Umuwi ako sa bahay pagkatapos kung puntahan si Tito Jonathan sa bahay nila,,hindi ko na alam kung sino pa ang kakapitan ko,sobra nila akong dinurog.Pag nalaman ko na may kinalaman sila sa nangyari sa magulang ko humanda silang lahat,simula sa anak hanggang sa ama ang panloloko nila sa akin, ang sakit,sobrang sakit ang ginawa nila.
Bigla naman tumunog ang cellphone ko,pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan ang caller,nakita ko ang pangalan ng ahas kung pinsan,pinindot ko ang answer button.
Ano ang kailangan mo?tanong ko sa kanya.
Bakit ka sumugod sa bahay Jade,ano na naman ang kailangan mo at bakit ka na naman nanggugulo?
Ako nanggugulo?bakit sino ba kayo sa tingin niyo para pag aksayahan ko ng oras?pinuntahan ko ang ama mo para tanungin sa mga kasinungalingan niya.Sa tingin mo Anne sino ba ang nag-umpisa ng gulo?kung hindi dahil sa kasakiman niyo hindi tayo magkakagulo.Kinuha niyo na nga ang kumpanya at pina ban niyo pa ako,ngayon sabihin mo sa akin sino ang nanggugulo?galit na sagot ko sa kanya.
At pwede ba Anne,wag ka ng tumawag sakin,ayaw kung makinig sa mga ka dramahan mo at pinatay ko na ang tawag niya,blinock ko narin ang number niya.
********
Magkikita kami ngayon ni Clyde sa isang restaurant may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin,,nagsuot lang ako ng flare pants at pinaresan ng blouse at sandal.After ko mag-ayos bumaba na ako ,nagpaalam lang ako kay Manang at umalis na.
Hindi ko alam kung ano ang importanteng sasabihin ni Clyde,,malaki ang utang na loob ko sa taong yun kahit hindi man kami parati nag-uusap handa siyang tulungan ako,cguro dahil magkaibigan ang mga ama namin.
Dumating ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita,pinarada ko lang ang kotse ko at bumaba para pumasok sa loob.Tinanong ako ng guard kung may reservation ako sinabi ko ang pangalan ni Clyde at dinala ako ng isang staff sa isang vip room.Nagpasalamat namn ako sa kanya.
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Clyde na nakaupo at umiinom ng wine,nang makita niya akong pumasok sa loob,,tumayo siya at iginiya ako sa upuan.
Ano ang importanteng sasabihin mo akin tanong ko sa kanya,,kumain na muna tayo bago mag-usap sagot niya.Pumasok naman ang mga waiter at may mga dalang pagkain,nilagay nila ito sa table namin.,pinaglagay naman ako ni Clyde ng pagkain sa plato ko ganun din sa kanya.Tahimik lang kaming kumakain,at walang nagsasalita ni isa sa amin.
Nang matapos kaming kumain ay nag-umpisa na kaming mag-usap,,tungkol kay Jonathan ang importante kung sasabihin kaya kita pinapunta dito panimula niya,.
Ano ang tungkol sa kanya?sagot ko.May kinuha siyang isang brown envelope sa katabi niyang upuan at iniabot ito sa akin..Buksan mo,,diyan mo makikita ang sinasabi ko sabi niya.Nanginginig ang mga kamay ko,,kinakabahan ako sa maaaring malaman ko.Sana kaya kung tanggapin kung ano man ang matutuklasan ko,'sa isip ko.
Dahan-dahan kung binuksan ang envelope,,nakita kung may mga picture sa loob,kinuha ko ito at tiningnan.,,Anong ibig sabihin ng mga picture na to?tanong ko kay Clyde.
Ang lalaking kasama ni Jonathan diyan ay ang driver ng truck na nakabangga sa mga magulang mo,,inutusan niya ang taong yan na banggain ang kotse ng parents mo sagot niya.
Nanghihina ako sa mga narinig ko,,nagtuluan na rin ang mga luha ko,tumayo ako sa upuan ko pero napasalampak ako sa sahig dahil nawalan na ako ng lakas.Nanginginig na ang buo kung katawan,,ang sakit-sakit sa dibdib.
Bakit....sigaw ko.,,bakit nila ginawa sa akin to,kulang pa ba ang kabutihang ginawa at pagmamahal na binigay ng mga magulang ko para gawin nila ito,,nilapitan ako ni Clyde at niyakap..ssshhh...tutulungan kitang makamit ang hustisya na nararapat sabi niya.kailangan mong lakasan ang loob mo Jade hindi ka dapat maging mahina.
Siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng magulang,,ang tinuring kung pangalawang ama ay ang dahilan kung bakit ako nangungulila ngayon sa pagmamahal ng isang magulang.
Durog na durog na ako,,ang mga tinuring kung totoong pamilya,ang akala kung dadamayan ako sa mga problema ko,ang mga taong hindi namin pinakitaan ng masama ay sila rin pala ang maging dahilan kung bakit nadudurog ako ngayon.
Tulungan mo ako Clyde,gusto kung makamit ang hustisya,gusto ko silang paghigantihan,kahit kailan walang kapatawaran ang ginawa nila umiiyak na sabi ko.
Tutulungan kita sagot niya.