Pumasok ako ng kotse at nilisan na ang lugar,panay parin ang daloy ng aking mga luha hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin.Kaya kung tanggapin ang panloloko nila sa akin pero ang hindi ko matanggap ay ang panloloko nila sa mga magulang ko.
Ilang minuto na byahe ng marating ko ang bahay namin,agad akong nagpark at pumasok sa loob ng bahay.nakita ko pa si Manang na naglilinis nakatalikod siya kaya hindi niya ako napansin,dumeritso ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap nagulat man siya pero niyakap din niya ako pabalik.Napa hagulgol naman ako ng iyak.
Iha anong nangyari bakit ka umiiyak?tanong ni Manang
Niloko nila ako Manang,lahat sila ay pinagkaisahan ako,bakit ginawa nila ito sa akin.Ang akala kung mga taong magiging karamay ko at maging sandalan ko sa oras ng problema ay niloloko lang pala ako umiiyak na sabi ko.
Jade ano ba ang nangyayari at ano itong sinasabi mo na niloko ka?Sino ang mga taong tinutukoy mo?Alam kung hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi ka nasaktan ng todo sabihin mo sa akin kung ano ang problema.
Sinabi ko kay Manang Lorna ang lahat, ang naabutan ko sa condo ng ex ko, at ang pagkamkam ng tiyuhin ko sa kumpanya. Hindi naman makapaniwala si Manang sa lahat ng mga narinig niya di niya lubos maisip na kayang gawin yun ni Tito Jonathan