“SO nandito pala ang ahas. It’s nice to see you here, Stephanie Morales.” Napaangat ang paningin ni Steffi mula sa kinakain nang marinig niya ang tinig ni Margot sa kanyang likuran. Kasalukuyan silang nagdi-dinner ni Reena sa Pier One nang lapitan sila nito. Gulat siyang napatingin dito. “Perhaps I can’t say the same, Miss Valdez. At napakalakas naman ng loob mo na lapitan ako.” “Scared,?” may paghahamon sa tinig nito. Hindi pa ito nasiyahan at ipinaghila ang sarili ng upuan. Hindi siya natatakot. Pero nahihiya siya kay Reena oras na malaman nitong ito ang ex-girlfriend ni Dean. “Miss,” untag ni Reena. “I think you should stay away from Steffi. You are bothering us!” Hindi na nito maitago ang pagkainis. Nagsmula na siyang kabahan. Sa tingin pa nga niya ay nakainom pa si Margot kaya

