Nasa sala ako dito sa bahay ko ng nakatanggap ako ng tawag mula sa mga tauhan ko,ang sabi nila lumabas daw sa isang condo si Jade at may kasamang babae.ang sabi ko sa kanila ay sundan nila ito,hindi sila dapat pumalpak.
Ilang oras na ang lumipas ay wala parin akong natatanggap na tawag mula sa mga inutusan ko,,hindi na ako mapakali paano na lang kung pumalpak sila.
Daddy pwede ba mag relax kalang kanina kapa dyan hindi mapakali,”tigilan mo ako Diane,malaki ang magiging problema natin kung pumalpak ng mga inutusan ko.
Ang sabi mo magaling ang mga tauhan na nakuha mo,sagot ni Diane habang nag soscroll ng f******k.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jonathan na nakapatong sa center table,kinuha niya ito at tingnan kung sino ang tumatawag,nakita niyang unknown number ito.,,sinagot niya parin sa pag-aakalang isa sa mga tauhan niyang inutusan.
Hello,”sagot niya.
Hello po Sir,,si sir jonathan po ba ito tanong ng tumawag.
Yes,ako nga.
Sir inform ko lang po kayo about sa nangyaring aksidente sa pamangkin niyong si Jade Parker,,nandito po ang bangkay niya sa m*rg**,isesend ko na lang po ang address sa inyo para mapuntahan niyo.
Pagkatapos ng tawag ay halos magdiwang si Jonathan sa kanyang narinig,sa wakas sa atin na ang lahat ng yaman ng mga Parker.Wala na tayong magiging kahati.
******
Madaming kilalang tao ang pumunta sa burol ni Jade,yung iba ay mga kaibigan ng daddy niya sa negosyo noong nabubuhay pa ito.Dumating din si Clyde para makiramay.
Makikita naman sa mukha ng pamilya ni Jonathan ang tila nagluluksa sa nangyari pero ang totoo ay nagdiriwang ang kanilang kalooban.
Condolences Mr.Parker
Salamat naman at nakapunta ka Mr.Miller
Nalaman niyo na ba kung ano ang dahilan ng pagka aksidente ni Jade tanong nito.
Wag kang mag-alala Mr.Miller paiimbistigahan ko ang nangyari sa pamangkin ko.,
Nalaman rin ni Jonathan na p*t*y na rin ang mga tauhan na inutusan niya,hindi niya alam kung bakit pati tauhan niya ay nadamay pero hindi na mahalaga sa kanya yun at mas pabor yun sa kanya para walang maka pagtuturo sa involvement niya sa nangyari kay Jade.
Isang araw lang ibinurol ang mga labi ni Jade,,pagkatapos ay ipina cr*m*t* na nila ito at dinala ang mga abo sa mismong bahay ng mga magulang ni Jade.,napa hagulgol naman si Manang ng makita niya ang pinaglagyan ng abo ni Jade na dala-dala ni Jonathan.Iniabot niya ito kay Manang at sinabing siya na daw ang bahala,pagkatapos ay umalis na.