CHAPTER 7

789 Words
Sa kabilang banda naman nagmamaneho si Jade ng kanyang kotse para sunduin ang kaibigan niyang si Courtney.Sasamahan siya nito na pumunta ng presinto para makita at makausap ang bumangga sa mga magulang niya. Pagdating niya sa lugar kung saan sila magkikita ng kaibigan ay pumasok siya ng restaurant,nakita naman niya agad ang bulto ng kaibigan,kumain lang sila at umalis din agad. Habang papunta sila ng presinto kung saan nakakulong ang lalaki hindi mapakali si Jade,hindi niya rin maintindihan ang sarili niya.Besh okay ka lang bakit parang hindi ka mapakali tanong ng kaibigan niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Besh,parang may something o mangyayari na hindi ko ma explain sagot niya,baka kinakabahan kalang kasi makakararap mo ang p*m*t*y sa mga magulang mo. Ipinarada niya ang kanyang kotse pagdating nila ng presinto,magkahawak kamay pa sila ng kaibigan niya ng pumasok sa loob.nagtanong sila sa isang officer tungkol sa nahuling suspek na nakabangga sa mga magulang niya 4 months ago. Tinanong siya ng officer tungkol sa detalye ng nangyari noon,hindi niya maibigay ang pangalan ng s*sp*k dahil hindi rin niya alam,walang sinabi sa kanya ang Tito niya tungkol sa pangalan basta ang alam niya lang sinabi nitong nakakulong na. Ma’am pasensya na po pero ayon sa mga impormasyong ibinigay mo sa amin,wala po kaming narispundihan ng ganung insidente 4 months ago at wala rin po kaming report na natanggap tungkol sa aksidente na involve ang mag-asawang Parker. Sir ang sabi po ng Tito ko nag file po siya ng kaso doon sa lalaking sangkot sa aksidente ng mga magulang ko,Jonathan Parker po ang pangalan ng nag file ng kaso. Chineck ulit ng officer ang record ng mga kaso pero walang lumalabas,sorry po Ma’am pero wala po talaga.biglang nanghina si Jade sa mga nalaman niya,buti nalang nakaalalay ang kaibigan niya. Lumabas sila ng presinto na bagsak ang balikat ni Jade,ang buong akala niya nabigyan ng hustisya ang mga magulang niya pero hanggang ngayon pala malaya parin ang salarin. Kailangan niyang makausap ang tito niya,bakit siya nagsinungaling,ang sabi niya nakakulong na ang susp*k pero bakit niya ako niloko.pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari,nawala na sa kanya ang lahat hindi pa siya makapasok sa sariling kumpanya dahil pina ban siya. Ahhh…..galit na sigaw nito,mga h*y*p kayo pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa pamilya ko.sisiguraguhin kung pagsisisihan niyo ang mga panloloko niyo.Beshy tama na awat ng kaibigan,kausapin mo ang Tito mo kung bakit niya nagawa sayo to.nandito lang ako dadamayan kita sa problema mo,niyakap naman siya ng kaibigan para pakalmahin.Ilang minuto pa silang nanatili sa harap ng presinto para pakalmahin ang sarili,si Courtney na ang nag drive ng kotse dahil alam niyang wala sa sarili ang kaibigan. Isang tao lang ang naisip ni Jade na makakatulong sa kanya yun ay walang iba kundi si Soren Miller,beshy sa kumpanya tayo ni Mr.Miller dumiretso,agad naman sumunod ang kaibigan nito. Pagdating nila sa Miller building lumabas agad sila ng kotse at pumasok sa lobby,sinabi niyang gusto niyang makausap si Mr.Miller. Meron po ba kayong appointment kay Mr.Miller Ma’am tanong ng isang staff,wla po kaming appointment pero kilala niya ako baka pwedeng pakitawagan nalang kahit secretary niya.Okay po Ma’am,maupo po muna kayo tatawagan ko lang ang secretary niya. Maya-maya lumabas ng elevator ang secretay ni Mr.Miller, Miss Parker tayo na po sa taas pinapasundo po kayo ni Mr.Miller. Thank you sagot ko. Sir andito na po si Miss.Parker sabi ng secretary niya,papasukin mo sagot nito.naiwan naman ang kaibigan ko sa labas.Miss Parker what brings you here?gusto lang kita makausap,gusto kung humingi ng tulong sayo.Anong tulong ang kailangan mo Jade?sinabi ko sa kanya ang nalaman ko ng pumunta ako ng presinto,sinabi ko sa kanya na tulungan niya akong paimbistigahan ang Tito ko. Pagkatapos namin mag-usap ni Soren ay lumabas na ako ng opisina niya at umalis,hinatid ko lang ang kaibigan ko sa bahay nila at tinungo ang daan papunta sa bahay nila Tito.kailangan ko siyang makausap, bakit siya nagsinungaling sa akin. Masyado akong naapektuhan sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon,nawala ako sa focus sa mga bagay na dapat kung gawin,masyado akong nagtiwala at naniwala sa mga sinabi ni Tito na nakakulong na ang s*sp*k. Pagdating ko sa harapan ng gate nila ay pumasok agad ako,hindi kona pinansin ang guard na bumati sa akin.Tito...sigaw ko.. Jade ano ba ang nangyayari bakit ka sumisigaw tanong ni Tita,ilabas mo ang asawa mo nasaan siya.Jade anong kaguluhan to sabi ni Tito habang palabas ng knyang library. Bakit ka nagsinungaling sa akin Tito,ang sabi mo ikaw ang bahala sa taong nakabangga sa mga magulang ko, na ipapakulong mo sila sigaw ko. Di ba sinabi ko na sayo Jade na nakakulong na ang taong yun,nabigyan na ng hustisya ang mga magulang mo, ano pa ba ang ikinagagalit mo sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD