Chapter 9

1469 Words

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na sinugod ka pala ni Margot?” sermon ni Dean habang sinisipat ang sugat ni Steffi. Kahit na ibinilin niya kay Akai na huwag sabihin ang nangyari ay nalaman din nito ang lahat nang dalawin siya kinagabihan. Mas hamak na loyal si Akai dito lalo na’t kapakanan niya ang nakasalalay. “Kasi ayoko na ng g**o,” katwiran niya. “Ayaw mo ng g**o? Hindi ba, iyon ang nami-miss mo, ang manggulo?” Hinampas niya ang dibdib nito. “Kapag nanggulo naman ako, sesermunan mo ako na parang isang batang paslit.” “Sige, sa susunod na apihin ka ni Margot, tutulungan pa kitang awayin siya. Sukat saktan ba naman ang pinakamamahal kong bestfriend!” Parang dinaluyan ng kuryente ang mukha niya nang hipan nito ang kanyang sugat. “O, bakit namumutla ka? Ginamot mo na ba ito kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD