Dinala ako ni Clyde sa condo niya para makapagpahinga,kanina pa ako tulala halos di na matigil ang mga luha ko.Gusto kung sugurin si Jonathan pero pinigilan ako ni Clyde.Sinabi niya rin na may binabalak na masama si Jonathan sa akin.Tama naman si Clyde hindi ako dapat magpadalos-dalos ng desisyon kailangan naming makapag-isip kung paano mapabagsak si Jonathan.
Jade uminom ka muna ng tubig,tsaka niya inabot sa akin.Salamat...
Dito ka muna mag stay pansamantala sa condo ko,hindi ka pwedeng makita ng mga inutusan ni Jonathan para p*t*y*n ka.Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos sa desisyon mo.
Hindi ba pwedeng sa bahay nalang ako,hindi naman ako lalabas..Hindi ka pwede sa bahay niyo,parang hindi mo naman kilala ang kinikilala mong tiyuhin.Halang ang kaluluwa nun kaya ka niyang ipaligpit kahit sa loob kapa ng bahay mo sagot ni Clyde.
Wag kang mag-alala tumawag na ako sa bahay mo,sinabihan ko si Manang na ayusin ang iba mong gamit,merong magdadala dito ng mga gamit mo dagdag pa niya.
Salamat sa tulong mo Clyde,,tumango naman siya.
********
Nakaupo kami dito sa sala ng biglang may nag doorbell,tumayo naman si Clyde para buksan.Nakatingin lang ako sa pintuan kung sino ang dumating at nagulat ako ng makita ko ang kaibigan ko bitbit ang mga gamit ko.Tumayo ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap,muli akong napahagulgol sa mga balikat niya.Besh andito lang ako,dba sabi ko sayo hindi kita iiwan kahit anong mangyari umiiyak na sabi niya.
Kinuha naman ni Clyde ang mga dala niyang gamit ko at pinasok sa kwarto na nakalaan para sa akin.Paglabas ni Clyde nagpaalam siya sa na aalis lang muna.
Aalis na muna ako babalik lang ako sa opisina andito naman na ang kaibigan mo.Wag lang kayong lalabas dahil delikado para sayo,tumango naman ako.Kinuha niya lang ang susi ng kotse niya sa center table at lumabas na ng condo niya.,,Naiwan naman kami ng kaibigan ko.
Besh ano ang nangyari?tinawagan ako ni Clyde kanina akala ko nga ikaw dahil number mo ang gamit niya, pinakiusapan niya ako kung pwede ko daw ba kunin ang ibang mga gamit mo sa bahay mo..Sobrang mugto na ng mga mata mo sa kaiiyak kaya alam kung malaki ang problema mo sabi ng kaibigan ko.
Huminga naman ako ng malalim at sinabi ang lahat ng mga nalaman ko..
Napaka h*yop naman ng tiyuhin mo ginawa niya yun para lang sa pera at kapangyarihan.Nawala ang mga magulang mo dahil sa kanya tapos kinuha niya pa ang lahat ng dapat ay para sayo ngayon naman ikaw ang pinupunterya niya,galit na wika ng kaibigan ko.
Hindi ako papayag na hindi nila pagbabayaran ang lahat ng mga kah*y*pan nila sa pamilya ko,darating din ang araw na babalik sila sa pinanggalingan nila.Ibibigay ko ang hustisya na nararapat para sa mga magulang ko,at sisiguraduhin ko na pag dumating ang araw na yun hindi na nila muling matatamasa kung ano man ang tinatamasa nila ngayon galit na sabi ko.
Darating din ang araw na yun Besh,,sa ngayon kailangan mong maging matatag para sa kahaharapin mo.Wag mo ng alalahanin yun muna sa ngayon,,sasamahan kita sa laban mo.Gusto mo bang magbake nalang tayo?
Tumango naman ako sa kaibigan ko,,ang swerte ko sa kanya palagi siyang andyan pag kailangan ko.Kaibigan na kapag kailangan ko ng karamay hindi magdadalawang isip na damayan ako.