang sobra—at dahil pa sa kaniya. Only if I wasn’t an asshole before, baka buhay pa siya ngayon at naririto.” Nag-isang linya ang mga labi ko at nagtaka rito. “Patay na pala siya. Then, bakit mo pa ako pinagdududahan na siya? Ang gulo mo.” Dinig ko ang mabigat na paghinga nito. “Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na babalik siya rito, na baka buhay pa talaga siya. Nais kong humingi ng tawad at bumawi sa lahat ng mga nagawa ko.” Tumigil ito sandali nang lingunin ako at pagmasdan nang matiim. “Noong una kitang nakita rito, akala ko ikaw ang babaeng iyon dahil para kayong magkahawig na hindi. Wala akong litrato ni Sweet at dekada na rin simula noong huli ko siyang makita. Napakabata niya pa noon, kaya hindi ko na masiyadong kabisado ang mukha niya. Akala ko pa nga, ikaw nga talaga siya dahil naroroon ka sa lamay ni Mang Timoteo. Akala ko, bumalik na siya para sa ama niya. At ikaw, nakikita ko sa iyo ang ilang pag-uugali ng babaeng iyon, that’s why you are under my surveillance now.” Napaasik ako sa huling sinabi nito. Surveillance his ass. Ramdam ko ang pait at matinding lungkot sa tono at mukha nito bagamat seryoso. Pagak akong natawa sa isip. Hindi nga nagkamali si Señor Martin noon sa sinabi nitong saka lang mare-realize ni Evan ang mga masasakit niyang ginawa at sinabi sa akin kapag tumanda na ito at nag-mature na ang pag-iisip, at saka kapag nawala na ako. Lihim akong napangiti sa nalaman. Mabuti naman at pinagsisihan na niya ang mga ginawa niya noon. Mas nakakagaan ng loob ang kaalamang iyon sa akin, at least ay natuto na siya. Minsan talaga sa buhay, nakagagawa ang tao ng pagsisisihan niya nang matindi sa huli. So, understandable naman. “Ano ba ang ginawa mo sa babaeng iyon para ganiyan ka na lang magsisi? At ano ang rason mo para gawin iyon?” tanong ko. Curious talaga ako sa mga pinag-iisip nito noon kung bakit niya nagawa ang mga bagay iyon. Matagal bago ito naka-imik muli. Tila ba ayaw pa nitong sabihin at matinding kahihiyan para sa kaniya ang ginawa niyang iyon. “Marami. Marami akong ginawa sa kaniya na puro sakit lang ang dulot. Pero ang pinakamasakit ay ang ipahiya siya sa mga tao, at ang isang pangyayari sa buhay namin bago siya biglang naglaho . . .” Huminto ito. Napansin ko pa ang paggalaw ng lalamunan nito nang lumunok nang hirap. “I left her in the middle of nowhere just for a stupid revenge, kahit pa alam kong kailangan niya ng tulong noong mga oras na iyon.” Huminto ito at napailing-iling. Ibinaling ko sa malayo ang tingin habang inaalala ang mga pangyayari noon. It was painful to remember, kaya ninais kong ibahin na lang ang usapan. “Enough with that. Balik tayo sa buhay mo bilang sundalo.” “Yeah, yeah. Sorry about that. So, back to my story, tinupad ko ang pangarap ko habang malayo sa pamilya. Nagsundalo rin ang mga kapatid ko pero magkakaiba kami ng unit. We fought for peace. Pero sa tagal ng panahon ng pakikipaglaban ng kasundaluhan sa mga terorista, hindi pa rin sila maubos-ubos.” “And what do you think is the reason?” panghahamon ko. “One of the reason is poverty, Bella. Kaya isa iyon sa ini-improve namin. Sa kahirapan ay madali silang nahihila papunta sa armadong pakikibaka. Madali silang naloloko nitong mga undercover terrorist, dahil na rin sa kahirapan at kawalang matinong edukasiyon. Mabuti nga ngayon, sinosolusyunan na ang ugat ng pagdami nila at pagsali sa karahasan. If not, patuloy silang dadami kahit pa anong gawin mong pagpuksa sa kanila sa pamamagitan lang ng giyera. You cannot just get rid of them using violence. Find the cause and make a solution. So far, malaki na ang ibinawas nila, lalo ngayon na may programa na para sa kanila ang government. Kung ipagpapatuloy ito lalo, mahihikayat pa natin ang karamihan na lumagay na sa tahimik na lugar at isuko ang armas. May mga iilan pa rin na matitigas ang ulo at iyon ang tinututukan namin ngayon.” Napangiti tuloy ako nang lubos dito. “That’s good to hear.” “Yeah. Kaagapay namin ang mga pulis sa pagtulong sa mga kumunidad at mga katutubo na nasa malalayo at tagong lugar. Mas maganda kung naririnig ang mga hinaing ng mga kababayan natin para magawan agad ng solusyon, at iyon ang patuloy naming ginagawa. If you have time, puwede kita isama sa mga lugar ng mga katutubo para masilayan mo sila nang personal at maranasan ang iba-iba nilang tradisyon at gawain. Magandang makinig ng mga kuwento nila kaya tiyak kong magugustuhan mo roon. Ang mga bata roon ay masayang-masaya kapag binibigyan namin ng mga regalo. Sa bungad pa lang ay sinasalubong na nila kami. Ang mga matatanda roon ay ino-offer-an kami ng mga pagkain na mayroon sila. Sobrang saya nila ngayon lalo na at kinakalinga na sila at pinoprotektahan. ” Maganda ang ikinukuwento nito, pero ang isip ko ay lumilipad habang nakatingala sa lalaki. Kakaiba sa pakiramdam na hindi magaspang ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Hindi ko maisip na magkakaroon kami ng oras para sa ganitong usapan. Noon ay puro pang-aasar lang ang ginagawa niya. Nakakapanibago. “Nais ko sana, kaso hindi ko alam kung kailan pa ako makababalik dito,” marahang sambit ko. Tumigil ito sa paninitig sa tanawin at matiim akong pinagmasdan. “Hindi ba talaga kayo puwedeng manatili pa rito kahit ilang linggo lang?” Daglian akong umiling. “Hindi, e. May trabaho ang amo ko roon sa Manila. Samantalang ako ay hinihintay ng mga alaga kong hayop doon,” tugon ko habang ito ay tila malalim ang iniisip at nakatulala sa mukha ko. “Papaano kung dalhin dito ang mga alaga mo, will you still stay here even for a while? Magpapaiwan ka.” “What?” tatawa-tawa kong sambit. Ano na naman kaya ang naiisip nito? Inilingan ko ito. “Wala kaming bahay rito para panatilihan. Isa pa, inaalagaan ko ang mga anak ng mga amo ko.” Saglit itong tumigil, pagkaraa’y binalingan ng tingin ang kawalan at doon ay tila napaisip nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito sa mga oras na iyon, pero bakit parang nakakakaba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD