Nasa opisina ako ngayon dito sa kumpanya
ko para i review ang mga papeles na dapat pirmahan ng biglang may kumatok sa pinto at niluwa ang secretary kung si Inigo. Boss inumpisahan na ni Mr.Jonathan Parker ang pamamalakad sa kumpanya ng kanyang kapatid, at ayon sa secretary niya ay pina ban daw po niya si Miss Jade na makapasok
sa loob inporma niya.Tumayo ako at pumunta sa harap ng glass window, pinagmasdan ang magandang tanawin ng maynila.
Sabihin mo sa secretary niya na alamin ang lahat ng kilos ni Mr.Parker,ipaalam niya agad sayo.Alam kung may binabalak siyang masama kay Jade,si Jade parin ang nag iisang tagapagmana ng lahat at sa pagiging ganid ni Mr.Parker ay hindi malabong may masama siyang binabalak.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Jonathan,ang secretary niya ay nagtatrabaho kay kay Mr.Miller.Pinadala ito sa kumpanya niya para alamin ang bawat kilos nito,at ang bawat hakbang na gagawin nito.At sa ganung paraan malalaman nila kung paano ito mapapabagsak,mas mabuti na ring nag invest sya ng sa ganun may dahilan siya para pumasok sa kumpanya.
Magtalaga ka ng mga tao na magbabantay kay Jade 24hours,hindi nila kailangan lapitan ito,alamin lang nila ang bawat galaw ng dalaga. Hindi natin alam ang kung ano ang tumatakbo sa utak ni Jonathan bka may gawin siyang masama kay Jade utos ni Soren sa kanyang secretary.Copy Boss, sagot naman kanyang secretary,pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay lumabas na ito,naiwan naman si Soren mag-isa sa loob.