CHAPTER 9

450 Words
Nasa opisina ako ngayon,meron akong mga taong hinihintay para magsagawa ng plano ko at yun ay tanggalin sa landas ko si Jade.Pinagdududahan niya na ako, bago pa man niya malaman ang lahat uunahan ko na siya. Hindi ako papayag na masira ang mga nasimulan ko, gayung unti-unti ng nakakabangon ang sarili kung kumpanya dahil sa pera ni Arnold, pasensyahan na lang kami sapagkat isusunod ko na ang anak nila ni Beth. Hindi ko naman akalain na pupunta pala siya ng presinto,kung alam ko lang sana nagawan ko ng paraan. Natigil ang pag-iisip ko ng may biglang kumatok sa pintuan at nakita ko ang secretary ko.Sir andito na po yung mga taong hinihintay niyo sabi niya. Papasukin mo na utos ko sa kanya. Pinapasok niya naman kaagad at nakita ko ang 3 tao na magkasunod na pumasok sa opisina ko. Mr.Parker kamusta?anong maipaglilingkod namin sayo,tanong ng isa.Meron akong ipapagawa sa inyo tulad ng dati at kinuha ang litrato na nasa loob ng drawer ko,nilapag ko ito sa harapan nila.Siya si Jade Parker ang anak ng dalawang tao na pinap*sl*ng ko rin sa inyo noon. Yan ang target niyo,kailangan malinis ang trabaho, wag kayong mag-iiwan ng bakas na maka pagtuturo sa inyo at ang kaugnayan niyo sa akin. Ngunit lingid sa kaalaman ni Jonathan na may mga pares ng tenga na nakikinig sa kanilang usapan at ang bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay naka record. Wag kang mag-alala katulad dati malinis kami magtrabaho sagot nito.Bakit may babae pa kayong kasama hindi kaya sumabit kayo sa pinapagawa ko,tanong nito. Sanay yan sa ganitong gawain kaya wala kang dapat ipag-alala Mr.Parker sagot nito sa akin.Basta siguraduhin mo lng na hindi kayo papalpak,pag natapos nyo ang trabaho nyo ng malinis matatanggap niyo agad ang bayad.Sige na umalis na kayo balitaan nyo nalang ako.Agad naman umalis ang mga taong inutusan niya. ***** Excuse me po Sir,nandito po si Mr.Miller gusto daw po kayong makausap sabi ng secretary ko.Ano pang ginagawa mo diyqn papasukin mo na,bumukas ang pinto at pumasok si Mr.Miller. Mr.Miller maupo kayo,napadalaw ka yata dito sa kumpanya may problema ba?Wla naman akong problema Mr.Parker,gusto ko lang makasigurado na hindi ako nagkamali sa pag invest dito sa kumpanya mo. Wag kang mag-alala Mr.Miller nasa magandang kamay ang investment mo sagot ko.Siguraduhin mo lang Mr.Parker dahil kilala mo naman siguro ako hindi ba?ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako,alam kung alam mo ang kaya kung gawin Mr.Parker. Salamat sa pagpa unlak mo sa akin Mr.Parker Salamat din Mr.Miller. Hindi siya pwedeng masira kay Soren Miller,siguradong sa kangkungan sila pupulutin.Ito ang isa sa kinatatakutan ng lahat pagdating sa larangan ng negosyo,kaya niyang pataubin ang mga karibal niya sa isang pitik niya lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD