Ilang araw na rin akong nananatili dito sa condo ni Clyde kasama si Courtney,,hindi ako iniwan ng kaibigan ko.
Sasamahan ako ni Courtney ngayon na pumunta sa bahay,sinabi ko na rin kay Clyde na aalis kami,pumayag naman siya ang sabi niya may mga tauhan siyang magbabantay sa amin.
Besh ready kana?"tanong ni Courtney
Oo,"tara na para makabalik tayo agad at lumabas na kami ng condo.pagdating namin sa parking lot nakita ko ang mga tauhang sinasabi ni Clyde.pumasok kami sa kotse,pinaandar ko ito at pinausad.
Habang nasa byahe kami panay naman ang tingin ko sa side mirror ng kotse ko,nakita ko na nakasunod parin ang mga tauhan ni Clyde.Hindi sila masyadong dumidikit sa amin yun din kasi ang bilin ni Clyde.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe namin ng biglang may humarang na kotse sa harapan namin,tumama naman ang noo ko sa manibela dahil sa biglaan kung pag preno.
Besh okay ka lang tanong ko sa kaibigan ko,"okay lang ako, pero ikaw dumud*g* ang noo mo,"okay lang ako sagot ko.
Tiningnan ko ang mga tauhan na nakasunod sa amin,tumigil na din ang mga sasakyan nila pero nagulat ako sa sigaw ng kaibigan ko.
Jade...nakita ko ang isang truck na papalapit sa amin,hindi ko maabante ang kotse ko dahil sa may nakaharang sa harapan namin.binangga ng malaking truck ang kotse namin,,tumagilid ito dahil sa lakas ng impact.naramdaman ko nalang ang pagtulo ng d*g* mula sa ulo ko.
Tumingin ako sa kaibigan ko,,may d*g* rin ang ulo nito,buti nalang hindi rin siya nawalan ng malay.
Habang nasa loob kami ng nakatagilid na kotse naririnig ko naman ang putukan sa labas,pilit kung ginagalaw ang katawan ko pero nanghihina na ako.
Jade wag kang matulog mare rescue din tayo rinig ko pang sabi ng kaibigan ko,,buti nalang hindi siya napuruhan dahil sa airbag niya,pero ung sa side ko hindi ko alam bakit hindi gumana,,ang dami ko ring sugat dahil sa bubog na nagmula sa bintana
May naririnig naman akong mga boses sa labas,pilit rin akong ginigising ni Courtney pero hindi ko na kaya.sobrang hilo na ang nararamdaman ko,hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.