CHAPTER 8:

613 Words
Nakakulong?siguro ka ba diyan sa sinasabi mo Tito?kagagaling ko lang sa presinto na sinabi mo kung saan nakakulong ang lalaki at wala siya doon. Bigla naman namutla si Tito sa sinabi ko,alam mo ba kung ano pa ang nalaman ko Tito?Wala ang pangalan mo sa record na bilang patunay na nagsampa ka ng kaso laban sa nakabangga sa mga magulang ko. Hindi totoo yan ako ang personal na pumunta ng presinto para mag file ng case laban sa nakabangga sa magulang mo sagot nito. Niloko niyo ako,nagsinungaling kayo sa akin,pinagkaisahan niyo ako,hindi ko na mapigilang mapahagulgol sa sakit na nararamdaman ko,sobrang dinurog nila ako,ng mga taong itinuring kung totoong pamilya. Aalamin ko ang lahat Tito,kung bakit wala ang lalaki sa kulungan at kung bakit hindi kayo nag file ng case,puro kasinungalingan ang mga sinasabi niyo sa akin. Pag nalaman kung may kinalaman kayo dto,sisiguraduhin kung mananagot kayo.Jade pati ba naman kami pagdududahan mo?pamilya tayo dito at dahil lang dyan sa pagdududa mo ginaganyan mo na kami sagot ni Tita. Pamilya?really tita,pamilya pa ba ang tawag niyo sa ginawa niyo sa akin?dahil nga sa pagiging ganid nyo sa pera at para lang matustusan yang mga luho nyo,na para lang hindi kayo mapahiya sa mga tao ay nagawa niyo akong lukuhin. Sa bagay hindi naman talaga kayo dugong Parker dahil mga sampid lang kayo sa pamilya namin,inaruga na at itinuring na pamilya pero nagawa niyo paring traidurin. Halos tumabingi ang mukha ko sa sampal ni Tito,wala kang karapatan na pumunta dito para lang bastusin kami sa sarili naming pamamahay.Wala kang respeto,ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo galit na sigaw niya. Ngumisi naman ako ng may pang uuyam,buong tapang ko siyang tinitigan sa mata bago magsalita.Wag mong kwestyunin ang klase ng pagpapalaki ng mga magulang ko sa akin,pangaralan mo yung anak mo wag ako,sa bagay kayo ba naman ang mga magulang niya natural kaugali nyo siya. FYI lang wag niyong angkinin ang bahay na to dahil hindi niyo pag-aari ito kahit isang poste wala kayong ambag dito,sa pamilya namin ang bahay na to at kaya kung kunin to kung gugustuhin ko. Tumawa naman si Tito,sa tingin mo ganun lang kadali yun?nakapangalan sa akin ang bahay na ito Jade kaya wala kang magagawa.Baka hindi mo namamalayan mabigla ka nalang paggising mo na nasa pangalan ko na ang lahat ng negosyo niyo pati na ang bahay na tinitirhan mo. Ngumisi lang ako sa kanya,alam kung hindi mo magagawa yan tito,alam mo ba kung bakit?dahil gusto mo lang naman huthutan ang mga negosyo ng pamilya ko lalo na ang kumpanya para maisalba mo ang nalulubog mong kumpanya dahil sa pagkalulong mo sa sugal at pagwaldas ng pera ng mga investors mo,tama ba ako Tito?so bakit mo pa ililipat sa pangalan mo kung lugi na ito?natahimik naman siya,hindi niya inaasahan ang mga nalaman ko,kaya mo nga sinisiksik ang sarili mo sa kumpanya dba? Sa ngayon magsaya lang kayo,at sisiguraduhin niyo lang na wala kayong kinalaman sa nangyari sa mga magulang ko dahil pag nagkataon ibabalik ko kayo sa pinanggalingan niyo kung saan kayo napulot ng lolo at lola ko,lumapit naman ako kay Tita at may binulong "alam ko ng sekreto mo"napatda naman siya sa kinatatayuan niya.Tinalikuran kona sila at lumabas na ng gate para umuwi na. Akala siguro ni Tita na hindi ko siya nakita sa mall nung isang araw na may kahalikan. Flashback: Pumunta ako ng mall dahil may bibilhin ako sa grocery,may pinapaluto kasi ako kay Manang pero kulang ang ingredients kaya ako na ang bumili,Napadaan ako sa isang restaurant at nagulat ako sa nakita ko si Tita may kahalikan,ibig sabihin may kabit siya,kinuhanan ko sila ng picture at tinungo na ang grocery. End of flashback:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD